"Ano pa nga ba?"

She rolled her eyes. Alam kong pagod na siya sa ganitong usapan. Aayain niya ako tapos hindi ako sasama.

"Why? are you coming this time?" Subok padin niya sa akin. Umiling ako tulad ng dati.

I took a sip on my hot coffee. Dito sa Chapters na ito ako palagi nagpapart time kapag bakasyon dito naman ako kumukuha ng extra income para makabili ng mga gusto ko at ng mga ticket... bukod sa pag tutor ko kung saan ko kinukuha ang allowance pang araw-araw.

Iba ang kalagayan ko kay Jane, mayaman siya at hindi siya katulad kong ni hindi alam kung sino ang nagpapaaral.

"Whoever he or she is, siguro naman gusto ka din niyang mag enjoy no! You aced all the exams! you deserve to atleast unwind."

Ang dalawang palad niya ay nakatungo sa akin, just to prove a point. At the end, she feel defeated at tumigil narin sa pag aya sa akin. Hinahalo halo niya ang frappe gamit ang straw nito bago muling nagsalita

"Anyway sa Punta Fuego ang punta ko." Kibit balikat niyang balita.

Nabitawan ko ang tinidor na aking hawak. Lumikha ito ng ingay ng bumagsak ito sa coffe table.

Kunot noo akong nilingon ni Jane at tinignan ang nahulog na tinidor. Mabilis niyang tinawag ang waiter at pinapalitan iyon.

"Thank you." Sabi ni Jane sa waiter na nagasikaso sa amin.

"I'm sorry Tam." Umiiling akong humingi ng paumanhin sa katulad ko na part timer din na si Tam

"Ayos lang yon Tasha." Ngumiti ito at lumabas ang maganda nitong dimples.

Malisyosong nagpalipat lipat ang tingin ni Jane sa aming dalawa.

"Tawagin niyo lang ako kapag may kailangan kayo."

Tumango ako, tumingin siya kay Jane at tumango bago umalis, pinanood ni Jane si Tam papunta ng counter at ngiting asong bumaling sa akin.

"May gusto ang isang iyon sayo." Mapanuksong deklara ni Jane habang itinuturo si Tam.

"Shh Jane, wag kang maingay." Pigil ko sa kanya, natatakot na marinig iyon ni Tam.

Ayokong bigyan siya ng mga ideyang hindi naman totoo. Hininaan nga niya ang boses pero marami siyang binulong bulong na hindi ko na nasundan dahil muli kong naalala ang kanyang pupuntahan.

Punta Fuego...

"Well, totoo naman ang sinasabi ko, manhid ka lang." Natatawa niyang sabi

"Hindi yan ang priority ko ngayon, gusto ko makatapos." Sagot ko at uminom ng kape.

"Sabagay, minsan distraction lang yan sila. Pero mas maraming inspired ha! Tulad ko!" She winked at me.

Nanliit ang mga mata ko sakanya, wala akong alam sa nangyayari sakanya lately. Masaya siyang sumubo ng cake at wala ng balak dugtungan ang sinabi.

"Sino?" Kunot noon kong tanong sa kanya.

Isang nakakalokong ngiti lang ang binigay niyang sagot, at kahit anong pilit ko ay hindi niya sinabi.

Natatawa lang siya sa tanong kong nagtataka kung sino.

Nakalimutan ko sandali ang Punta Fuego sa pabitin niyang deklara kanina. Naalala ko nalang ng naghiwalay na kami ng araw na iyon ng naguguluhan.

Gusto kong sumama. I want to visit my parents' grave. Isang beses lang.. I will break Auntie Noemi's rule, kahit ngayon lang.

"Good to know na magbabakasyon ka. It's fine kung nextweek ka pa magsisimulang mag part time." Sagot ni Yasmin ang may ari ng Chapters, ng minsang magpaalam ako ng leave.

Beautiful DisasterOnde histórias criam vida. Descubra agora