Ang dami'ng buhay na ang nadamay, ang dami'ng tao na ang nadamay na hindi naman dapat madamay. Dalawa'ng buhay na rin ang nawala dahil sa mga nangyari'ng 'to. Oo, masakit sa'kin ang pagkawala ni Angelo at mahirap para sa'kin ang patawarin ang tao'ng gumawa 'nun sa kanya pero kung hahayaan ko'ng lamunin ako ng galit, kailanman hindi ako matatahimik, makakamove-on at magiging masaya.
"Gusto ko 'nang matapos 'to. Gusto ko lahat tayo magbago'ng buhay na pagkatapos ng araw na 'to." tiningnan ko si Grace at hinawakan ang kamay niya, "Ayoko na ng gulo, ayoko 'nang may mawala na namang buhay. Kaya sana matapos na 'to ngayong araw din mismo."
"E pa'no kung hindi pa dito matapos 'to?" tanong ni Adrian sa'kin.
"Pa'no kung hindi pa rin magpaubaya si Tish?" tanong naman ni Grace sa'kin.
I shrugged my shoulder, "Hindi ko alam." the both of them exchanged glances, "Basta ang alam ko lang, gusto ko'ng makausap si Tish at umaasa ako na sa ganito'ng paraan matatapos na ang hidwaan naming dalawa. After all, nagsimula naman 'to sa'ming dalawa e, sa'kin siya galit at sa'kin niya gusto'ng gumanti. Kaya kahit masakit para sa'kin na harapin ang tao'ng nagpasakit ng sobra sa buhay ko, gagawin ko para lang sa ikakatahimik ng mga buhay natin."
Grace grabbed my hand and tapped it.
"Kung ito talaga ang gusto mo'ng gawin, susuportahan ka namin." she said.
I nodded, "This is what I want to do. Ipagdasal na lang natin na sana through my word, Tish will be able to let go and move on." sambit ko.
"Naisip mo ba na kung sakali'ng matitigil na 'to ngayon e matutuloy na ang pag-alis ni Josh papunta'ng London?"
Oo nga pala.
Nagkaroon na ng malay ang Mama ni Josh. Isa 'yun sa mga dahilan kung bakit gusto ko na rin 'to'ng matapos.
Dinalaw namin 'nung isa'ng araw ang Mama ni Josh sa ospital at dun ko nakita kung gaano kalaki ang naging epekto sa kanya 'nang malaman niya'ng namatay na si Tito Donald. Of course, it was hard for he to accept what happened. Ni-hindi man lang niya nagawang makita si Tito Donald sa huli'ng pagkakataon.
It was also confirmed that Josh's Mom is suffering from Post-Traumatic Disorder at magiging malaki'ng tulong sa kanila kung aalis muna sila ng bansa at magpapakalayo-layo.
"Handa ka ba'ng mawala ulit si Josh?" tanong sa'kin ni Grace.
"Para naman 'to sa pamilya niya e, sa ikakabuti nila. Sino ba naman ako para pigilan 'yun?" sagot ko.
Adrian answered, "Pero pa'no kayo'ng dalawa?" tanong niya.
"Adrian, masyado pa'ng maaga para dun. Alam ko ilang beses na kami'ng pinagtagpo at pinaghiwalay ng pagkakataon pero sa pagkakataong 'to gusto ko'ng pabayaan si Josh na gawin ang tama at dapat para sa pamilya niya." paliwanag ko sa kanila, "Hindi ko naman pwede'ng pigilan si Josh dahil lang ayoko'ng mawala siya o umalis. Bakit ko siya pipigilan kung alam ko naman na ito 'yung makakabuti para sa kanya at sa pamilya niya? Alam ko naman na ito rin ang makakabuti sa'kin. I need some time to move on from what happened."
YOU ARE READING
I Fall All Over Again
RomancePagkakaibigan na nasira takot. Dalawang puso na naiwang wasak at sugatan. Mga tanong sa nakaraan na nangangailangan pa rin ng sagot. Paano kung ang dating nagmamahalan ay muling magkrus ang landas? Maging daan kaya ito upang maibalik ang kanilang...
[55] - Understanding & Forgiveness
Start from the beginning
