9; Almost Caught

Magsimula sa umpisa
                                    

"Yup. I hope maganda 'yung napili ko. Hindi ko pa napapanood 'yun eh."

"Ano bang title ng movie?"

"One more chance. 'Yung kay Bea Alonzo at John Lloyd Cruz."

Natigilan ako ng ilang saglit. Natawa ako sa biglang naalala.

"Bakit? Nakakatawa ba 'yung movie na 'yun?" Narinig kong tanong niya.

Umiling ako. "Hindi. May naalala lang ako." Nakangiti akong lumingon kay Luigi.

Tinulungan niya akong lutuin ang popcorn na snacks namin. Pagkatapos ay nanoood na kami ng movie.

"Ang galing nila um-acting. Nadala ako sa pag-iyak ni Bea."

Napatingin ako sa kaniya at napatawa. "You look like a gay."

"Hey! Hindi ako bakla." bawi niya sa sinabi ko. Natawa ako lalo.

Nanood pa kami ng ibang movie this time action naman. Hindi na namin namalayan ang oras dahil nawili kami sa panonood. Alas singko na pala ng hapon.

"Ano, manoood ka pa ba?" tanong ko dahil wala na yata siyang balak bumangon sa sahig.

Inayos niya ang maliit na unan bago tumingin sa'kin. I can see the admiration in his eyes. Binaba ko ang towel sa upuan.

"Why? May dumi ba sa mukha ko?" tanong ko at pasimpleng tumingin sa glass table.

"Kailan mo ako sasagutin?"

Nagulat at natigilan ako sa tanong niya. Umangat ang sulok ng labi ko.

"Nanliligaw ka pala?" I try to make it a joke but it failed. Seryoso ang mukha ko habang nakatingin sa kaniya.

"Hmm, yes. Sinabi ko na sa'yo noon na liligawan kita, hindi ba?" Bumangon siya at nag-indian sit habang nakaharap sa gawi ko.

"Marie, I like you. I.. I really l-like you."

"Alam mo antok lang 'yan. Ang dami mo kasing pinanood na movie--" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang bigla siyang lumapit sa'kin.

"Gustong gusto kita."

"Luigi.."

"Kaya hayaan mo akong ligawan ka. Siguro iniisip mo ngayon na bakit ang bilis ko pero kasi Marie.."

"Gabi na, Luigi. Sa susunod na lang na'tin pag-usapan--"

"Hindi mo ba ako gusto? May.. may iba ka bang nagugustuhan?"

Natameme ako sa tanong niya. Anong isasagot ko sa kaniya? Oo, meron akong ibang nagugustuhan at ang kapatid niya 'yon. Gan'on ba?

Napailing ako. Mas mabuti pang hindi ko na lang siya sagutin para na rin sa mga posibilidad na pwedeng mangyari once na malaman niya ang affair namin ni Logan.

"May trabaho pa ako bukas. Pwede bang sa ibang araw na lang tayo mag-usap?"

Napahinga siya ng malalim at yumuko. Tumalikod si Luigi at isa-isang kinuha ang gamit niya sa sala ko.

"Aalis na ako. Salamat sa time."

Tinawag ko ito ngunit hindi na ako nito nilingon pa. Napabuga na lang ako ng hangin at naupo sa sala.

PAGKATAPOS ng trabaho ko dumiretso ako agad sa malapit na grocery store para bumili ng ilang ingredients. Masayang masaya ako kasi pinapapunta ako ni Logan sa condo niya.

Hindi na ako nag-abala pang kumatok or magdoorbell dahil alam ko naman ang password ng unit niya. Agad akong dumiretso sa kusina at ipinatong muna sa kitchen table lahat ng pinamili ko.

The Side Chick Woman✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon