Chapter 1

72 3 0
                                    

Devi's POV

I inhaled loudly and rolled my eyes habang nasa kahabaan ng traffic. I've been stuck here for like an hour and hanggang ngayon hindi man lang umuusad.

Nakasimangot na sinagot ko ang tawag ng tumunog ang cellphone ko. It was my twin sister, Dove.

"Where are you? Kanina pa kami nag hihintay ni mommy." Bungad niya saakin na lalong nagpaikot ng mata ko.

"I'm stuck in traffic." Nakasimangot na sagot ko.

Narinig ko ang mahina niyang tawa sa kabilang linya.

"Let me guess, nakasimangot kana 'no?" Aniya na lalong nagpasimangot saakin. She knows me too well. Alam niyang maikli ang pasensiya ko when it comes to traffic.

"Don't start, Dove. I'll seriously hit you once I get out of here." Sagot ko naman na nagpalakas ng tawa niya.

"Probably in an hour or two. Just call me when you get here." Aniya bago pinatay ang tawag.

It's sunday and it's mommy and daughter's day. Shopping and all that girly stuff na kami lang naman ni mom ang mahilig. Dove is just there because she needs to and para may taga dala na din kami ng pinamili namin. Ugh! Just so jealous na nag iikot na sila ngayon sa mall and who knows if mom had already purchased a cute purse or a shoe.

Nakasimangot na muli akong napatingin sa kahabaan ng traffic.

"Come on! Move!" Inis na saad ko. Maya maya pa ay unti-unti na ding umusad ang traffic na siyang nagpangiti saakin.

"Finally! Thank god!" I mumbled. Pero kaagad din ang muling pagsimangot ng bigla na namang tumigil ang sasakyan na nasa harapan ko.

"Ugh!" Inis na napabaling ang tingin ko sa paligid at napataas ang isang kilay ng may iilang kotse ang lumiliko sa isang iskinita. Mabilis kong minaubra ang manibela at sumunod sa iilang kotse na naroon.

Saka ang pagsilay ng malawak na ngiti sa labi ko ng sa wakas ay makaalis ako sa traffic na pinanggalingan ko. I immediately started my navigation since hindi ko nga alam kung nasaan ako and kung saan ako dapat pumunta.

Medyo may kaliitan ang daan na tinatahak ko ngayon isama mo pa ang mga batang naglalaro sa gilid ng kalsada at ang sari-saring mga nagtitinda ng kung ano ano na wala akong ideya sa kung anong itinitinda nila.

Napasinghap ako ng biglang may tumawid na batang lalaki na sa tingin ko ay nasa edad anim o pitong taong gulang mabuti nalang at agad kong naapakan ang preno ng sasakyan ko.

"Oh my god!" Hindi makapaniwala at nagpapanick kong nasambit ng makita ang natumbang bata sa harapan ng kotse ko.

"Hoy gago ka! Lumabas ka diyan!" Napasinghap ako ng may humapas sa bintana ng sasakyan ko.

"Oh god! Oh god!" Nanginginig ang kamay na agad kong kinuha ang cellphone ko para sana tawagan si mama pero bago ko pa man siya matawagan ay saka naman ang sunod-sunod ng pakalabog at pag hampas sa kotse ko.

Nanlalaki ang matang napatigin ako sa mga taong nakapalibot sa kotse ko habang hinahampas ito at sumisigaw na bumaba ako ng sasakyan. Pilit pa nila akong inaaninag sa loob sa kadahilanang hindi nila ako makita dahil sa heavily tainted kong sasakyan.

What should I do? Mama help me!

Ada's POV

"Kap, may batang nabangga sa labasan." Agad ang pag taas ng tingin ko sa tanod na pumasok sa opisina ko. Mabilis kong itiniklop ang folder na hawak ko at tumayo.

"Tara." Nauna na akong maglakad at ng makalabas ng  barangay hall ay may tatlo pang tanod ang sumunod saakin.

Mabilis ang hakbang na agad kong nakita ang isang kulay pink na sasakyan na napapalibutan ng mga tao.  Agad ko namang sininyasan ang mga tanod na hawiin ang mga taong nakapalibot sa sasakyan. Hinanap ko agad ang sinasabing batang nabangga at nakita ko naman agad ito na nasa gilid ng kalsada at umiiyak.

"Okay ka lang ba?" Tanong ko ng makalapit sa bata at agad na sinipat ito. Mukang wala namang kahit anong galos ang bata maliban lang sa ito'y umiiyak. Malamang ay sa sobrang takot at pagkabigla.

"Opo, kap." Umiiyak nitong sagot.

"Tonyo, dalhin mo itong bata sa clinic upang matingnan." Ani ko. Agad naman itong tumalima at binuhat ang bata.

Nang muli akong bumaling sa sasakyan at wala na ang mga taong kanina'y nakapalibot roon.

"Kap, ayaw bumaba ng drayber." Anya ng isang residenti na naroon.

Lumapit ako sa sasakyan at marahang kinatok ang bintana ng drivers seat.

Nakakailang katok na ako't hindi parin ito bumababa o ibinababa man lang ang bintana ng sasakyan. Pilit ko itong inaaninag pero hindi ko man lang makita ang nasa loob.

Ilang ulit ko pang kinatok ang bintana ng sa wakas ay unti-unti iyong ibinaba.

Napatanga pa ako ng makita ang babaeng nangingilid ang luhang nakatingin saakin.

***

A/N : Sorry na ngayon lang ulit ako nagsulat kaya lame talaga mga beh. HAHAHAHAHAHAHAHA

Vous avez atteint le dernier des chapitres publiés.

⏰ Dernière mise à jour : Apr 13 ⏰

Ajoutez cette histoire à votre Bibliothèque pour être informé des nouveaux chapitres !

Seduced by Devi ReyesOù les histoires vivent. Découvrez maintenant