MBmME19

478 23 4
                                    

Nadine's POV

"Finally, nakita na rin kita ng malapitan. (Tumingin sa boob part) Tama nga si bespren, otap ka nga. Hahaha!"

Tumingin ako sa likod ko, baka kasi hindi ako ang kinakausap niya eh. Pero wala namang ibang tao. So ako talaga kinakausap niya?

"Ahhhh ako ba kinakausap mo?" tanong ko.

"Wala namang ibang tao dito diba. Maliban na lang kung may mga nakikita kang di ko nakikita. Hahaha!"

Abay pang asar to ah. Eh sino ba tong lokong to?

"Sorry pero hindi kita kilala, mauna na ako." mejo naiinis na sabi ko.

"Wait, sandali lang. Eto naman, binibiro lang kita nagtampo naman agad." sabi niya.

"Pwes wala po akong panahong makipagbiruan sa inyo." kunot noong sabi ko.

"Okay, okay hindi na ako magbibiro. Promise!! Sorry na. Peace?" sabi niya sabay nakapeace sign.

Napabuntong hininga nalang ako at napatango.

"Yun, di okay na tayo. Hahahaha." masayang sabi niya. "Ay wait! Hindi pa nga pala ako nakakapagpakilala sayo..... Ehem ehem!! I'm Van Lorenz Pedrosa. You can call me Van or Lorenz or whatever you like. hahaha!". Ayus din to ah bakit di nalang kaya pedrosa.

"And I'm very very very single."

"Ahhhhhh!!" yan ang naisagot ko.

"Ahhhhhh, yun lang isasagot mo sa akin??? Sabagay, di mo na kelangan magpakilala, I've already heard so much about you."

"Huh? Ahhh siguro nakikita mo ako sa mga showbiz news."

"Nope, di ako nanonood ng TV.

"Ahhh sa internet?"

"Hindi rin."

"Eh paano mo ako nakilala?" nagtatakang tanong ko.

"Because of James." Ano daw??? Dahil kay James??? Paano???

"Ayyy sabi ko na nga ba may nakalimutan akong sabihin sayo. I'm James' bestfriend."

"Bestfriend?"

"Yeap!!! Ohhh ohhh baka kung ano ang iniisip mo ah. Porke ba parehong lalake di na pwedeng maging magbestfriends? Hindi kami bakla noh."

"Wala naman akong sinabing ganun ah."

"Baka lang naman. Hahaha"

Bigla kaming natahimik na dalawa ng mga 10 seconds. AWKWARDDDDD!!!

"Ahhh, gusto mo magmeryenda muna tayo sa cafeteria? Tutal wala pa naman kasi si James, may usapan kasi kami na magkita dito. Ewan ko ba dun, ang daming pwedeng meeting place dito pa sa Viva, eh hindi naman ako artista. HAHAHA!!" Daldal din ng mokong na to.

"Ahhh thank you pero kelangn ko na kasing umalis eh."

"Sige na samahan mo lang ako, kawawa naman ako dito wala akong kasama. At para narin makilala ko yung future girlfriend ng bestfriend ko."

"Huh?"

"Ahhh wala wala. Sige na samahan mo na ako. Please!!!!"

"Sige na nga, pero sandali lang ah."

"Yes ma'am!" sabi niya sabay saludo, natawa naman ako.

Cafeteria

"Anong gusto mo, umorder ka lang ng kahit ano."

"Ahhh ok na ako sa pineapple juice."

"Yun lang? Eh sabi ni James matakaw ka daw eh, eh bat yan lang ang order mo??? Ahh miss (tumingin sa waitress) bigyan mo siya ng isang slice ng strawnerry cake, isang slice ng red velvet cake, isang slice ng carrot cake and yung pineapple juice."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 08, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mr. Bida meets Ms. Extra (JaDine Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon