Pero pagbukas ng van, naibsan ang kaba sa puso niya nang iniluwa mula roon ang napakagandang dalaga, si Katleya.

“Grabe! Tinakot mo naman ako,” reklamo ni Blue sabay himas sa dibdib niya.

Napangiti si Katleya. “Akala mo kikidnapin ka namin, noh?”

“Oo,” sagot nito. Lumapit siya rito. “Miss M.U? Puwedeng makisakay?” 

Matapos niyang sabihin iyon, dumaan na siya sa gilid ng dalaga para pumasok sa loob ng van kahit hindi pa sumagot ito sa hiling niya. Pero pagpasok ni Blue sa loob, nandoon pala ang parents ni Katleya. Natulala ito at mukhang nahiya sa ginawa niya.

“Hi po,” pahiyang bati niya sa magulang ng dalaga.

“Good morning, iho,” pagbati ng ama ni Katleya na nasa front seat, si Fernando.

Pumasok na rin si Katleya sa loob ng van. “Si Blue pala, dad, mom. Schoolmate ko po.”

“Hi po, ulit. Nakisakay po ako,” anang Blue.

Nagsimula nang tumakbo ang sasakyan...

“It's okay. No problem,” sagot ng ina ni Katleya na nasa tabi ni Blue, si Ezmeralda. Nasa gilid kasi ito nakaupo.

“Bakit ka nandoon sa gilid ng kalsada, Blue? Hindi ka ba inihatid?” takang tanong ni Katleya.

Ngumuso ito sabay crossed-arm. “Iyong magaling kong kambal, pinababa ako. Tss!”

“Si Red?”

“Si Pink, si Pink? Sino ba ang kambal ko? Si Red lang naman, ‘di ba?” inis na sabi nito.

Napatingin ang magulang ni Katleya kay Blue dahil sa inasal nito.

“Mom, Dad, ganyan po talaga ang bunganga niyan. Please do understand him,” giit nito. Muling tiningnan ni Katleya si Blue. “So si Red. Pero bakit?”

“Nalaman niya kasing nakipagrambulan ako kay Selena sa field ng school kagabi. Tss!”

Nanlaki ang mga mata ni Ezmeralda dahil sa narinig. Habang si Fernando at ang driver, hindi mapigilang humalakhak.

“W-what? Sa field?” gulat na tanong ni Katleya.

“Sa church, sa church, paulit-ulit po? Field nga. Tsss!” pagmamaktol nito. Bumuntonghininga ito at pagkatapos,  muling ngumuso.

Sasagot na sana si Ezmeralda dahil sa inasal ni Blue, pero sininyasan ito ni Katleya gamit ang kanyang mga mata na 'wag niyang ituloy. Huminga nang malalim si Ezmeralda, para mawala ang inis sa katabi nitong binata.

“Ano pala ang sinabi ni Red sa iyo, Blue?” tanong ni Katleya.

“Hindi ka pa ba nadala sa s*x scandal mo, Asul? Huwag mo naman ilagay muli sa kahihiyan sina Mom at Dad. Sa school niyo pa talaga ginawa ang kababuyan niyo!? Baba,” inis na sabi nito habang ginagaya ang boses ng kambal niya.

Nanlaki ang mga mata ni Ezmeralda sa sinabi ni Blue habang umiling-iling. Pero si Fernando, driver, at si Katleya ay walang tigil sa pagtawa.

“May scandal ka, iho?” tanong ni Fernando. Hindi na niya napigilan ang sariling hindi makisali sa usapan.

“Oo. Nakita niyo na po ba, Tito? I mean, sir? Nag viral po ’yon. Million views po. Blue lang malakas.”

“W-wait. Ikaw iyong...” Binuksan ni Fernando ang cellphone nito at mukhang may hinahanap, “Ito ba?”

Tumunog ang tugtog na Twerk It Like Miley ni Miley Cyrus habang pine-play ng ama ni Katleya ang video.

“Oo. Iyan po!” natatawang sabi ni Blue. “Pinalo-palo ko po ang pawikan ng ex ko riyan.”

FATED TO F*CK YOU✔Where stories live. Discover now