Ngumisi ako at tumango. "Ako rin naman kaya sige."

We spent the whole morning checking out the shops. Kung ano ano na lang ang binili ko, mga remembrance na figurine para sa amin. Tapos naisip ko rin para sa "condo namin" ni Royce.

We also decided to eat at their restaurant, imbes sa villa. Tinanong pa kami kung bakit tatlong araw lang ang honeymoon. Sinagot naman ni Royce na maraming iniwang trabaho pero ang totoo, pang front lang naman ito kaya hindi na kailangan ng ilang linggo.

It was past two when we went home. I was exhausted from all the walking. Madalas ko pa siyang hilahin para mapagod nga ako and it was successful.

Nasa tabi kami ng pool pagkatapos mag swimming. Naka higa ako sa lounge samantalang abala siya sa pagbabasa. Hinihila ako ng antok. Lalo ba dahil hinihele ako ng hangin at magandang tugtog.

Sa huli, umahon ako. Napabaling siya sa akin at masama akong tiningnan.

"What's with you?" he asked because of my sudden move.

Hindi ako puwedeng antukin at matulog! Ire-reserve ko ang tulog ko mamayang gabi! Tingnan mo 'tong mokong na 'to at parang walang problema!

"Ang sakit ng katawan ko, maybe I should request for a spa," I said trying to dodge his question.

Umiling siya at bumaling na naman sa binabasa. "Alright. We'll have our spa later. Before our dinner, I'm gonna use the gym. How about you?"

Medyo lumakas ang loob ko dahil naisipang magpa spa, bukod pa sa antok na ngayon, at pagod pa, siguradong sigurado akong makakatulog ako!

I smiled and leaned on the small table. Nagtaas siya ng kilay, nararamdaman na naman ang mga kababalaghang naiisip ko pero nagpatuloy pa rin siya nagbabasa.

"Letting out steam, Royce?"

"What? Because I'll go to the gym? Shut up, Schuyler."

"Nakadalawang araw ka nang pabalik balik sa gym, ah? Hindi ba kaya ng swimming lang?" I laughed.

"How about you, you went to the gym last night. Were you scared you can't sleep if you won't?"

"Huh? I just want nice pictures today. Kaya nagpaganda ng katawan kahapon."

"You haven't taken a single picture the whole day, Sky."

Nakangiti ako pero matindi na ang tikom ng ngipin ko sa biglaang iritasyon sa kanya.

"Ngayon pa lang, Royce. Hinihintay kong mag sun set at blue hour para maganda ang kuha."

He snorted. "I'll be your photographer then?"

"Akala ko ba mag gi-gym ka?"

"After your photoshoot, of course."

"Okay deal then."

That was why after swimming again on the ocean and taking nice underwater pictures, bumalik na ako sa kuwarto at naghanda para sa photoshoot namin. I am so happy that that day turned out so packed. Even without the massage, I'd doze off to sleep the moment I reach the bed.

We had a photoshoot. He was very patient and his shots were the best. Maliligo na ako sa bathroom nang nag gym siya. Nakangisi ako at tinutukso siya habang nagbibihis ng pang gym samantalang umiiling siya sa akin.

After the shower, I went to the gazebo. Siya naman yata ang nagshower at doon na ako sa gazebo naghintay sa kanya at nagmuni muni.

How funny that we're in this honeymoon while we both try not to touch each other. Naisip ko bigla si Mama at Papa. They know that this is arranged marriage, right? And they want me to divorce Royce after all my scandal fades.

One Rebellious Night (GLS/Del Fierro #1)Where stories live. Discover now