10; Befriend of His Friends

Magsimula sa umpisa
                                    

"I'm Richie by the way." Ngumiti ng makalaglag panty si Richie sa aming tatlo.

"Watson." tipid na pakilala ng lalaki bago tumungga sa baso nito.

"I'm Misty." Pilit ang ngiting ibinigay ni Misty sa dalawa.

"Marie." Ngumiti ako. Kita ko sa sulok ng mata ko ang pag-inom ni Logan ng alak.

"And he is Logan." pagsingit ni Austin at itinuro ang kinauupuan ni Logan na katabi ko lamang pero may malaking espasyo ang naglalayo sa amin. 

"We know him."

Natigilan ako sa sinabi ni Maia. Sa ngiti pa lang ng babae parang may binabalak na.

"Oh?"

"Yeah. Siya iyong CEO ng All's Magazine, right?" Hindi ako nito nilingon nang pasimple ko siyang sinipa para patahimikin.

Anong ginagawa niya?

"Actually, Marie is currently working on his agency." dugtong nito. Hindi ko alam kung ilang segundo akong hindi huminga. Minsan may pagkakataon pa naman na nadudulas si Maia sa sinasabi nito.

"Really? Kaya pala pamilyar ka."

I smiled at Richie. Pansin ko lang mas madaldal si Richie unlike the others. Siguro likha na itong palasalita noon pa kaya siguro maraming babae ang nagkakagusto rito.

"So, nagkakausap kayo?" tanong ni Watson. Napatingin ako kay Logan na tahimik pa rin. Ibinaba nito ang hawak na baso at tumitig sa'kin.

"Yes, always."

Nanlaki ang mata ko. He shouldn't say that!

"Whoah! Like anong pinag-uusapan ninyo?" tuwang tuwa na tanong naman ni Richie. Kinabahan ako. Sasabihin ba niya? It should be a secret. Walang dapat makaalam!

"Just about the company rules."

Napaiwas ako ng tingin nang mas lumalim ang titig niya sa mga mata ko.

"Let's drink. I've ordered ladies drink for you all, girls." Nagsimulang magsalin si Watson sa kaniya-kaniya naming mga baso. Kami ni Maia nabigyan pero hindi kay Misty.

"Wait, you skipped my glass." Masamang tingin ang ibinigay ni Misty kay Watson.

"No alcohol for you, brat."

Nagulat kami nang malamang magkakilala pala ang dalawa. Noong magtanong si Richie paano sila nagkakilala sinabi naman nila ang totoo.

"We are engaged."

"What?!" Halos magkasabay kami ni Maia.

"You heard it. Walang ulitan." Umirap siya at nagcross arm.

"Seriously, dude?"

"Come on, man, you know my family history."

Family history?

The Side Chick Woman✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon