Compiled Stories 21

Start from the beginning
                                    

Pahinga muna ako dito sa tindahan ngayon. Cobra muna bago pumadyak ulit pauwi. Lakas pa ng kabog ng dibdib ko e. Hanggang sa muli. Bakasyon muna ako. Maraming salamat at magandang gabi.

TheHouseKeeper

Mall

Good Afternoon Admins and Readers! Nag-message ako agad ng mabasa ko yung FOOTPRINTS. Naalala ko kasi yung time na nagwo-work pa ako sa isang sikat na mall dito lang po samin (di ko na papangalanan). Share ko lang din po yung experience ko about diyan sa footprints and other things na naikwento ng co-workers ko about sa mga scary happenings dun. Hindi po kasi ako naniniwala nung una. Hahaha sana ma-post po ulit admins. Advance thank you.

Wala pa akong dalawang buwang nagtratrabaho sa isang sikat na mall dito sa lugar namin sa Cavite. Palagi akong opening that time kaya wala naman akong nakakakwentuhan na empleyado na closing ang schedule kaya wala akong alam sa mga happenings sa mall haha. Normal naman yung araw na yon, medyo busy kasi magki-christmas. Yung pasok ko eh closing that time kasi nakipagpalit ang ka-tandem ko so ako go lang kasi wala naman akong lakad din. Ayun benta dito benta doon, hanggang sa mga 7pm or 8pm na pasara na yung mall at wala ng masyadong tao nagkumpulan yung mga ibang Sales Clerk at nag-uusap kaya lumapit ako sa pwesto nila tapos dun ko nakita yung mga footprints na napakadami, yung footprints putik yung naging kulay nya malalaki at di normal.

"Nandito na naman si Junjun"

Sabi ng nakakatandang Sales Clerk. So ako curious nagtanong ako.

"Saan yan galing? May naglakad ba na nakayapak kanina? May napansin ba kayo?" tanong ko.

So nagkwento na sila about sa mga kababalaghan dun sa mall. Ako naman di na bago sakin mga ganitong kwento pero natatakot na ako that time kasi gabi na din at pasara na ang mall medyo creepy kasi pag pinapatay na ang mga ilaw sa mall.

"Lagi yan dito pag pasara na, minsan maliit minsan malaki, naglalaro lang yan diyan sa area na yan. Minsan dun sa mga table wear, tignan mo yung footprints kung tao lang yan na naglalakad mapapansin natin yan dahil maputik at parang tumatalon dahil hiwahiwalay ang yabag."

Wala kasi kaming picture dahil bawal ang personal things sa selling area, pero totoo hindi normal dahil hiwa-hiwalay ang yabag at sobrang maputik mapapansin din namin agad kung tao yun dahil di naman masyadong matao sa area namin. Nagpatuloy pa ang pananakot sakin ni Kuyang Clerk. Haha.

"Alam mo ba na may nagpaparamdam din sa may tapunan ng basura diyan sa likod? Tagalinis pang umaga yun dati kaya lang namatay dahil binangungot daw."

"Anong nangyari dun kuya?" pag-uusisa ko kahit natatakot na ako that time dahil pinapatay na ang mga ilaw. At pababa na kami.

"Sabi nung panggabi na guard mga 4am daw may nakita na syang nagtatapon ng basura dumaan daw sa kanya naka-cart pa. Nagtataka sya bakit may nagtatapon na eh 6am ang open ng tapunan. Kaya tinawag nya ito eh ayaw lumingon sinundan nya hanggang dulo nanigas daw si manong guard dahil pagdating ng dulo walang tao as in sya lang. Ang sabi yun daw yung janitor na namatay pero napasok pa rin daw di pa tanggap na patay na sya. Routine daw nun magtapon ng basura."

Di ko napansin na pinapapila na kami para bumaba kasi natatakot na ako talaga.

"Loko kayo ayoko na nga mag-closing"

Simula noon naayaw na talaga ako mag-closing. Hindi lang yun naulit pa kasi na may mga footprints ulit nung hapon naman at tama sila that time nasa ibang area naman. Hahaha buti wala na ako doon nakakatakot din kasi ang mga stockroom dun.

Yun lang po salamat po if ever ma-post ito. Thanks for the time.

-JENGSKIE.

Aswang sa Metro Manila

Scary Stories 5Where stories live. Discover now