SILY: Three

1 0 0
                                    

"Stephen ... Stephen ... Stephen ... hey, wake up. Ayos ka lang ba ?" Narinig kong sabi ng isang babae, habang marahang tinatapik-tapik ang pisngi ko.

So, did I really fainted ?!

Ah !

Parang kidlat na biglang bumalik ang diwa ko nang maalala ko ang sinabi ni Hazel.

Bigla akong dumilat, at si Hazel agad ang una kong nakita.

Umayos ako nang upo mula sa pagkakasandal sa bench."Hazel .."

"Ano ? Ayos ka lang ba ?" Nag-aalala niyang tanong.

Hinawakan ko ang kamay niya. "Totoo ba ? 'Yong sinabi mo kanina, totoo ba 'yon ? Pwede mo bang ulitin pa ulit ?"

Kumunot ang noo niya. "Huh ? Sinabi ko ? Anong sinabi ko ?" Nagtataka niyang tanong.

Ako rin ay nagtaka sa reaksyon niya. "Kanina, sabi mo .."

"Wala pa kong sinasabi. Kakarating ko lang. Pagdating ko dito wala kang malay. Hindi ko alam kung tulog ka lang ba o kung ano bang nagyari sayo. Ayos ka lang ba, ha ? May sakit ka ba ?" Interoga niya sa akin, kasabay ng paglagay niya ng palad niya sa noo ko tapos ay sa leeg.

Kararating niya lang ? Wala pa siyang sinasabi ?

Eh, pano 'yong kanina ? Imahinasyon ko lang ba 'yon ? Hindi ba 'yon totoo ?

Pa ...naginip. Panaginip ko lang ba 'yon ..?

Muling lumipad sa kung saan ang diwa ko nang marealize kong preffered ending ko lang pala 'yun.

Masyado-- ay hindi, sobra. Sobra kong iniisip ang sasabihin niya kaya ko siguro 'yon napana-ginipan.

So ano na ?

Ano nang mangyayari ?

Lutang na lutang na ko !!! Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Ayoko. Ayoko marinig. Ayokong makipag-break.

"Stephen ? Ayos ka lang ba ?" Pag-aalala niya. Nakatungo ako at nahawak ang ulo ko.

Lumingon ako sa kanya. "Oo, ano ba 'yong ...sasabihin mo ?" Kahit alam ko kung ano, itinanong ko pa din.

Ano ba 'to ? Nagsi'suicide ba talaga ko ?

Ayoko. Ayoko talaga, pakiramdam ko sasabog na ang puso.

Ayokong pakawalan ang una at tanging babaeng minahal ko.

Pero ngayon, habang tinitingnan ko siya, mas lalo akong nakukumbinsi na kahit ayoko, kailangan ko siya bitawan.

Nakikita ko sa mga mata niya na gusto niya na ko bitawan, para na din sa sarili ko.

I love her so much, kaya mas gusto ko na ako na lang ang masaktan ng ganito.

Nang sobra.

Alam ko na pagnakita niya na sobrang apektado ako sa sasabihin niya, mag-aalala siya, malulungkot.

Ayoko 'non, ayoko makita 'yun. So I have to endure this pain until it pains me no more.

Inhale.

Exhale.

Phew. Kaya ko 'to.

"It's getting late. Tell me, ano ba 'yon ?" Tanong ko.

"Huh ? Ano, s-saka ko na lang sasabihin. Kasi parang-"

I didn't let her finish her words. "Hindi ngayon na. Ayos lang ako. Sabihin mo na."

If it's not now, mas lalalo lang ako hahaba ang pagka-paranoid ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 05, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Say I Love YouWhere stories live. Discover now