Nagsalita ulit ako. "Ian, Zach, the three of us, sa atin itong malalaki at nandito lahat ng mga gamit."

Inabot ko kay Ian ang isang bag. "Ilagay mo dyan ang mga extra na baril, bala, silencers at mga kutsilyo. Yung mga extra lang, ha?"

Sunod kong inabot kay Zach ang isang bag. "Sayo lahat ng equipments. Including the batteries, extra flashlights, lighters, mga bomba, at safety kits."


Tumingin ako kay Izele na naghihintay ng maiaambag niya. Inabot ko sa kanya ang isang medium sized na bag. "Sayo lahat ng mga pagkain including the chips, breads and anything else na natira."


Inabot ko kay Miranda at kay Joudee ang dalawang natirang bag. "Kayong dalawa, nasa inyo ang mga tubig. Remember guys, mas importante and maiinom natin. So please, please keep safe."


Tumingin ako sa bag ko. Nandito ang karamihan ng mga armas, kabilang na rin ang mga silencers, bala, baril at matatalim na kutsilyo.

"Alec, I think it's time to ready yung mga armors natin sa katawan." Suggest ni Nicole. I smirked, damn. Ready nga talaga sila.

"Okay, here's the plan. Right now, pilitin muna nating matulog. Kung hindi na kayo makatulog, then don't. But I suggest, matulog muna tayo. I'll alarm at 4am, then we will eat the leftover fast foods for breakfast. Then, mag-iimpake na tayo ng mga kakailanganin. After that, all of our gathered armors na nakuha natin kanina sa shop, including knee pads, armor belts na paglalagyan ng baril or kutsilyo or anything, isusuot na natin." I smiled. Nagkaroon naman ng onting katahimikan.


"I didn't realize that we are so ready for this. Pero ang tanong, ready ba ang mga katawan natin na lumaban?" Marga questioned out of nowhere.


"Kakayanin." Sagot ni Zach.

I sighed. Muling nagsalita si Ian. "Basta tandaan niyo, kung sino ang unang mamamatay panget."




-



IZELE
July 16, Monday




"Guys, time check: 7am."

Inilusot ko sa duty rig ang maliit ngunit mapamatay na baril na binigay sa akin ni Alec. Habang sa kanang kamay ko ay hawak ko ang aking machete knife, nakatali naman sa kabila kong kamay ang walkie-talkie.

Tinignan ko ang mga kasama ko. Si Ian at Zach ay baril ang kanilang hawak habang may substitute sila na survival knifes. Si Miranda at Aliah ay mayroong tig-isang hawak na trench knife habang sila Joudee, Marga, Nicole at Xzan ay may hawak na baseball bat. Sila Kiara at Rizel naman ay may hawak din na survival knife.

Tinignan ko kung ano ang hawak ni Alec at nanlaki ang mga mata ko dito. "Seryoso ka dyan?" Diretso kong tanong sa kanya. Mukhang proud na proud pa siya habang pinapalo-palo ito.

"100 percent sure." Ngumisi siya habang tinititigan ang napakatalim at napakalaking Axe.

"Anyways, ready na kayo?" Tanong ni Alec. Napalunok ako.

I am ready. Ewan ko lang sa kanila.

"Wala na bang naiwan?" Tanong ulit niya. Nag-obserba ulit kami at sigurado kaming naimpake na namin lahat. He sighed. "Hays, I can't believe iiwan ko ang van ko sa ganitong sitwasyon."

Fearing The Unknown Where stories live. Discover now