Jose Marie "Vice Ganda" Viceral. Sino nga bang mag-aakala na ang baklang 'to ay sisikat? Tatangkilin? O 'di kaya'y susuportahan ng milyong milyon na tao.
Sa mga nagdaang taon, masasabi ko na ang dami ko nang na-achieve. Ang dami kung awards. Nakapag ipon ipon na rin naman ako. 'Yung mga hangad ko noon, hindi na mumuting pangarap na lang ngayon.
Kahit pala nasa 'yo na halos lahat, nabibili mo na ang mga gusto mo, may hahanapin at hahanapin ka pa rin talaga 'no? May kulang pa rin.
Sabi nila, may iba't ibang uri ng pagmamahal. Mayroon pa nga noong Agape, Philautia, Eros, at kung ano ano pa. Ang weird nga eh, kapag nagmahal kailangan may specific na type? Ang hirap din talaga minsan isipin kung bakit may mga ganoon eh.
I've been hurt so much in the past kaya dumating talaga sa punto na hindi na ako naniwala na may pagmamahal na para sa akin.
Hindi naman sa kiniwestyon ko ang plano ng Diyos pero sino nga ba naman ang magmamahal nang tapat sa isang Vice Ganda? Sino nga ba naman ang kayang ipagmalaki ang tulad ko?
Ang hirap mabuhay sa mundong mapanghusga. Sa lipunang walang ibang ginawa kundi ay punahin ang pagkakamali mo. Nakakatakot. Nakakapanghina.
Parang kada galaw mo, mayroong naka bantay sa'yo. Gustuhin ko mang hindi ito isipin, ngunit pinasok ko ang karera na 'to. Ang karerang laging hahadlang sa kaligayahan ko.
Ang dami kung gustong gawin pero ang bawat galaw ko ay limitado. Limitado kung saan ako pupunta, kung ano ang aking gagawin, at limitado ang aking dapat na sabihin. May mga kailangan akong protektahan.
Sanay naman na ako sa mapanghusgang lipunan, ngunit ang mahal ko sa buhay ang husgahan? parang ang hirap naman noon. Usapan ako lang eh, bakit kailangan idamay 'yung ibang tao? bakit kailangang damay 'yung mga taong mahal ko?
Tangina ako na lang kasi. Pwede bang ako na lang 'yung mahusgahan? Pwede bang ako lang 'yung masaktan? Pwede ba sa akin na lang lahat? Tanggap ko naman na eh. Lagi ko namang sinasabi na sanay na ako sa lipunang kinabibilangan ko, pero kailan naman masasanay 'yung puso ko na, walang sino man ang kayang mahalin ako nang totoo ng dahil lang sa mundong 'to?
Masakit, masakit, masakit 'yung sakit. Sobrang sakit, hindi ko mawari ang sakit.
Taray ng linyahan natin ah? Ilang sakit kaya 'yung nasabi ko sa spoken na 'yun? Ilang luha kaya 'yung iniyak ko sa pagmamahal na 'yun? Pero wala eh. Kailangan nang tapusin. Kailangan nang itigil. Kahit labis ang pagmamahalan, kung mundo na ang nagsasabing itigil na 'to, wala ka nang magagawa kung 'di ay sundin lamang.
Tama nga siguro 'yung sinasabi nilang, kapag mahal mo pakawalan mo at kapag masakit na itigil na 'to. Hindi yata magiging sapat ang pagmamahalan kung mundo ang iyong kalaban at kung puro na lang sakit ang nararamdaman.
Sa totoo lang, ang sakit isipin. Ang sakit isipin ng lahat ng 'to. Kung gaano ka-taliwas ang mundo sa kaligayahan ko. Kung gaano ka-komplikado kapag minahal mo ang isang Vice Ganda.
Sa mundong 'to, ang mahina ang laging talo. Kaya matagal na rin ata akong talo? Sa bawat ngiti at pagpapasaya ko sa mga tao, ako naman 'tong mahina. Ako naman 'tong hindi masaya. Ako naman 'tong kaunti na lang ay bibigay na.
Ang hirap magpanggap. Ang hirap ngitian ang bawat taong makakasalubong ko at gagawin ang nakasanayan ko, ang pagpapatawa. Ang hirap kasi alam ko sa sarili ko na kabaliktaran ng aking ipinapalaganap, ang sakit ng aking hinaharap.
Parang wala akong character na pinoportray. I will just be a clown everyday. I'm not gonna be a wife. I'm not gonna be a husband. Habang buhay na lang ba ako magiging clown?
BINABASA MO ANG
Sophrosyne (ViceIon)
General FictionSophrosyne (n.) a heathy state of mind, characterized by self-control, moderation, and a deep awareness of one's true self, and resulting in true happiness. This is a ViceIon fan fiction one shot story. Completed by: March 31, 2020