Mabilis kasi akong dumiretso sa bahay nina Everlyse. I’m not sure where I will sleep tonight. Siguro doon sa guestroom na madalas kong tinutulugan.

“Oh, Meg?” Tawag ni Warren.

“What happened, Noah? Bakit ganon ang pinsan ko?” Tanong ni Stan papasok ako sa loob ng bahay.

Hindi ko na narinig ang dinugtong nila. Sumalubong sa akin ang mapupungay na mata ni Everlyse sa sala. Nadatnan ko siyang tulog sa sofa at naalimpungatan nang narinig ang yapak ko.

“Oh my God!” Aniya pagkatapos ay tumayo at sinalubong ako.

Pinasadahan ko ng tingin ang buong bahay na medyo magulo pa. Iniisip ko kung sinu sino ang mga nagpunta. Siguro ay nagpunta rin dito sina Wella at ang iba pa naming kaklase noong high school.

Mag aalas tres na ng madaling araw at pagod na pagod na ako. Masakit na ang mga mata ko dahil sa pag iyak at pagtatrabaho kanina.

“Are you okay? Anong nangyari sa inyo ni Noah? Nag inuman pa kasi sila at hinintay pa nilang umalis ‘yong mga bisita bago kayo nasundo!” Ani Everlyse, sinasamahan akong umakyat sa hagdan nila.

“Ayos lang ako. Nabasa lang ang damit ko. I’m tired... sa kakatrabaho.”

Naramdaman ko ang mapanuring titig niya ngunit binalewala ko iyon. I don’t want to answer anymore damn questions. Mabigat na iyong mga sagutan namin ni Noah at ang tanging gusto kong mangyari ay matapos ang araw na ito.

“Bakit iyan nabasa?” Tanong ni Everlyse habang binubuksan ang guest room para sa akin.

Pagkapasok namin sa loob ay hinubad ko kaagad ang jacket sa kanyang harapan at iyong sleeveless top. Gumapang agad ako sa kama. I want to shower and all but I am so tired for all of that.

Kinagat ni Everlyse ang kanyang labi at tiningnan ako habang nakahilata doon sa kama nila. Pumikit na ako.

“May tuwalya sa closet. Dadalhan kita ng damit para makapagpalit.” Aniya.

“Wag na. Just lock the door, please. Uuwi ako ng maaga. Mga alas singko.” Sabi ko.

“Huh? Bakit?” Tanong niya habang inaayos ang kumot sa akin.

“Sa bahay na ako magbibihis at lahat. I want to be home.” Sagot ko.

“Oh... Okay...” Dahan dahan niyang sinabi. “Sasabihin ko sa driver.”

“Wag na.” Mabilis kong sinabi natatakot na baka malaman ni Noah. “Magtataxi ako.”

“Hmmm... Okay.”

Iniwan ako doon ni Everlyse. Halos hindi rin ako nakatulog sa nalalabing mahigit na dalawang oras sa pag alis ko. Wala akong inisip kundi iyong mga sagutan namin ni Noah. Gusto kong malaman kay daddy kung anu ano ang mga sinabi niya. Gusto kong umuwi at magpahinga.

Kaya nang nag alas singko at tahimik na ang sala nina Everlyse ay dumiretso na ako sa labas. Nagpatawag ako ng taxi at umuwi na. Hindi ko alam kung naroon pa ba sina Noah o umuwi na rin. Basta ay umuwi na lang ako ng mag isa para makapag isip isip.

Inubos ko ang buong Linggo sa pagtulog at pagpapahinga. Ni hindi ko nabuksan ang cellphone ko dahil low bat ito at hindi ko pa nai cha charge. Gabi na nang naicharge ko ito. Pagkababa ko sa aming sala ay napansin ko ang pagiging tahimik nito.

“Manang, nasan si mommy at daddy?” Tanong ko.

“Hindi ba tumawag sa cellphone mo, Megan? Nasa kompanya pa sila, dalawang araw na.” Sabi ni manang habang nilalapag sa hapag ang kutsara, tinidor, baso, at plato ko. “Alam mo na, abala sila para don sa concert ng Going South at marami pang problema.”

Tumango ako at nag isip kung kailan kaya kami makakapag usap ni daddy?

Pagkaligo ko sa gabing iyon ay halos maubos ko ang oras ko sa pagtitig sa magandang pangalan ni Noah na nakaukit sa aking upper abdomen. He kissed my tats. Kinagat ko ang labi ko at naiinis ako sa sarili ko kung bakit nanginginig parin ako para sa kanya. Ngayong linggo ay patatabunan ko na ito.

Kinaumagahan, kahit na maaga akong gumising para sa trabaho ay hindi ko na naabutan sina mommy at daddy. Talagang abala at hands on sila pag dating sa Going South. Habang nag iisip tungkol sa kanilang ginagawa ay naiisip ko naman kung anong gagawin ng mga taga Zeus sa pagkakawala ni Liam? Mabubuwag kaya sila? Maghahanap ng bagong vocalist? Papayagan kaya sila ni mommy? Pag ba si Stan ang ipapalit nila ay papayagan sila ni mommy? Papayag kaya si Stan?

Pinukpok ko ang ulo ko nang nag alas onse na ng tanghali at hindi ko pa natatapos ang lay out ng isang proyekto dahil sa mga iniisip.

“Uy, Ma’am Megan... Ayos ka lang? Break muna tayo?” Pansin ito kahit ng officemates ko.

“Tatapusin ko lang ‘to.” Frustrated kong sinabi at tumitig ulit sa monitor.

Habang seryoso akong tumitingin doon ay may biglang kumalabit sa akin sa likod. Kumalabog ng husto ang puso ko at mabilis kong nilingon kung sino iyon. Isang pamilyar na babae ang ngumiti sa akin habang pinapakita ang isang styro ng pagkain.

Kumunot ang noo ko sa pagkakalito. “Po?”

“May nagpadala nito.” Sambit nong babaeng napagtanto kong sekretarya ng big boss.

Nilapag niya iyon sa gilid ng computer monitor ko. Namilog ang mata ko habang tinitingnan iyong styro at may note pang nakalagay sa itaas. Halos gusto kong lumipad at mabaliw. May naaalala akong eksenang ganito. Those... precious lunch time and those sweet little notes. Hindi ko namalayang nangingiti na ako kaya mabilis kong iniba ang ekspresyon ko galing doon sa nakasimangot na mukha bago ako bumaling sa sekretarya.

“Kanino galing?” Tinanong ko pa.

“Basahin mo na lang ang note.” Sabay kibit balikat niya.

Nilingon ko ang mga katabi kong cubicle na halos wala ng tao dahil nag lunch break na ang mga ito. Lumunok ako at naghintay na iwan ng sekretarya bago ko dinampot ang maliit na note.

‘Sorry last Saturday. I don’t want to be harsh.

-Ysmael Aboitiz’

Natigilan ako. Kay Mr. Aboitiz galing ang lunch na ito? Huminga ako ng malalim at halos mapukpok ko ulit ang ulo ko.

Worthless (Published Under MPress)Where stories live. Discover now