Dumiretso na ako palabas. Hindi ko alam kung dahil ba sa pag ji-gym namin pero parang ang hirap huminga sa loob ng gym na 'yon!

Nagmadali ako sa pagligo. Iniisip ko na nakakatakot talagang maabutan niya ako na gising pa. I hoped so hard I'm sleepy enough to sleep right now. Sana pala nilangoy ko iyong nakita kong bukana kanina sa scuba diving. Baka malayo iyon at baka napagod sana ako!

Mabuti na lang at wala pa naman siya pagkatapos kaya humiga na ako sa kama.

Malaki ang kama. We can sleep here without touching. Kahit pa gumalaw kami buong gabi.

Bigla kong naisip ang condo niya. Damn it! I know he's already very successful in this field but should I expect a bed as big as this? For someone whose been alone for years, maybe his bed is just enough?

Pero nagdadala yata siya ng babae. Nasa kama na ako nang naisip iyon. Naisip ko tuloy si Lavender Soledad.

My goodness, Schuyler! This is not the time to think about that! The hell I care whoever that lawyer is.

May bumubulong sa isipan ko na ang galing naman talaga pumili ni Royce, ah? Lawyer pa. He must like intelligent girls and here he is stuck with a bratty princess!

Matalino rin naman ako no! Wala nga lang naabot na title, pagiging Rockwell lang. But that's because I was lucky enough to be born in this family. Damn it! I said this is not the time to think about this!

Pinikit ko ang mga mata ko. At nang narinig ko ang pagpasok ni Royce, nanatiling nakapikit ang mga mata ko.

Mabuti na lang at nadinig naman ang dasal ko. Nakatulog ako bago pa man siya lumabas sa bathroom. That was the first thought that crossed my mind the moment I woke up the next day.

Dahil doon, nagawa ko pang mangiti. Nababanaag ko na ang umaga sa likod ng kurtina kaya panatag na ako. Finally, I got through that hell of a night.

Royce suddenly barged in. All this time I thought he's beside me! Tapos laking gulat ko biglaan siyang pumasok at may dala pang bed table!

Kinusot ko ang mata ko at ngumiti.

"Sarap ng tulog ko."

I could go all out with my banters now but I remember there's another night. Damn it! I need to find a way to make this day productive and tiring.

"I can see that. Breakfast in bed, my wife?" he smirked.

Umahon ako. Nilagay niya ang bed table sa harap ko. I smiled at him with sarcasm.

"Ang aga mong nagising, ah? Can't sleep?"

He smirked more. "Maaga? It's already seven in the morning."

Napawi ang ngiti ko. Talaga?!

"If that's still early for you, then alright. O baka matagal kang nakatulog?"

Siya pa ang nanunuya ngayon, ha! Ang lakas ng loob!

"Natulog ako ng maaga no! Pagod na pagod ako kagabi kaya hindi ko tinapos ang pag gi-gym."

Nagkibit siya ng balikat. "Alright. Good thing today, we have nothing to do but relax."

Umiling agad ako. "I'd like to check out their shops. Sabi mo puwede."

Kumunot ang noo niya. "Akala ko ba ayaw mong magshopping?"

"I changed my mind so I will!"

He sighed and nodded afterwards. Tumingin na siya sa pagkain namin. "But we'll do it after breakfast. I want to relax later before going home tomorrow."

One Rebellious Night (GLS/Del Fierro #1)Where stories live. Discover now