"Mahal mo pa rin ba si Josh?"
Alam ko'ng matagal na nila'ng gusto'ng itanong sa'kin ang tungkol sa bagay na 'yun.
Sa totoo lang, ayoko'ng pangunahan ang mga bagay-bagay. Kamamatay lang ni Angelo at alam ko'ng hindi pa ito ang tama'ng oras para sagutin ko ang tanong na 'yun.
"Hindi ko alam kung ano ang sagot diyan." tiningnan ko sila'ng dalawa, "Hindi ko alam kung ano ang naghihintay sa'min sa hinaharap. Kung kami man ang nakatadhana para sa isa't isa, hindi ko alam."
"Kung kayo talaga ni Josh ang nakalaan para sa isa't isa, pagtatagpuin ulit kayo." sabi ni Grace.
Grace is right.
Kung may nakakaalam ng future namin ni Josh, tadhana at Diyos lang ang nakakaalam 'nun. At kung sakali'ng magkita ulit kami'ng dalawa ni Josh at pwede pa at may pagkakataon pa, baka 'yun ang tama'ng oras para sa'ming dalawa pero ngayon ang tanging gusto ko lang matapos na ang lahat ng 'to.
Ilang sandali pa ay tumawag na si Josh kay Adrian at sinabi'ng pwede na ako'ng pumasok sa loob ng presinto dahil nakausap na niya si Chief Dela Questa.
"Sigurado ka na ba talaga dito, beks?" tanong sa'kin ni Grace bago ako bumaba, "Pwede ka pa namang magback-out."
"Mahal, pababa na si Rhianne. 'Di na magbabago isip niyan." sagot naman ni Adrian.
Natawa naman ako dahil sinamaan ng tingin ni Grace ang asawa niya.
"Beks.." I faced her and tapped her shoulder, "..kailangan ko'ng gawin 'to, gusto ko'ng gawin 'to. Gusto ko 'nang matapos 'to para tuluyan na tayo'ng makapag-move on lahat."
"O sige, basta kapag sinapak ka 'nun lumaban ka ha." bilin ni Grace sa'kin bago ako bumaba.
Dumeretso ako sa loob ng presinto at doon ako sinalubong ni Josh.
"Nakausap ko na si Chief Dela Questa. Sabi ko ikaw lang ang kakausap kay Tish pero pwede raw kita'ng samaha---"
"Josh." I stopped him, "Diba sabi ko sa'yo gusto ko ako lang ang kakausap sa kanya?"
"Pero Rhianne delik----"
"Alam ko." I interjected, "Alam ko'ng delikado ang gagawin ko'ng pakikipag-usap kay Tish pero gusto ko siya'ng makausap mag-isa. Baka kapag nakita pa niya na magkasama tayo, kung ano pa ang isipin niya, lalo pa'ng lumala ang lahat." paliwanag ko sa kanya.
Nagda-dalawa'ng isip pa rin si Josh kung hahayaan niya ako'ng pumasok sa mag-isa sa loob para kausapin si Tish pero desidido na ako'ng gawin 'to. Gusto ko'ng gawin 'to mag-isa.
"Pa'no kung saktan ka niya? Pa'no kung may gawin siya'ng masama sa'yo?" tanong niya sa'kin at nakita ko na naman ang pag-aalala sa mga mata niya, "Rhianne, hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyari'ng masama sa'yo. At kung nandito si Angelo, alam ko'ng gano'n din ang gugustuhin niya'ng gawin. Pinangako ko sa kanya na poprotektahan kita at aalagaan. Hindi 'yun magagawa kung mag-isa ka'ng papasok sa loob at kakausap kay Tish."
YOU ARE READING
I Fall All Over Again
RomancePagkakaibigan na nasira takot. Dalawang puso na naiwang wasak at sugatan. Mga tanong sa nakaraan na nangangailangan pa rin ng sagot. Paano kung ang dating nagmamahalan ay muling magkrus ang landas? Maging daan kaya ito upang maibalik ang kanilang...
[55] - Understanding & Forgiveness
Start from the beginning
