KABANATA LV:SAYA SA KALUNGKUTAN

Начните с самого начала
                                    

ALANA'S PROVERBS

Pagtingin ko sa orasan ay alas dose na pala hindi ko man lang namalayan ang oras sa dami kong trabahong ginagawa ano ba iyan at may biglang kumatok sa aking pinto sino kaya iyon tanong ko sa isipan kaya tumayo na ako at binuksan ko ang pintuan saka nakita ko si Juno sa aking harapan na nakangiti.

JUNO:Hi!(Masiglang bati niya)

ALANA:Anong ginagawa mo dito?(Kunwaring pagtataray ko pero mukhang umepekto naman hehe)

JUNO:Aayain kita sanang mag-lunch sa labas kung okay lang sa iyo.(Sabay kamot ng ulo)

ALANA:Pag-isipan ko.. (Seryoso kong sabi at sandaling naging tahimik)hmm..okay gutom na rin ako eh, libre mo di ba?

JUNO:Oo naman, kaya likana.

Saka nagtungo kami sa parking lot at nag-drive si Juno papuntang restaurant malapit sa office pagdating namin sa restaurant ay agad kaming inasikaso ng manager bigla nalang akong nalungkot kasi dito kami kumakain nila Yna kasama si Ate kapag isasama ako nila sa office.

JUNO:Are you okay?

ALANA:Oo naman, may naalala lang ako.

JUNO:Okay,order na tayo?

ALANA:Sure..(Saka ngumiti)

As usual inorder ko ang favorite kong baby backribs w/ mash potato saka pineapple juice si Juno naman ay seafood marinara at orange juice.

JUNO:May tanong sana ako,I hope na hindi ka magagalit.

ALANA:Sige,anong tanong mo?

JUNO:Totoo ba iyong ba iyong usap-usapan sa office na wala na sila Tita?

ALANA:Oo,mahirap mang tanggapin ngunit iyan ang katotohanan na wala na ang aking mga magulang.(Saka mapait akong ngumiti)

JUNO:Bakit anong nangyari?

ALANA:Sapagkat pinaslang sila ng aming mga kalaban nung sinubukan nila pinagtanggol ang Tribo ng mga mandirigma sinubukan hanapin nila Ate Lira kasama ang mga kawal kung saan ang kanilang katawan ngunit nabigo sila,ang daya nga kinuha sila agad ng mga retre hindi man naman namin sila nakikita at mayakap sa huling pagkakataon. (Seryoso kong sabi hindi ko man lang namalayan na unti-unti na palang bumabagsak ang aking luha mabuti nalang na sa pinaksulok kami ng restaurant umupo kaya walang tao agad naman lumapit si Juno sa akin upang patahanin ako)

JUNO:Im sorry if I ask you about what happened,umiyak ka lang hanggang sa gumaan ang pakiramdam mo andito lang ako.

Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya saka inayos ko ang aking sarili.

ALANA:Sorry kung hindi ko napigilan ang sarili kong umiyak sa harapan mo nakakahiya.

JUNO:Okay lang iyon kaibigan naman kita kaya pwede mong sabihin lahat.😊

ALANA:Salamat Juno ah..

JUNO:Wala iyon,andito na pala ang order natin.

ALANA:Oo nga..

Saka nilapag na ang aming pagkain at masaya kaming nag-uusap habang kumakain pagkalipas ng ilang sandali ay inihatid na niya ako sa aking office at bumalik na rin siya sa C.M.V.D.

DASHA'S PROVERBS

Hay salamat natapos na rin ako sa aking mga gawain na hindi pa tapos ang araw pagtingin ko sa aking wrist watch ay 12:00 PM na pala nagugutom na rin ako lalabas na sana ako ng office pagbukas ko ng pinto ay bumulaga si Eman sa aking harapan na may dala-dalang pagkain.

EMMANUEL:Surprise!

DASHA:Nako naman Eman,wala ka man lang pasabi na pupunta ka dito!

EMMANUEL:Kaya nga surprise di ba,may dala akong foods hehe..

ENCANTADIA:BAGONG MUNDO BAGONG YUGTO(UNANG LIBRO)Место, где живут истории. Откройте их для себя