Simula

358 13 2
                                    

"Hello po, Engineer Castellar." Bati ng kliyente ko.

"Hello, Ma'am. Good evening po. Gusto ko lang po sanang sabihin na ipapasa ko po muna sa kaibigan ko ang project na napag usapan." Hinihilot ko ang sintido ko at nakatitig miniatute building ng construction firm sa harapan ko.

"It's okay, Engineer. Are you going on a vacation?" Tanong sa akin nito.

"Ah. Yes po. Just a short break. Tutulong pa rin po ako sa project. Pasensya na po, Ma'am." Pinaikot ko ang swivel chair na inuupuan ko.

"No, It's fine. I trust your construction firm. Kung enhinyero jan iyan at kakilala mo ay wala akong dapat ikabahala." Pormal na ang pagkakasabi nya.

"Thank you, Ma'am. Thank you for the trust." Pagkasabi ko  noon ay nag usap kami saglit tungkol sa ibang bagay at pinatay na ang tawag.

Pagkapatay ng tawag ay binuklat ko ang blue print na ibinigay sa akin kanina ng isang architect at ng kaibigan ko. Kahit ipahawak ko na rin ito sa ibang engineer na narito ay pwedeng pwede dahil ito na lang ang project ko.

"Gash Gianna buti na lang at naisipan mo pa ring magpagawa ng bahay." Umiling iling ako at sinuri ang blue print.

Naubos ko na ang kape ko at hindi ko na napansin ang oras. Buti ay kinatok ako ng janitor sa floor na ito.

"Ma'am dito po ba kayo ulit matutulog?" Medyo binuksan nya ang pintuan.

"Ah. Hindi po, kuya. Thank you." Mabait akong ngumit sa kanya. Tumango lang naman sya at iniwan na ako.

I fixed myself at ang blueprint na kanina ko pa inaaral. Bakit ba kasi napaka demanding ng kaibigan ko at gusto nyang aralin ko mabuti itong blueprint na ito. Wala naman ng problema.

After fixing myself, lumabas na ako. Hindi ko na nakita si kuyang janitor kaya dumiretso na ako sa elevator para makapunta sa basement.

Papunta na ako ng sasakyan ko nang bigla akong nakarecieve ng call.

It's mom.

"Yes mom?"

"Anak, nasaan ka? Kung hindi ka pa nakakauwi sa condo mo ay dito ka na lamang mag dinner sa bahay" Pakiusap ng aking ina.

Tutal hindi pa ako nakakapag dinner, pumayag nalang ako. Sayang din ang libreng pagkain at tamad pa naman akong magluto. Masyado ring malungkot sa bago kong condo na wala si Gianna.

After a 20 minutes drive from the building, nakarating narin ako sa bahay. 

"Good evening, Mom, Dad." Sabay bless at halik ko sakanila.

"Upo ka na, iha at kumain na tayo." Utos ni mom.

"Ano pong meron at bakit napakarami naman ng nakahain dito sa mesa?" Pagtataka ko dahil parang may fiesta sa dami ng putahe.

"Hayaan mo na, iha at iyan ang gusto ng mama mo." wika ni dad.

I sighed.

Eto nanaman si mama na napaka O.A. sa tuwing mag babakasyon ako na para bang hindi na ako makakabalik dito sa Pinas. Ganito din sya noong mga unang taong pumupunta ako ng Korea. Parang ang weird.

"Gaano ka ba katagal mawawala, iha? Paano ang projects mo? Hindi ka ba mahihirapan?" Tuloy tuloy na tanong ni mom. 

"Kung papalarin ay isang buwan lang naman po at sa kaibigan ko naman po yung isang project na hawak ko na hindi ko pa sinisimulan." Sagot ko para hindi na mag alala si mama.

After that long dinner with them, umuwi na ako sa condo ko dahil kailangan ko ng mag impake at flight ko na bukas.

Patulog na ako ng maramdaman kong nag va-vibrate ang phone ko.

"Hello"

"Hoy babae! Kamusta ang ipapagawa kong bahay! Engineer!"

Bakit gabing gabi sumisigaw toh?! Inilayo ko ang telepono sa tenga ko.

"Girl, chill ka lang . Okay? Next month pa naman sisimulan diba? Let me enjoy my vacation. Okay? Hindi naman kita tatakasan at kakainform mo lang sakin kahapon ah." Natatawang usal ko.

Ilang minutong chikahan pa at pinatulog na rin ako ng babaitang iyon. Bwisit talaga si Gianna.

Alas sais ng umaga pa lang ay gising na ako. Alas otso pa ang flight ko pero inumpisahan ko ng kumilos dahil baka ma ipit ako sa traffic.

Nakaupo na ako sa seat ko dito sa eroplano. Isinaksak ko ang earphone ko sa phone ko at nilagay sa tenga. Pagka-play ko ng tugtog ay sa hindi malamang dahilan, kinabahan ako. Lagig ganito ang nararamdaman ko sa tuwing papunta ako roon.

Pumasok nanaman sa utak ko ang lalaking iyon. Sokor nga pala ang punta ko. Hindi naman siya ang sadya ko.

Ang lawak ng South Korea at imposibleng asa Seoul sya pero..

What if bigla ko syang makita roon?

What if magkasalubong kami?

Ganap na doctor na kaya siya?

May asawa na kaya?

May anak?

Sht.

Night in Sokor (Castellar Twin Series #1)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora