"Eh ano ba kasing ginagawa mo dito?"

"Bakit? Bawal na bang kumistahin ang NAGTANAN este tumakas sa sarili niyang premiere night kong bestfriend?" sabay nakakalokong ngiti.

"What?"

"What what ka jan. Amnesia tol? Amnesia?"

"Wala akong panahon sa mga kalokohan mo ngayon, pagod ako. kaya pwede ba alis na." pagtataboy ko sa kanya.

"Pagod? bakit ano bang ginawa niyo ni Miss Otap at nabagod ka ha?? Hahaha"

"Alam mo ang dumi talaga ng utak mo noh. Ewan ko sayo tsaka pwede ba, don't call her Miss Otap, ako lang ang pwedeng tumawag sa kanya nun."

"Wow, at possessive ka na rin ngayon ah. Iba na talaga ang tama mo jan tol, tagos!"

"Baliw!" sabi ko tas umupo sa kabilang couch.

"Baka ikaw ang baliw.... Baliw sa PAG-IBIG! HAHAHA!!"

"Ewan ko sayo!" parang galit na sabi ko.

"Pero seryoso na tol. Bat mo ginawa yun kanina? Alam mo bang galit na galit si Boss Vic, pati nga yung mga tao eh. "

Di ako makasagot sa tanong niya. Tumitig lang sa kanya for a moment then inalis ko ang tingin ko.

"Nakooo!! Wag mo nga akong bigyan ng ganyang titig, sagotin mo tanong ko!"

"Di-di ko alam, basta ginawa ko na lang." sagot ko nalang sa kanya.

"Hoy, kilala kita. Di mo gagawin yun ng basta basta lang lalo pa na alam mo ang mga consequences ng actions mo.... Eto ha, usapang bestfriends. Yung totoo, tapatin mo ako, mahal mo na ba talaga siya?"

Nagulat naman ako sa tanong niya. Mahal, mahal ko si Nadine? Mahal ko nga ba si Nadine? Mahal ko nga ba talaga si Nadine?

"I-i don't know."

"You dont know?"

"Basta, ang gulo. Di ko alam kung ano yung nararamdaman ko, pero isa lang yung alam ko at sigurado ako..... I want to protect her."

"Tsk tsk tsk!!" yan lang sinagot niya sakin.

"At ano naman ang ibig sabihin ng tsk tsk tsk mo?" naguguluhang tanong ko.

"Yang I want to protect her na linya mo. Eh yan din yung sinabi mo nun nung nakilala mo si Erin eh."

"Pero hindi ko siya naprotektahan." yan ang nasabi ko.

"Bro...." pinutol ko ang sasabihin niya.

"Tol, ayoko ng pagusapan yun. Pagod ako, gusto ko ng matulog. Umuwi ka na lang pag naubos mo na yang beer mo. Sige." sabi ko then nagkakad papunta sa kwarto ko.

Buti na lang di ako kunulit ni Lorenz na pagusapan yun. Aaminin ko, hindi parin ako komportableng pagusapan yung nangyari sa min ni Erin nun. Siguro dahil hindi ko parin mapatawad yung sarili ko na nasaktan siya dahil sa kin. Siguro dahil nasasaktan parin ako.

Nadine's POV

Maaga akong pumunta sa Viva. Hinihintay ko siya sa na dumating dahil gusto ko siyang kausapin para maipaliwanag sa kanya ang mga nangyari. Nakaupo ako sa harap ng office niya. Halos magiisang oras na ako dito pero hindi parin siya dumadating.

"Ang tagal naman ni Boss." mejo nababagot na sabi ko.

After 10 minutes, sa wakas dumatating na rin ang matanda. MAGBUNYI!!!! Hahaha

Inapproach ko agad niya. "Hello po Boss Vic. Good morning po!" masiglang bati ko.

"And what are you doing here?" si miss dragon ang sumagot. Hoy ikaw ba kinakausap, wag ka ngang sabat ng sabat.

"Ahh kasi po ano eh... ano kasi...!!" Di ko alam kung paano ko sisimulan.

"ANO NGAAAA!" Sigaw ni dragon. Abay bwisit to ah!! Tsss "Kung wala ka namang magandang sasabihin, umalis ka na. Ang dami mong ginagawang gulo dito." pagpapatuloy niya.

"No wag kang umalis. May sasabihin din ako sayo. Let's talk in my office." sabi ni Boss Vic then pumasok na sa office niya. Mejo nastatua naman ako sa sinabi ni Boss, parang natatakot na tuloy akong lausapin siya.

"Ohh ano pang tinuyunganga mo jan? Pasok!! tsk tsk tsk!!!" sigaw ulit ni Dragon. Nagulat ako kaya bigla akong napapasok.

"Umupo ka." sabi ni boss nung makapasok na ako. Syempre umupo naman ako, ayoko ngang tumayo lang, mahaba habang usapan to no. HAHAHA

"Aahhh Boss yung tungkol po sa nangyari kagabi, sorry po. Hindi ko naman po alam na magkakagulo eh. Tsaka walang pong kasalanan si James, sana po siyang pagalintan. Ako po yung pagalitan niyo, willing po akong tumanggap ng kahit na akong punishment. Hindi po ako magrereklamo, Promise". Mejo mahaba yun ah, hiningal tuloy ako.

"Kung ganun, tinatanggal na kita dito sa Viva." sabi niya.

"Ho? Tinatanggal niyo ako?". Fire?? fire agad??? Nakakagukat naman tong si Boss eh, sabi ko lang na willing ako sa kahit na anong punishmemt, pero fire agad???

"Yes, you're fired." maalumanay na si niya.

Nakungkot ako sa narinig ko. Pero kung tutuusin, dapat lang sa kin to. Sa dami ba naman ng gulong dinala ko sa Viva, deserve ko mafire.

"Yung yun mo yung desisiyon niyo, tatannggapin ko po." malungkot na sabi ko.

"Hmmmm!!!! Di ako nangkamali yan ang isasagot mo sa akin."

"Ho?" naguguluhang sabi ko.

"Para lang hindi ko pagalitan si James, handa kang isugal ang pangarap mo na pinaghirapan mo...... Nadine, unfair sayo kung tatanggalin kita. I know that it's not you're fault. Hindi mo ginusto na mangyari ang mga nangyari. Hindi kita tatanggalin, pero isa lang ang hinihiling ko sayo....."

"Ano po yun?"

"Layuan mo na si James."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Boss. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa sinabi niya.

"Pinaghirapan ni James na makarating kung nasaan man siya ngayon. Hindi naging ganun kadali sa kanyang abutin ito. Pero sa isang iglap mamaaaring mawala lahat, dahil sayo.... Nadine, base sa nakikita ko, hindi ka niya kayang layuan, kaya kung maaari ikaw na ang lumayo."

Pagkatapos naming magusap ni boss Vic lumabas na ako sa office niya. Naglalaro parin sa isip ko ang mga sinabi niya. Bat ganun, nung unang sinabi niya sa kin na bawal na kaming magkita ni James, masakit pero mas masakit ngayon.

"Ms.Otap"?

Nagulat ako sa nagsalita at may saya akong nafeel nung marinig ko yung Ms. Otap kaya excited akong tinignan yung nagsalita.

Nang pagtingin ko, nalungkot ako. Hindi siya, hindi siya si James.



Mr. Bida meets Ms. Extra (JaDine Fanfic)Where stories live. Discover now