"Yes. Are you available tomorrow?"

"I'll have to check with my boyfriend. Can I call you back for the address if ever I get a nod from him?"

"That's perfectly fine. I'll keep our line available and wait for your call."

"Thank you so much." Ibinaba ko na ang tawag matapos magpaalam saka ako lumapit kay Travis. Hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin patungkol sa plano ko pero hindi niya dapat malaman na sa iisang agency na pinagtatrabahuhan ng lalakeng pumunta sa amin ang punta ko.

Pumunta ako sa veranda para mag-isip kung paano ko ba itutuloy ang ipapakiusap ko. Ilang minuto na ang iginugugol ko pero wala pa rin ako maisip nang biglang may yumakap mula sa likuran ko. Tinaniman niya ako ng halik sa sintido saka hinigpitan pa ng kaonti ang pagkakayakap sa akin.

"Have you eaten lunch yet?"

"Hindi pa. Hinihintay kitang magising." Nilingon ko siya't tinaniman ng halik sa pisngi.

"I thought I told you to talk speak in English? Hindi ba nga't nag-pa-practice ka for your job? This is what we agreed on, right?"

Parang kanina lang nag-English ako sa telepono. Feeling ko, okay naman kahit kinakain ako ng kaba kanina.

"Sorry. Hindi lang kasi talaga—" Pinakita niya na naman iyong gigil expression niya kapag nag-ta-Tagalog ako kaya bumuga ako ng hangin. "Okay. Sorry. I'm just not used to it."

"You'll be. Just keep on using English while you talk."

"Can I at least speak Tagalog when I'm outside?"

"Fine. C'mon. Kain na—" Humarap ako bigla sa kaniya. "Okay. Sorry. Let's go eat." matawa-tawang sinabi niya. Bumitaw na siya sa pagkakayakap saka ako hinawakan sa kamay at hinila papasok.

Habang kumakain, tahimik lang ako dahil iniisip ko kung paano ko ipapaalam sa kaniya ang plano ko. Hindi naman siguro masama na malaman niyang modelling ang papasukan ko habang wala pa akong nakukuhang trabaho bilang teacher, hindi ba? Hindi naman ako titigil sa paghahanap kahit pa model na ako, kung matanggap man.

Hindi rin naman ako tatanggap ng offers kung sakaling bulgaran ang ipapasuot sa akin. Pakiramdam ko kasi, hindi matutuwa si Travis. Normally naman, hindi gusto ng mga lalake na nabubulgar ang katawan ng girlfriend nila, hindi ba? Hindi ko alam kung ganuon ang boyfriend ko pero mas maigi nang sundin ang nakaugalian para iwas sa gulo.

Bahala na.

"Travis?" mahinang pagkuha ko sa atensyon niya habang nilalaro ng tinidor ko ang meatball sa plato.

"Yes, Love?"

"Puwede mo ba ako samahan bukas? Kahit ihatid mo lang ako."

"English, Love. But where are you going?"

Bumagsak bigla ang magkabilang balikat ko dahil sa naalala ko. "Shoot. I just remembered. We don't have a car." matawa-tawang sinabi ko saka ko tinusok ng tinidor ang meatball. "Forget it."

"Is it far?"

"I'm not sure. I didn't get the address. It's for a job, if you're wondering."

"I can have my bike delivered here."

"It's okay. I'll just commute."

"Don't you want me to drop you off?"

"I can manage."

Humaba pa ang diskusyon namin dahil pinipilit niya ako na magpahatid sa kaniya. Sinasabi ko nga na nakakahiya pero binibirahan niya lang ako na boyfriend ko siya kaya hindi dapat ako mahiya. Pero siyempre, sa huli, siya rin ang sumuko pero bilang kapalit, dapat ay may pasalubong ako sa kaniya.

Call Me Daddy (Awesomely Completed)Where stories live. Discover now