PROLOGUE

866 9 1
                                        

"Shit," ungol ni Grant nang sumadsad siya sa hood ng kotse ni Cindy.

Hindi  niya inilagan ang suntok na iyon galing kay Rainier na ngayon ay inaawat na ni Cindy. He deserved it and more kung gustuhin ng lalaki. Kung makakabawas iyon sa sakit na nararamdaman nito, he would welcome all the punches.

" I fucking trusted you, Marquez! I trusted you both!", magkahalong galit at pait ang lumatay sa boses ni Rainier habang dinuduro sila ni Cindy.

Tumuwid siya ng tayo at hinarap ito. Pinahid niya ang dugo mula sa pumutok na labi gamit ang kamay.

" Alam ko kaya nga hindi ko agad nasabi sa'yo ang totoo. And I was tied to my promise to her," aniya na pilit kinalma ang boses. He tried to ignore the pain from his punch but damn it, malakas ang pinakawalan na iyon ni Rainier. Kung kulang sa experience ay baka nawalan na ng malay ang tumanggap nun lalo't batak ang kaibigan sa trabaho nito sa farm.

Kaibigan. Kaibigan pa nga ba ang turing nito sa kanya pagkatapos ng lahat ng mga ipinagtapat nila ni Cindy? Kung siya ang nasa katayuan ni Rainier, baka kanina pa niya pinatay silang dalawa ni Cindy. They broke his trust.

" And you let me suffer for months thinking it was my child who died with Karen!"

"Please, Rainie, makinig ka sa'min. Nakiusap siya, nagbantang ipapalaglag ang bata kung sasabihin namin sa'yo ang totoo. And when she died, we wanted to tell you  the truth. Pero alam naming ganito ang magiging reaksyon mo," si Cindy na ngayon ay umiiyak pero hindi pa rin binibitiwan ang isang braso ni Rainier.

" I was judged by many but you kept quiet. Ganyan ba ang kaibigan,huh?", Rainier's eyes were in slits.

Napailing siya. It was his fault from the get go. Minahal niya ang isang babaeng hindi siya kayang ipaglaban. He knew Karen loved him but she's a complicated woman. At ngayon nga'y inaani niya ang sukli ng ginawa niyang pagmamahal dito. And he might lose an old friend.

" I'm sorry,bud. I loved her so much that I blindly followed her," iyon lang ang kayang lumabas sa kanyang bibig sa mga sandaling iyon.

" At hindi ka namin iniwan. We stayed for you while we look for justice for Karen and their baby," alo ni Cindy.

Isang pagak na tawa ang pinakawalan ni Rainier.

" You stayed for me because your conscience was eating you! And why now? Bakit hindi n'yo na lang hinayaang dalhin sa hukay ang kasinungalingan na pinagtatakpan nyo?"

" Because you deserve a chance to real love, Harris! Issa loves you but she has second thoughts of your past. Hindi  niya alam kung saan siya lulugar sa buhay mo," sagot niya at sinalubong ang galit na mga mata ng lalaki.

Umaangat ng kaunti ang labi ni Rainier sa narinig. "Oh yeah? You're now a mind reader real quick, Marquez? From a liar to a psychic now?"

That's it!

Mabilis niyang inabot ang kwelyo ni Rainier at isang suntok ang pinakawalan niya dito na tumama sa panga. Si Cindy na hindi bumibitaw kay Rainier ay kasama nitong natumba sa gilid ng kalsada. Gusto sana niyang tulungang tumayo ang dalaga pero pinili niyang huwag na lang. It would mean getting closer to Rainier and they would surely end up beating each other's ass to death.

" Fuck you, Marquez!"

" Well fuck you too, Harris! Malaki ang kasalanan namin ni Cindy. Alam namin 'yun. But spare Cindy. Natakot lang siya para sa bata. And as for Issa, damn you! Alam ko kung ano ang pakiramdam niya dahil 'yun rin ang naramdaman ko noong mga panahong minahal ko si Karen! Now, let Issa know kung saan siya sa buhay mo o mawawala siya sa'yo." 

Hindi sumagot si Rainier. Marahas na tumayo ito at kahit galit ay nagawa pa ring tulungan si Cindy na makatayo. 

" Get lost, Marquez or I'll personally sign your death certificate!"

Mabilis itong pumasok sa dalang pick up at pinaarangkada ang sasakyan patungong Tacloban.

" Follow him, Cindy. Make sure he won't do anything stupid," utos niya sa boses na hindi mababali. Sa kabila ng lahat, he still sees Harris as a friend. He could only hope time will come that all the wounds will heal and he could call him friend again.

"Paano ka?," Cindy's tear-stained face looked torn between him and Rainier.

He gave her an indulgent smile. " I'll be fine here. And if he gets into trouble, call me."

Napatango na lang si Cindy at pumasok sa loob  ng dala nitong kotse.

Nang nawala na sa paningin ang sasakyan ng kaibigan ay humugot siya ng malalim na hininga at tumingala sa langit.

I'm done here.


AETERNUM SERIES 4: IVORY'S GRANT  (ON GOING)Stories to obsess over. Discover now