Sa'yo. [One-Shot]

1.1K 45 9
                                    

Sa'yo.

4th year highschool ako. Ako nga pala si Spade Reyes. Isang sikat na personalidad sa loob ng paaralan namin, team captain ng basketball, at vocalist ng sikat na banda sa school namin. Alam ko naman na maraming humahanga sa akin at nagugustuhan ko naman iyon. Pero may isang babae na kinaiinisan ko, si Hazel Patrimonio. STALKER ko since first year. Naiinis ako sa kanya dahil sinisira niya ang diskarte ko sa nililigawan ko na si Sheila. Nililigawan ko na siya since third year pero hanggang ngayon 'di niya pa rin ako sinasagot dahil akala niya pinaglalaruan ko siya kasi palaging nagpapadala ng love letters, ng Gatorade, tuwing practice at recess namin, at buntot ng buntot sa 'kin si Hazel. Sino nga bang hindi mag-aakalang pinaglalaruan ko lang siya kung laging pumapasok sa eksena yung STALKER?

"Spade myloves! Eto Gatorade oh!" Sabi niya habang nagwawater break kami sa practice namin. Ang lapad-lapad ng ngiti niya sa 'ken kaya inirapan ko siya, ang panget-panget niya. Wala akong panahon sa mga panliligaw niya sa 'kin dahil wala naman siyang mapapala kung hahabulin niya ako. Tumingin na lang ako sa kabilang dako, kung saan nakikipagkwentuhan ang Sheila ko sa mga kaibigan niya. Ang ganda talaga niya kahit anong gawin niya. Yun ang isang dahilan kaya ako nainlove sa kanya.

Pero biglang uminit ang ulo ko dahil humarang ang mukha nung panget sa harapan ko. Kinuha ko yung Gatorade saka ininom ito. "Oh ayan! Ininom ko na, pwede ka nang umalis sa harapan ko." Sabi ko at saka itinapon yung lalagyan ng Gatorade. Bigla niyang pinulot yung lalagyan saka nilagay sa bag niya. "Myloves! Ang swerte naman nung bote. Sana ako na lang yun." Sabi niya saka umalis. Umiling na lang ako sa mga katangahang ginagawa niya sa 'ken. Kahit alam niyang hindi ako interesado at naiinis ako sa kanya ay hindi pa rin siya tumitigil sa panliligaw.

"Naku pare. Ang lakas ng tama nun sayo ah." Pang-aasar ni Andrew. Inirapan ko nalang siya at naglakad papuntang locker room para kunin yung jersey ko at iba pang gamit. Naririnig ko pa rin ang tawa niya. Nakakainis talaga yung babaeng yun!

Hindi na 'ko nagulat nang nakita kong may love letter na naman dito. At sure na sure ako galing yun kay panget. At hindi nga ako nagkakamali, galing iyon kay panget. Sanay na sanay na kasi ako sa kanya eh. Kahit kasi anong gawin kong pagpapatigil sa kanya, hindi pa rin siya sumusuko at tumitigil.

Dear future husband,

Nagustuhan mo ba yung gatorade? Mahal yun ah. Ipagbabake na lang kita ng cupcakes para mura. Hihihi

Nagmamahal,
Your future wife,
Mrs. Hazel Reyes.

Napailing na lang ako sa nabasa ko, aba'y bago ito ha, naubusan na ba siya ng speech sa mga love letter niya? Malamang, 4th year na kami eh. Simulang first year pa yan nagbibigay. Wala naman talagang ka effort-effort at napakanonsense ng mga sulat niya. Pero ewan ko ba kung bakit ko pa rin to binabasa. Nilukot ko yung papel at saka itinapon sa basurahan. Dagdag ng sakit sa ulo!

--

NGAYONG araw ang laro namin. Nagiging ganado ako sa paglalaro dahil nakikita ko si Sheila. Kaya lang, umeeksena na naman yung panget dahil sa lakas ng sigaw niya. "GO SPADE MYLOVEEEEEEEEEEEES!" Alam na alam ko kung sino iyon. Buti na lang hindi ako nadidistract at naiinspire ako sa tuwing nakikita ko si Sheila na panay ang cheer sa akin. Naging maganda naman ang laro namin sa bawat quarter dahil palagi kaming lamang ng score. At ayun nga nanalo kami. Nung natapos na ang laro. Nagulat ako dahil sa kaliwa ay nandoon yung panget at inilalahad yung tubig at towel. At ganon rin si Sheila sa kanan na naglalahad ng tubig at towel. Biglang natahimik yung nasa paligid namin. Naa-awkward ako dahil alam ko na pag tinaggap ko yung isa, masasaktan yung isa. At syempre, ang pinili kong saktan ay si Hazel. Tinabig ko yung inabot niya sa 'kin at nakangiting tinaggap yung iniabot ni Sheila. Nakita ko namang may tumulong luha sa mga mata ni Hazel at dali-dali niya naman iyong pinunasan, saka pinulot yung nahulog na iaabot niya sana sa 'kin kanina. Bigla akong nakaramdam ng kirot sa aking dibdib ng makita ko ang mukha ni Hazel.

Sa'yo [One-Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon