O98

177 9 0
                                    

J I S U N G

Nasa park ako ngayon, naka-upo sa isang bench ng mag-isa. Nilalanghap ang simoy ng hangin at nagmumuni-muni

Di ko maiwasan ang maluha dahil sa mga naiisip ko ngayon, binabalikan ko ngayon.

Yung mga panahon na maayos pa kami, nagsisiyahan at di naghihiwalay.

Gusto ko man na balikan ang mga panahon na iyon pero hindi na pwede.

Bakit ba nangyayari ito? deserve ko ba ito?

Sabihin na nating challenge ito para sakin kaso di ko nagawa ang challenge na ito dahil agad akong sumuko.

Bakit ko ba kase sya minahal? bakit ko ba sya nagustuhan? bakit ko hinayaan ang sarili ko na mahulog sa kanya? ang dami kong tanong sa sarili ko pero ni-isa walang nasagot.

Ilang beses ko na sinabi sa sarili ko na kalimutan nalang sya pero bakit ganon? di ko kaya? napamahal na ba talaga ako sa kanya? I'm trying my best naman para mawala feelings ko sakanya pero bakit ganon? kulang pa ba ang best ko?

Minsan nga naiisip ko, minahal nya kaya ako? o minahal nya ako kase kaibigan nya ako?

Sabi nila minahal nya ako kaso sinaktan ko sya, naging selfish kase ako non eh, inisip ko kase ang sarili ko.

"ok ka lang?" biglang sabi ng familiar na boses

tumingin ako sa kanya and i smiled weakly

"oo, ok lang ako" sabi ko at yumuko, narinig ko naman ang pag sigh nya

ramdam ko ang pag-upo nya sa tabi ko at hinawakan ang aking balikat bago magsalita

"let go mo na kase sya, alam kong mahirap pero gawin mo" mahinahon nyang tugon habang hinahagod ang likod ko

tama sya, kailangan ko na talagang mag let go

"Pinagtagpo lang kayo para maging magkaibigan pero di magka-ibigan, sorry pero yun ang totoo. You should accept the fact na di talaga kayo para sa isa't-isa, may the one naman para sainyo ang kaso, nauna lang sya na nakakita ng the one nya at si Chani iyon. Patience Jisung, yan ang kailangan mo, makakahanap karin ng para sayo" payo nya saakin

Patience, yan ang kailangan ko

"tara na? hinahanap ka na ng mga hyungs mo" habol nya pa at tumayo na kami

tumingin ako sa kanya at yumakap

"salamat, Taeyong hyung"

S E O Y O U N G

"shhh baby, ito na milk mo oh, don't cry please" pagpapatahan ko sa anak ko habang isinasayaw ito

being a teen mom is really hard, di ko maiwasan ang umiyak dahil sa pagod, buti nalang nandito ang asawa ko para tulungan ako

nakita ko naman na tulog na ang anak ko kaya inihiga ko na ito sa kanyang higaan at ako naman ay naupo

naramdaman ko naman ang pag-galaw ng higaan kaya napatingin ako doon, gising na pala sya

umupo sya at niback hug nya ako, automatic naman akong napangiti

"napagod ka ba bub? dapat ginising mo ako" he whispered through my neck and kiss it

"di naman ako napagod bub, nakatulog naman agad si baby kaya di na kita ginising" humarap sa naman ako kanya

ngumiti sya sa saakin ganon din ako

Hinalikan nya ako at niyaya na akong humiga sa aming higaan. Nang makahiga kami, agad naman nya akong niyakap at hinalikan ang aking ulo

ipinikit ko ang aking nga mata at sunubukan nang matulog

"sleep well bub, I love you" yan ang huli kong narinig bago ako makatulog


H Y E I N

Nagising ako dahil sa sikat ng araw, tinignan ko ang phone ko, wala palang pasok ngayon. Tumayo ako at pumunta ng restroom para gawin ang aking routine

Pagkatapos nito ay bumaba ako para kumain ng almusal. Pumunta ako sa sala at nakita kong wala si mama.

Nakita ko naman na may pagkain sa lamesa kaya naupo ako roon. Kukuha na sana ako ng pagkain kaso may nakita akong note, it was from my mom

Nak,

Maaga ako umalis ngayon nak, mamaya pang gabi ang uwi ko. May pagkain naman jan at nasa kwarto ko ang pera, i love you.

napangiti ako dahil dito at nagsimula nang kumain

Nagring naman ang doorbell naman kaya napatayo ako at tinignan sa isang parang tablet kung sino man ang nandoon. Tumalikod ito kaya di ko masyadong maaninag ang mukha nya

Pumunta ako sa aming hallway papunta ng pinto at binuksan iyon

"oh? wooseok?" syemas di pa ako naliligo, nakakahiya tangina.

"sabi kase ni tita samahan kita" ngumiti sya saakin, napatingin naman ako sa dala nya, nagdala pa sya ng pagkain ah?

"ah, tara pasok" binukasan ko ng malaki ang pinto namin at pumasok naman sya

chineck ko sandali ang hininga ko, medyo ok naman walang amoy, inayos ko na din ang buhok ko mukha na kasi akong sabog.

"ipinatong ko na pala sa lamesa yung fish cake" lumapit ako sakanya at ngumiti, pina-upo ko sya sa sofa at hinayaang mamili ng gusto nyang panoorin

shems, ang awkward.

nagpaalam ako sa kanya para maligo, baka kase mandiri sya saakin eh.

agad-agad naman akong pumasok saaking kwarto at sumandal sa pinto, lakas ng kabog ng puso ko

takte naman kase si mommy eh! purket gusto nya lang si wooseok para saakin ganyan na sya!

but it's okay, aarte pa ba ako? gwapo kaya ni wooseok.

ok stop na.

complicated : park jisungWhere stories live. Discover now