"Yup. Okay guys, hurry up." Sabi ni Ian. "Because we need to straight fucking talk about our plans for this fucking apocalypse and how are we gonna survive it.

Nagsimula na kaming magbukas ng mga box ng garbage bags at pinagpupupunit na namin ito. Nagtulungan din kami sa pagdidikit. Nag-iwan kami ng unting space upang makasilip kami sa labas.

"Puta, paano kapag iihi tayo o magjejebs?" Out of nowhere na tanong ni Zach.


"Kung tatae ka, pwes, may bukas pa. Kung iihi ka, ilabas mo nalang yang 'ano' mo sa pintuan. Basta walang lalabas ni isa sa atin. Hanggang bukas na 'to." Seryosong sambit ni Miranda na nagdidikit din sa bintana.


"Geez! Damn it." Reklamo ni Alec.

Bigla na lamang natawa si Zach sa likod. "Haha. Yung matambok at bilugan na pwet ni Izele magiging flat na!"

Agad-agad kong pinalo ng pillow seat si Zach sa mukha. "Tarantado."




"Wow." Sambit ni Zach.

Ilang minuto na kaming walang imik dito sa loob ng napakadilim na van. Walang kumikilos at walang nagsasalita. Tila ba mukha kaming tanga na nakaupo lamang at nakatunganga. Kaya nagulat ako nang bigla na lamang nagsalita si Zach sa likod.

"So this is what isolation feels like." Patuloy ni Zach at huminga ng malalim.

"Ang baho. May umutot ba sa inyo? Taena." Singhal ni Alec.

Tumawa si Nicole bigla. "Si Xzannie yung umutot, rinig na rinig ko."

"Hey! It wasn't me. Si Zach yun, panigurado! Kahihinga niya lang kaya ng malalim." Kahit madilim dito ay nai-imagine ko si Xzannie na umiirap.

"Ulol, amoy sisig lang bunganga ko. Hindi utot. Sisig." Mariin na sabi niya.

"Alam niyo, ang ingay niyo. Kaya mas lalong umiinit eh." Reklamo ko at napagalaw sa upuan sa sobrang discomfort. "Sandali nga hoy Nicole, akala ko ba may binili kang mini fans?"

"Ah, nga pala. P-pero, hehe." Narinig ko ang pagkamot ni Nicole sa ulo niya. "Hindi ko alam kung saan ko nailagay mga binili kong batteries.. Magkahiwalay kasi sila ng bag."

Napabusangot ako. Gusto ko sana siyang batukan kasi hindi ko siya mahanap. "Flashlight nga!"

"Shh! Ingay mo!" Suway sa akin ni Alec. "Eto!"

"Thanks." Sarkastiko kong sambit. Napakasungit.

Nang buksan ko ang flashlight ay muntikan na akong mabulunan ng sarili kong laway dahil sa itsura nila. Dammit! I can't explain! Basta, mukha silang suicidal at gusto nalang magpakamatay.

"Gosh! Ayusin niyo nga mga pagmumukha niyo." Natatawa kong sambit at napailing na lamang. Medyo naiinis pa sila dahil sa pagtutok ko sa kanila ng flashlight ag dahil don, mas lalo ko silang tinutukan.

"Eh ikaw nga, pwede ka nang magpanggap na zombie eh. Tignan mo nga mukha mo, para kang sumubsob sa sandamakmak na napkin." Irap sa akin ni Marga.


Fearing The Unknown Where stories live. Discover now