Pakiramdam 'ko umakyat lahat ng dugo sa mukha 'ko. 'Yang ngiting 'yan ang lalong mag papahulog sakin Marcus!

Nakita n'ya yatang natigilan ako kaya tumatawa s'ya. Napatitig ako sa kan'ya ng uminom s'ya sa tumblr n'ya. Kalahi n'ya ba si Adonis? At ganyan s'ya kagwapo na pati pag inom ang sexy n'ya pa rin.

Nag taka ako ng inabot n'ya sakin yung tumblr. Palipat-lipat ako ng tingin sa tumblr at sa labi-- este sa kanya.

"Baka gusto mong uminom kanina ka pa lunok ng lunok," At nginitian n'ya ulit ako.

Walang pag aalinlangan 'kong kinuha 'yung tumblr at tinungga. Syempre swerte na lumalapit sakin e.

Titig na titig ako sa kan'ya habang may kinakalkal s'ya sa bag n'ya ng bigla s'yang mag hubad. Shit!

"B-Bakit ka n-naghuhubad?" nginisian n'ya lang ako.

"Why are you blushing? hmm.." napaatras ako ng bigla s'yang humakbang papunta sa'kin.

Natigil ako sa pag-atras ng mapaupo ako sa bench. Napalingon ako likuran 'ko at pader lang ang sumalubong sa'kin.

Bumalik ako ng tingin sa kan'ya. "A-Anong gagawin m-mo? B-Bakit g-ganyan ka makatingin?" tumigil s'ya harapan 'ko at seryoso akong tinignan.

Bakit ka ganyan Marcus? Argh! Please 'wag kang pa-fall-- ay na-fall na pala ako.

Napayuko ako. Hindi 'ko kayang salubungin 'yung tingin n'ya. Sinilip n'ya ako at pilit ako pinapatingin sa magaganda nyang mata kaya napaiwas ako ng tingin pero pilit n'yang hinuhuli ang mga mata 'ko.

Hinuli n'ya ang pisngi 'ko at kaya napatingin na ako sa kan'ya.

"M-Marcus.." argh! bakit ba ako nauutal?!

Ang bilis ng kabog ng dibdib 'ko ng unti-unti lumalapit ang mukha n'ya. Eto na ba 'yun? Makukuha na 'yung first kiss 'ko? At si Marcus ang magiging first kiss 'ko? Gosh! I can't take it anymore ipinikit 'ko na ang mga mata 'ko at hinintay na mag lapat ang labi namin ni Marcus.

Narinig 'kong s'yang tumawa at bigla n'ya na lang akong pinitik sa noo kaya napamulat ako at inis s'yang tinignan.

"Silly! Hindi kita hahalikan." natatawang kinuha n'ya ang t-shirt sa tabi 'ko at isinuot 'yun.

'Kala 'ko pa naman kukunin n'ya na first kiss 'ko, hindi pa pala.

Tinalikuran n'ya na ako at binitbit n'ya na ang bag n'ya at dumiretso na ng pinto.

Bago s'ya lumabas, lumingon pa talaga at kumindat pa! Argh! Ano 'yun umalis na lang s'ya at iniwan akong tulala at inis sa pambibitin n'ya!

Tsk! Mag papakilig na lang hindi pa sinagad!

Dumiretso pa ako ng classroom at kinuha 'yung bag 'ko.

Napadaan pa ako sa soccer field at napansin ang dalawang babae pero 'yung isa umiiyak.

"Sinabihan na kita e. Tignan mo umiiyak ka na naman dahil sa Ivo na 'yun!"

"Sabi n'ya sa'kin kahapon mahal n'ya ako pero ano yung nakita 'ko kanina! Nag hahalikan sila ni Sabina! Binigay 'ko lahat sa kan'ya! Lahat! Pero niloko n'ya ako!"

Napa-iling ako. May naloko na naman 'yung Ivo na 'yun.

Etong mga babae na rin 'to, may mga itsura pero hindi ginagamit 'yung mga utak. Alam naman na sa buong school na heartbreaker 'yun pero ang dami pa rin mga babaeng nag nagkakandarapa kay Ivo.

Basta ako kahit anong mangyari hindi ako mag papa-uto kay Ivo kung mang-ligaw s'ya.

Okay lang kung si Marcus 'yun e, handang handa akong mag pa-uto at kahit hindi pa s'ya nanliligaw, sinasagot 'ko na s'ya.

Nang makarating ako sa gate nag hintay pa ako ng tricycle.

Bakit wala pa rin tricycle? Mahigit trenta minutos na akong nag hihintay e! Nag hintay pa ako ng ilang minuto, pero wala talaga.

No choice mag lalakad ako. Ang layo pa naman ng bahay namin at pagod na nga sa pag- lilinis kanina tapos mag lalakad pa ako.

Buti na lang nandun si Marcus kaya nabawasan 'yung pagod 'ko.

Habang nag lalakad ako biglang nag vibrate 'yung cellphone 'kong basag-basag na, isang bagsakan na lang 'to, matutuluyan na talaga.

Sinagot 'ko ang tawag.

"Crystal!"

Nilayo 'ko agad ang cellphone 'ko. Ang Kuya Cloud 'ko lang naman na grabe kung sumigaw akala mo may megaphone sa lalamunan.

"Makasigaw ka naman kuya!"

"Kanina pa kita tinatawagan Crystal tapos ngayon mo lang sinagot! Tumawag ulit si Miss Cruz at natulog ka na naman daw sa klase n'ya!" galit na galit naman si Kuya parang natulog lang e.

"Edi sana Kuya hindi mo ako binilhan ng cd's para hindi ako na puyat--"

"At ako pa talaga sinisi mo? Sa susunod hindi na kita bibilhan ng cd's para hindi ka na mapuyat!"

"Si Kuya naman hindi mabiro e,"

"Kapag may ginawa ka na namang kalokohan Crystal, mag hanap ka na ng titirhan mo!"

Tss! Kala mo naman kaya talaga akong wala sa bahay. Hindi nga makapag-luto ng agahan n'ya. "Kuya hindi na talaga mauulit--"

"Hindi na talaga!" nilayo 'ko ulit ang phone 'ko dahil nag megaphone na naman ang boses ng ulap 'kong kapatid.

Kausap 'ko pa rin sa phone si Kuya habang tumatawid ako.

"Pusta ko lahat ng cd's ko hindi na ako makakatulog sa klase--"

Napatitig ako sa sasakyang palapit na sakin.

Ano 'to bakit hindi 'ko na magawang humakbang? Para na akong natulala hanggang sa..

'Beeeeeepppp!'

In Love with a HeartbreakerWhere stories live. Discover now