19; Assumption

Magsimula sa umpisa
                                    

Tatlong araw na ang lumipas noong umuwi kami ni Logan galing Siargao Island. Simula noon hindi na kami nagkita pa.

"Saan ba kayo nagpunta? Two days din 'yon, ha! Halos maubos na pasensya ko d'yan sa Hailey na 'yan. Aba, biruin mo sa akin binubunton ang galit. Utos dito, utos doon. Secretary ako ni Sir, hindi muchacha niya." Umirap si Tanya at bahagyang hinampas ang braso ko.

"Pero saan nga kayo nagpunta? Akala ko nagtanan na kayo, eh."

Napailing ako. "Sa tabi-tabi lang." sagot ko. Nagtanan? How I wish na ganoon nga ang nangyari pero malinaw pa sa 20/20 vision ng tao na kaya lang nagyaya ang lalaking 'yon na mag-travel para lang magpalamig ng ulo.

Ulo niya sa taas.. Napangisi ako. Kasi ang ulo sa baba niya hindi lumamig, palagi kasing mainit 'yon sa tuwing kasama ako.

"What the hell?" Nabulalas ko at natawa sa sariling naisip.

"Ha? May sinasabi ka?"

Napalingon ako kay Tanya at ngumiti na lang.

"Anyways, nagkausap kami ni Sua."

"Sua who?"

Pinindot niya ang button ng elevator para magsara.

"Suadela Rivera-Smith. The oh so famous designer of town."

"And?" Tinignan ko ang oras sa relo na suot ko. May oras pa naman ako para magpa-facial mamaya. Sasama muna ako sa bruhildang  'to.

"At ikaw ang kinuha niyang model sa designs niya."

Doon ako napatingin sa kaniya at kumunot ang noo. Suadela Rive--

Nanlaki ang mata ko. "The designer of AdEle Seduction?" Tumango siya para kumpirmahin na tama ang sinabi ko.

Wow. Just wow.

"Bakit.. bakit ako? Of all models, why did she choose me to be her model?"

Nagkibit-balikat siya. "Nagkita na raw kayo in person one time and she likes you."

Hindi mapuknat ang ngiti sa labi ko nang lumabas kami ng elevator. Who would have thought na mapipili ako ng isa sa mga sikat ngayon na designer? And oh, I remember now na minsan na pala akong nagpunta sa boutique niya noong minsan din nalaman ko na may sungay din pala si Hailey.

Speaking of.. siguro ngayon halos hindi na makatulog ang babae sa kakaisip kung sino ang kabit ni Logan.

__

Pagkatapos kong magpafacial sa Salon ni Maia, dumaan ako sa AdEle Seduction dahil sinabi sa akin ni Tanya kanina na gusto akong makita ni Ms. Suada.

"Maupo ka muna." Iginiya niya ako sa isang upuan na kaharap niya. Nilapag niya ang malaking box na hawak niya sa table at nakangiting binalingan ako.

"This is your night's gown for tomorrow. Two gowns ang ginawa ko for you, so you can choose what you want to wear."

Napakagat ako ng labi. Nang malaman ko na personal na ginawan ako ng gown ni Ms. Suada, agad kong pina-cancel ang gown na in-order ko sa boutique ng kaibigan ni Kim.

"Alam kong mali na hindi man lang kita kinausap muna bago kita gawan and I'm sorry for that."

"Okay lang po 'yon, Ms. Suada. Actually, iyong pinatahi ko na gown ay hindi pa tapos. Naisip kong dito na lang pumunta baka may ready to wear na kayong gown but I'm surprise, may naka-reserve na pala para sa akin." natatawang sabi ko. Natawa rin ang babae at tumingin sa akin saglit bago sa box na nasa table.

"You can open it now. Baka may gusto ka pang ipabago sa design or what para agad na'tin magawan ng paraan."

"Oh, yeah, sure." Nilapit ko ang malaking kahon at binuksan. I was really surprised nang iangat ko ang takip ng kahon bumungad sa akin dalawang gown na dinisenyo niya mismo.

"Wow." Tinignan ko ang isang gown na nauna kong kuhanin at inilapat sa katawan ko. Sunod kong kinuha ang isa pa bago nakangiting bumaling kay Ms. Suada.

"Thank you. Thank you for this. Ang gaganda." manghang wika ko.

"I'm glad you like it. It's your choice kung anong susuotin mo para bukas."

Niyakap ko ang dalawang gown at ngiting-ngiti na nagpasalamat sa kaniya. Hindi siya nagkamali na ako ang piliin.

"Gusto ko ikaw ang magningning sa masquerade party ng All's Magazine bukas." Hinawakan niya ang kamay ko, "The first time I saw you, I already like you kaya no worries dahil ako ang bahala sa'yo bukas."

"Thank you, Ms. Suada--" she cut me off.

"Sua na lang."

Niligpit ko ang gown at pinabuhat kay Celeste na naghihintay sa sasakyan. Bago ako umalis kinausap ako ni Sua tungkol sa nangyari noong unang punta ko rito.

"I saw and heard what really happen that day bago ka sugurin ni Ms. Hailey. At first, gusto kitang tulungan or ipagtanggol man lang kay Logan pero pinigilan ako ng assistant ko. Huwag na raw ako makigulo pa. Logan is my cousin kaya the day after tomorrow, kinausap ko ang pinsan ko at sinabi ang totoong nangyari."

Nagulat ako sa sinabi niya. Magpinsan sila ni Logan?! And what, nasaksihan niya ang buong pangyayari? Ibig bang sabihin noon, narinig niya ang lahat ng sagutan namin ni Hailey?

"You don't have to worry about anything, Marie. Ang sinabi ko lang kay Logan, asawa niya ang nagsimula ng lahat nothing more." Ngumiti siya at napansin kong parang may kakaiba sa mga mata niya. Parang.. parang may gusto siyang sabihin sa akin or na-i-imagine ko lang 'yon?

"Okay ka lang, Marie?"

Napatingin ako kay Celeste at tumango. Papunta na kami sa Salon ni Maia at habang nasa sasakyan hindi ko maiwasang isipin, bakit ako? I mean, bakit ako ang napili ni Sua na mag-model ng mga designs niya? Ano ba talaga ang dahilan? 

Lumakas ang kabog ng dibdib ko nang may sumagi bigla sa isip ko. Nandoon siya noong mga oras na 'yon, at siya na mismo nagsabing nasaksihan niya ang buong pangyayari mula sa simula hanggang sa matapos ang pag-aaway namin.

So, that means.. may hinuha na siyang may namamagitan sa amin ni Logan. Alam na niyang kabit ako ng pinsan niya.

Bigla akong kinabahan at the same time, natakot. Paano kung totoo nga ang naiisip ko? Paano kung i-expose niya ang nalalaman niya tungkol sa amin ni Logan?

Okay, should I panicked now?

The Side Chick Woman✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon