(PART 1) ANG PAGTATAGPO

10 0 0
                                        

Itago niyo na lang ako sa pangalang JAY.

Maiksing intro:
Si jay ay isang pilyo, makulit, masiyahin, matulungin, matapang kapag nasa katwiran, Di papadaig, maprinsipyo at minsan ding mayabang (para sa mga hindi nakakakilala sa akin). Pero si jay pagdating sa babae nung binata pa ay torpe. Kaya naman 4th year highschool na ako ng unang magkaroon ng girlfriend.

Fast forward:

Taong 2009 kasalukuyan akong nasa loob ng isang relasyon sa kaeskwela ko sa isang sikat at premyadong kolehiyo sa quezon city na nakilala ko lang sa isang common friend.

Nung una ay hindi ako seryoso sa kanya dahil nang makilala ko siya ay nasa loob pa siya ng relasyon sa kanyang boyfriend pero nakakalabuan na niya ng mga panahon na yun...

Kaya naman ako ang naging hingahan niya ng sama ng loob at kumbaga'y crying shoulders sa tuwing sasaktan siya ng bf niya. Hanggang sa yun na nga... Ano pa ba ang pwedeng mangyari kung lagi kayong magkasama? Ayun... Nagkapalagayan ng loob. Nagkasundo sa mga trip at naging kami.

Pero syempre, dahil sa mga sumunod na pangyayari, dito ako naniwala na kung paano mo nakuha ang babae ganun din siya mawawala sayo. Kaya naman ako'y lubhang nasaktan dahil kung kailan napamahal na ako sa kanya ay saka ko pa siya nahuli na nagloko.

Habang kami ay magkarelasyon siya ay sumiping sa kanyang ka "brod" noon sa fraternity dahil myembro siya ng sorority.

Nahuli ko lang siya dahil sa nakita ko ang conversation nila sa text at nakitaan ko pa ng litrato habang magkayakap sila sa kama. Agad naman niyang inamin ito at humingi ng tawad. Makailang beses pa siyang humingi ng tawad pero dahil sa nasaktan ako at hindi sumagi sa isip ko na magagawa iyon ng isang babae hindi ko siya nagawang patawarin.

Lumipas ang ilang linggo lalo kong naramdaman ang pangungulila dahil sa pagkawala niya kaya kahit siya ang nanloko sa akin, napagdesisyon kong patawarin siya at kausapin pero huli na pala ang lahat dahil mas pinili na niya ang lalaking kinahumalingan niya. Lubha itong napakasakit kaya muntik nang masira ang buhay ko.

Halos hindi na ako pumapasok, kumakain at gabi-gabing lasing at halos sirain ko na talaga ang buhay ko.

Mabuti at hindi ako pinabayaan ng pamilya ko na siyang nagpapayo sa akin at nagpaalalang masaya ang mabuhay at hindi pa katapusan ng mundo.

Kaya naman unti-unti ko siyang kinalimutan. Humanap ako ng mga mapaglilibangan para makalimutan ang sakit.

Nandyang kapag walang klase kinabukasan e pumupunta ako sa isang amusement center para maglaro ng mga games like, basketball shooting, car racing at paborito kong claw machine kung saan magaling ako at halos nasa 30 toys na ang nakukuha ko sa buong paglalaro ko dito.

Mas ginugol ko rin ang oras ko sa pag-aaral dahil isang taon na lang ay makakapag graduation recital na ako at hopefully naka graduate na din.

Isa pang naging libangan ko ay ang pagsama ko sa ibat-ibang banda (marching band) sa pilipinas dahil ako ay isang musiko. At dito ay nakakarating ako sa ibat-ibang bayan sa pilipinas sa pamamagitan ng pagtugtog at nalilibang ako dahil sa kulitan at tugtugan namin sa banda.

Isang araw ako ay naimbitahan ng isang banda ng isang bayan na pinagmulang banda rin ng aking tatay at naging banda din ng aking kuya.

Inimbita ako na sumama at umasiste sa banda nila papuntang sto. Tomas batangas at agad naman akong umoo dahil hindi na rin iba sa akin ang banda na yun at first time kong makakasama sa asiste ng isang banda.

Oras ng assembly ng banda para sumakay ng bus sa isang park ay 3am. Kaya naman 2:30 am pa lamang ay nakasakay na ako sa bus kasam na ang ibang myembro din ng banda na kakilala ko. Ang hindi ko alam buong banda pala ang sasakay duon kasama ang mga majorette at mga mangulang nito.

Nakapwesto ako sa gitnang upuan ng bus (yung natitiklop) nang may biglang umakyat na isang naaaaapakagandanv babae. Gandang tanda ko naka pula siyang spaghetti strap at shorts na puti at sa likuran niya ay ang kanyang ina na kasunuran niyang umakyat ng bus

Ako ay nasa bandang gitnang parte ng bus at habang naglalakad ang babaeng ito, (guys corny na to kung corny pero) literal na bumagal ang paligid ko, ang tibok ng puso ko bumilis at talagang dinig na dinig ng tenga ko ang dagundong ng puso ko habang naglalakad siya. Tila tumatalbog-talbog pa ang kanyang buhok at napakapula ng labi niya.

Nakatitig lang ako sa kanya habang naglalakad siya at nang umabot siya sa tapat ko ang sabi lang niya ay "EXCUSE ME NGA". Masungit na bitaw niya. Dun parang bumalik sa normal ang paligid at naging mabilis ang tayo ko at pag angat ng upuan at nataranta ako. Kaya naman alam niyo ba ang sumunod na nangyare??? Natapakan ko ang paa niya habang suot ko ang black leather shoes ko na napakabigat.

Jahe men! Unang meeting ko sa babaeng tila nagpatibok agad ng puso ko minus pogi points agad dahil natapakan ko agad siya tapoa ang bigat ko pa.

Lalong nagumusok ang ilong ng magandang babae sa galit aa akin at nagpatuloy sa pagpasok sa likurang bahagi ng bus.

Hindi ako makalingon sa likuran dahil natatakot akong awayin niya kaya ang ginawa ko nag-ingay na lang ako ng nag ingau at nagpatawa sa loob ng bus habang iniintay pa ang ibang makasakay. Ginawa ko ito oara makapagpapansin sa kanya at makarinig siya ng mga hurit kong patawa. Habang ang lahat ay tawang tawa sa akin hindi ko alam kung siya din ba ay natatawa.

Nang umandar na ang bus dahil hindi ako natulog nung gabi agad akong nakatulog nang mapasandal ako at tumahimik panandalian.

Nang magising ako ay nasa tapat na kami ng munisipyo ng sto. Tomas batangas kaya pinabababa na ang lahat dahil tatapat ba kami sa munisipyo. Ibig sabihin magpepresinta na ang banda at tutugtog para sa mga tao ng munisipyo at sa mayor.

Nang nagbababaan na agad kong hinanap ang babae sa likuran at nakita kong kagigising lang din niya katabi ang nanay niya pero kahit bagong gising siya... Napakaganda pa rin niya. Woke up like this ang peg. Nang mapatingin siya sa akin nginitian ko siya pero ayun dedma si ate mong girl. Pero syempre di ako nagpahalata na napahiya kaya bumaba na ako ng bus.

Pagkatugtog ng ilang pyesa ng banda ay agad na sumunod na pumwesto ang mga majorette sa harap at akmang sasayaw. Sa senyas ng trumpet ay agad na tumugtog ang "nanaman" yan ang tawag namin sa pyesang "hot stuff" ni donna summer dahil sa lahat ng banda sa buong pilipinas walang majorette ata ang hindi sumasayaw nito kaya "nanaman"  ang tawag namin dahil pinapalitan namin ng lyrics na "nanaman" ang intro nito... (pakinggan niyo na lang sa youtube itype niyo - hot stuff marching band)

Duon ko siya unang nakitang sumayaw! Talaga namang napanganga ako at literal na nakasubo lang ang instrumento ko habang hindi akk tumutugtog dahil natulala ako sa kanya. Ang galing niyang sumayaw at ang ganda ganda niya lalo.nung nagayos na siya at naka uniform ng majorette.

At nang matapos ang tugtugan sa munisipyo ay agad kaming magmarcha nagparada sa kabayanan at nang matapos ang ilang ikot pumunta na kami sa eskwelahan kung saan kami magpapahinga at matutulog ng dalawang gabi.

Mas kaaliw-aliw pa ang mga sumunod na nangyari dahil sa wakas magkakaron na ko ng pagkakataong makausapnsana siya at makahingi ng tawad sa pagapak ko sa kanya sa bus at paraan na din para makakwentuhan siya at makapagpakilala...

HANGGANG.................

ITUTULOY SA (PART 2)

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 05, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

IKAW NA PALA (muntik pang mawala)Stories to obsess over. Discover now