RPW 29

267 4 0
                                    

4-05-2022

7:00 AM

Trios Peeps

Kayleen:
Joy?

Joy:
Bakit dude?

Kayleen:
Pwede ba diyan muna ako sa condo mo kahit 1week lang.

Joy:
Dude wala ako sa condo nag out of town kame kasama ng mga magulang ko, may nangyari na naman ba sa bahay niyo?

Kayleen:
Tangina nakakarindi na dito sa bahay, pag gising ko nag-aaway na naman nanay at tatay ko.

Joy:
Anong pinag-aawayan?

Kayleen:
Gustong makipag divorce ng tatay ko sa nanay ko, eh syempre itong nanay ko naman mahal na mahal ang tatay ko kaya ayaw niyang pakawalan, tangina kung ako sa nanay ko hihiwalayan ko na yun eh, harap harapan na ngang niloloko di pa hiwalayan tangina, ang manhid ng nanay ko letse.

Joy:
Dude di mo naman masisisi si tita, mahal niya yan eh alangan naman na hiwalayan niya, syempre iniisip niya rin ikaw, paano ka pag nawalan ng tatay?

Kayleen:
Tangina kaya ko na sarili ko, may bussiness namin si mama eh kaya ko naman patukbuhin yun, tsaka di na kawalan saken yung tatay ko pag nag hiwalay sila ng nanay ko, sanay naman ako palagi na wala siya dito sa bahay, di ko nga naramdaman na may tatay pala ako habang lumalake eh, ayun andoon pala sa kabet niya habang yung anak niya andito hinahanap ang tatay sa nanay pero palaging wala, kaya oks lang saken kung mawala na siya dito sa bahay, mas okay pa nga yun eh, kaso itong lang talagang nanay ko ang problema ko ngayon.

Joy:
Chill ka lang dude, baka malay mo hindi matuloy yang divorce nila.

Kayleen:
Tuloy na nila tangina, kase kung pinatagal pa nila yan mas lalo lang nila sinasaktan sarili nila, lalo na sa nanay ko na mahal na mahal ang tatay ko, tanginang pagmamahal putek, sa loob ng 50 years nilang pagsasama nabuo nila ako tas sasabihin ng tatay ko di raw sila compatible atsaka wala na yung pagmamamhal niya sa nanay ko tangina. Ano yun free trial lang?pag nawala na yung pagmamahal iiwanan na lang basta?nakakagago putek, lalo na diyan sa tatay ko, sana di niya na lang linigawan nanay ko para walang nasasaktan atsaka para wala na lang rin ako dito sa mundo, tangina ang hirap manglimos ng pagmamahal sa mga magulang ko, puro na lang sarili nila iniisip nila, paano naman ako?di nila alam yung anak nila nasasaktan din sa nangyayari tangina.

L

Lala:
Anong nangyayari dito?

Joy:
Mag br ka dude.

Joy:
Sorry dude wala ako sa condo, ask mo si Lala doon ka na lang muna sa kanila.

Kayleen:
Okay lang dude, salamat.

Kayleen:
Hoy Lalaaaa

Lala:
Bakit maghihiwalay si tito at tita?

Kayleen:
Bahala sila sa buhay nila tangina, nakakasawa sila tignan mag-away putek.

Lala:
Maaayos din yan dude, tiwala lang.

Kayleen:
Maaayos?imposible tangina, kahit siguro ubusin ko lahat ng alak dito sa buong mundo malabong maayos pa ang relasyon nila, pwede diyan muna ako sa inyo?

Lala:
Welcome ka dito sa bahay dude, kaso lang mamayang gabi aalis ako may pinapagawa saken si dad, pero pwede ka naman dito kahit wala ako, kasama mo naman si Andrie😊

Kayleen:
Sige na okay na yan, sa kwarto mo na lang ako tutuloy.

Lala:
No prob dude kahit isang taon ka pa dito sa bahay okay lang.

Kayleen:
Gago.

Lala:
Chat mo na lang ako pag pupunta ka na dito.
Read 7:40 AM

8:00 AM

Lala:
Bro may good news ako sayo:)

Andrie:
Ano yun ate?

Lala:
Mag sstay si Kayleen dito sa bahay ng buong linggo.

Andrie:
What?are u serious ate?

Lala:
Seryoso ako bro, nag-away na naman mga magulang niya eh, gusto ata magpalamig muna.

Andrie:
I hope she's okay😞

Lala:
Sana nga okay siya.

Lala:
Pero bro may ginawa ako hahaha

Andrie:
Ano yun ate?

Lala:
Sinabi ko kay Kayleen na kayong dalawa lang dito sa bahay, nagdahilan ako na may pupuntahan ako mamayang gabi para masolo mo siya dito sa bahay and di rin uuwi sila mom and dad this week atsaka pinauwi ko lahat mg maids natin.

Andrie:
Wth did u really do that ate?

Lala:
Yes bro, para sayo gagawin ko lahat.

Andrie:
Ate baka magtaka na si Kay.

Lala:
Hindi yan, atsaka sinong Kay?

Andrie:
Si Kayleen

Lala:
Wew may pa nickname ka na kay Kayleen hahaha

Andrie:
Pero ate kailan siya pupunta dito sa bahay?

Lala:
Ngayon araw na ito kaya maghanda ka ng mga gagawin niyo para magkalapit kayong dalawa, take the chances na nandito siya sa bahay, baka maagaw pa ng iba.

Andrie:
Yes ate don't worry.

Lala:
Pero dahan dahan lang alam mo naman may problema ngayon yun.

Andrie:
Sure ate no prob, thanks again:)

Lala:
Welcome bro😉
Read 8:20 AM


It's YouWhere stories live. Discover now