SCORPIO II

4 0 0
                                    


Nalaman ko na ang kwento niya. Kaya naman pala galit na galit sya sa mga magulang nya at sa lalaking nakita ko nung nakaraang gabi ay dahil sa gusto syang ipakasal sa taong yun. Kaya galit din siya sa mundo. Sa ngayon ay nakatira sya sa apartment na 'to dahil sa kagustuhan niyang patunayan na hindi niya kailangan ng yaman ng kahit kanino. At isa pa, ampon sya ng mga kinikilala niyang magulang, parang ... walang utang na loob ang parte niya pero mali ba yun? Na gustuhin mong mabuhay sa paraan na gusto mo?

Hindi ko din alam... ano bang malay ko? Hindi naman ako tao. 

Tumingin siya sakin pagkababa niya ng taxi. 

"Ano?" Tanong ko sa kanya. Nakatingin sya sakin na para bang ako ang pinaka wirdong tao sa mundo. Well... I am. 

"Anong sasabihin ko pag nakita ka nila?" Napatingin ako sa malaking building na nasa harap namin. 

"Di mo kailangan mag-alala. Go on." Duda pa din sya pero pumasok na sya sa loob pagkatapos niyang bumuntong hiniinga. Wirdo din eh. Pero kinakabahan talaga sya, ramdam ko. Dahil yata sa nangyari kagabi. 

Hinayaan ko na lang sya pero nanatili ako sa tabi niya nang hindi niya nalalaman. Pinagtitinginan sya ng mga tao at maririnig ang ilang bulungan. Mukhang kalat na agad ang tsismis. Ano nga ba ang aasahan mo sa mga mayayaman? 

But this woman doesn't care. She is nervous, not because of what people say about her, because she's here to take her crown. Her only crown. 

Dumirecho sya sa opisina ng kung sinong mataas. Ano bang malay ko kung sino ang pinakamataas sa kompanyang to. 

"Dad... hindi ko sya pakakasalan." 

"Alam ko... base sa ikinilos mo... it was obvious." May katandaan na ang lalakeng to. Pero makikita mo ang pagiging boss niya... aura pa lang eh.

"Then why? Why you guys keep on pushing me to that guy? Hindi naman kayo naghihirap ahh!" 

"Shares are good. Kailangan bang paulit-ulit lahat ng bagay sayo?"

"Dahil hindi ko naiintindihan and at the same time you don't understand me." 

"Tinuring ka naming tunay na anak."

"If I were your child... will you do this to her?" Hindi nakasagot ang matanda. Ops... wait... may nakiliti ata sya sa parteng yun. "Exactly... no of course. Dapat di niyo na lang ako inampon." Then she leave the office and went somewhere that I don't know. Kahit saan naman sya magpunta mahahanap ko sya. Napatingin lang ako sa matandang to. Nagising yata sya. Napabitaw sya ng buntong hininga. 

"I'm sorry." Sabi ng matanda. Hmm... ano bang meron? Parang labag naman sa loob niya na ipakasal din doon tong si Mildred. Kung hindi nga naman sila naghihirap... ano rason?

Sumunod na ako kay Mildred, nakita ko sya sa isang office, may dala syang box tapos mukhang nilalagay niya doon lahat ng mga gamit niya. Aalis na sya sa kompanya? Nagdesisyon akong magpakita sa kanya. 

"Aalis ka?" 

"Ano bang magandang gawin?" tuloy pa din sya sa paglalagay ng kung ano-ano. Mga libro at mga bagay na hindi ko alam kung kailangan niya ba. 

"Malay ko. Ano ba sa tingin mo magandang gawin?" Parang binalik ko lang sa kanya yung tanong niya. Huminto sya sa ginagawa nya. 

"Kapag... nag-stay ako dito... ipipilit nila ang gusto nila. Hindi ko kayang magpakasal sa taong hindi ko gusto. Hindi ko alam kung anong gagawin ko... pero sa ngayon kailangan ko na talagang umalis sa lugar na'to. I don't deserve this. No one deserves this." tinuloy niya ang pag-pa-pack-up niya. May nalaglag namang sobre tapos may biglang pumasok. Nagulat ako kaya natago ko kagad sarili ko. Tiningnan ko kung sino yung dumating... sya yung lalake kagabi. 

ZODIAC: SCORPIO [COMPLETED]Where stories live. Discover now