05.

255 15 0
                                    

Kim Minju's POV

Kauwi ng bahay, pumunta agad ako sa kwarto ko at nagbihis. Nagpadala nalang ako kay manang ng pagkain since tinatamad na akong bumaba.

Kinuha kona man ung phone ko sa bag ko and inopen yun. Inopen ko naman ung facebook ko at nakitang may friend request doon. Pinindot ko agad iyon at nakita kong si Kim Chaewon pala. Inaccept ko naman agad siya at naisipang iistalk.

Tinignan ko naman ung mga pictures niya and di ko napansin na nalike ko ung isa. Shit.

Agad ko naman itong inunlike at pinatay na ung phone ko.

Okay. Ang tanga tanga ko talaga. Baka ano nalang isipin niya.

Nagpahinga nalang ako at hinintay nalang mag gabi.

Ugh bar nanaman. Buti nalang hindi strict ang parents ko. Sabagay wala din naman sila dito, nasa ibang bansa kasi.

Nang mag 7:30 na, naligo at nag ayos na ako ng sarili ko. 8:30 ng matapos ako at hinintay nalang sila sa baba. Nagpasundo nalang ako kay Yena Unnie, tinatamad ulit akong magdala ng sasakyan.

Ilang sandali pa, nandito na si Yena unnie at sinabing nauna nadaw si Chaeyeon unnie doon. Yung isa pa naming kaibigan.

-At the Bar-

Pumasok agad kami sa bar at puro usok at matatapang na alak ang sumalubong saamin. Bigla namang nagka energy itong si Yena unnie at hinila ako para hanapin si Chaeyeon unnie.

Nakita naman agad namin siya at kinawayan agad kami. Naupo kami sa tabi niya at umorder agad sila ng hard drinks. Napailing nalang ako sa kanila. Halatang gustong magpakalasing eh.

Napatingin naman ako sa likuran ko at nagulat ako ng nakita ko si Chaewon, kasama ung mga kaibigan niya. Nakangiti ito at halata mong nang aasar. Tinignan ko naman ang kasama nito na nakasimangot at napatingin sa side namin.

Umiwas naman ako ng tingin at inisang inom yung tequila. Shit ang init sa lalamunan.

Napatingin naman sila Yena unnie at Chaeyeon unnie sa likuran ko. Nagtaka ako kaya napatingin ako sa likod ko. Pag tingin ko sa likod ko, nakita ko yung isang kaibigan ni Chaewon.

"Hi Yena." sabi nito sabay ngiti kay Yena unnie. Ngumiti naman pabalik ang bibe.

"Can i be your friend?" deretsong tanong nitong babae kay Yena unnie.

"Oh sure." sabi naman ni Yena unnie.

"Thanks babe." sabi nito sabay halik sa pisngi ni Yena unnie. Nagulat at natawa naman ako doon kaya napainom ako. Pano ba naman kasi, sobrang pula ni Yena unnie.

"Gotta go" sabi nito at kumindat pa kay Yena unnie.

Napailing naman ako ng narinig kong humiyaw ung mga kasama niya. Halatang napag tripan si Yena unnie.

Napatingin ulit ako sa likod ko at nakita kong nakatingin saakin si Chaewon.

Bakit siya nakatingin?

Hindi ko nalang ito pinansin at uminom nalang. Natawa naman si Yena saakin ng mapansing sunod sunod ang pag inom ko.

"Easyhan mo lang. Masyado pang maaga para malasing" sabi nito ng natatawa. Ngumiti lang ako dito at hindi pinansin yung sinabi niya.

Bakit ba kasi ako naiilang kay Chaewon. Ugh.

Nagpakasaya naman kaming tatlo at nagpaka lasing. Ewan koba, pag talagang mag babar kami sure ng malalasing kami.

Iniinis naman namin ni Chaeyeon unnie si Yena unnie. Pano ba naman kasi, tingin ng tingin doon sa babae kanina, halata mong naiilang eh.

"Yah stop it" iritang sabi nito samin. Hindi naman kami tumigil at mas lalo pa siyang inasar.

"Tara sayaw" aya saamin ni Yena unnie at tumayo pero pagewang gewang na, natawa nalang ako dito at sumunod sakanya.

Nagpunta naman kami sa gitna at sumayaw ng sumayaw doon, may dumaan naman na drinks sa harap ko kaya kumuha ako at uminom ulit.

May mga humahawak saakin na hindi ko kilala kaya tinataboy ko sila. Nagpakasaya lang ako at mas lalong naging wild ng nagpatutog ung dj ng mga wild na kanta.

Habang sumasayaw nakita ko si Chaewon na papunta sa kinatatayuan ko. Hinayaan ko lang ito at hindi pinansin. Nagsaya lang ako ng nagsaya at uminom ng uminom.

"What the hell" sabi ng nabunggo ko. Ngumiti lang ako dito, hindi ko masyado makita ung mukha niya. Medyo blurred na kasi ung paningin ko dahil sa tama ng alak.

"Ayun sila, malapit sa counter 2, kayo na bahala" rinig ko ulit sabi nito. May nakita nanaman akong dumaan na waiter kaya kumuha ulit ako at inisang inom ulit yun.

"Damn girl. Stop. Let's go, i'll take you home." sabi nito at hinila ako. Nagpumiglas naman ako.

"Who *hik* are you? Can't you see i'm having fun?!" iritang sabi ko dito at hinila pabalik ung kamay ko. Hindi naman ito nagpatinag at hinila ulit ako.

"I'll. take. you. home." parang galit na sabi nito. Nagpumiglas ulit ako at napatili ako ng binuhat ako nito.

"Yah! Ibaba *hik* monga ako *hik" nagpupumiglas kong sabi dito. Napansin ko naman na nasa parking lot na kami agad dahil sa dami ng kotse. Hilong hilo na ako kaya hindi na ako nakapag pumiglas pa.

"Buti naman huminahon kana." sabi nito at naramdaman kong ipinasok na ako sa kotse. Naramdaman ko naman ang malambot na upuan. Hindi kona maiwasang ipikit ang mga mata ko dahil na rin sa antok.

DrunkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon