20; The Masquerade Party

Magsimula sa umpisa
                                    

Nagpaalam si Luigi na magbibihis muna siya kaya naiwan kaming dalawa ng Mama niya.

"I'll go ahead, Madame." Hindi pa man ako nakakalayo nang magsalita siya.

"Ayokong makikita kitang nakabuntot sa anak ko, you piece of slut."

Parang pumutok ang litid sa leeg ko at agad siyang nilingon.

"Excuse me?" Did I.. did I heard it right? Tinawag niya akong slut?

"Nagtataka ako kung bakit buntot ka pa rin ng buntot sa anak ko gayong sinabihan na kita na layuan si Luigi."

Hindi ako nagsalita. Nanatili lang akong nakatingin sa Ginang. Pinasadahan ako nito ng tingin mula ulo hanggang paa at kapagkuwan ay umismid.

"I really wonder what he saw in you when in fact, Hailey is way more better than you."

Kumuyom ang kamao ko nang lagpasan ako ng Ginang. Sinundan ko ng tingin ang pagpasok nito sa backdoor.

Hailey.. Hailey..

Hindi naman sila magkaano-ano pero iisa lang ugali nila. Well, bagay silang magsama--

magsama sa impyerno.

_

"What's with that look?"

Napakurap ako sa harap ng salamin at tumingin sa may pinto.

"Miss Sua." Tumayo ako at nakipagbeso sa kaniya.

"You look so awesome. Hindi ako nabigo sa desisyon kong ikaw ang piliin na magmodel ng mga designs ko."

Kinagat ko ang labi ko. Katatapos lang ng fashion show at nanalo ang designs ni Miss Sua. Overall sa kaniya ang maraming boto. She is really is talented when it comes to designing.

"How are you? Did my cousin talked to you already?"

"Ha?" Nagtataka ko siyang nilingon. Cousin? Pinsan niya? Sinong--

"I'm talking about Logan." sagot niya na tila nabasa ang utak ko.

"Oh," Bahagya akong natawa. "I never knew you two we're relatives."

"Me too, at first nabigla rin ako."

Napatango ako at kumunot ang noo. "Uhm, If you don't mind me asking, ano nga 'yung sinabi mo kanina?"

"Ang alin, 'yung kay Logan?"

Tumango ako. Lumapit siya sa akin at bumulong.

"I told him the truth." sabi niya na ikinakunot lalo ng noo ko. "It's about the chaos in my shop. I gave him the evidence na nagpapatunay na hindi ikaw ang nagsimula ng gulo."

Nanlaki ang mata ko sa narinig. Anong--? Ibig bang sabihin nito..

"Noong una hindi pa siya naniniwala but when I gave him the copy of my shop's CCTV record, bigla siyang natahimik." Siniko niya ako sa tagiliran at tumaas ang kilay. "I know there's something between you two. Well, hindi ako chismosa ha, but I heard something interesting."

Interesting?

Napalunok ako at umiwas ng tingin. "A-anong.." Bahagya kong hinawi ang buhok ko at napakagat-labi.

"But don't worry, I know how to keep secrets." Napatingin akong muli sa kaniya nang lumapit siya at bumulong. "Trust me." Lumayo siya at nagpaalam ng umalis. Nakangangang napaupo ako. Naalala ko 'yung pagyaya ni Logan sa'kin na mag-out of town after he disappear that time.

The Side Chick Woman✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon