Chapter 1

30 3 0
                                    

Chapter 1

5:40PM na nang mag-dismiss ang professor namin sa Strategic Management. Sobrang bagal na nga ng oras tuwing discussion niya tapos nag-overtime pa! Kung hindi ako yamot, 'di ko alam kung ano ako ngayon. Habang discussion niya nga ay ilan ang mga nagsisilabasan, kunyari mag-c-cr pero halos fifteen-twenty minutes nasa labas! Nakita ko pa nga sa IG story ni Dean na nagawa pa niyang magyosi sa Antonio pero ang paalam niya mag-restroom siya. Ang kapal ng mukha!

"Ano, Belle? Dinner tayo? Nag-aaya sila Keith, eh," aya sa'kin ni Yana na bakas din ang pagkayamot sa time namin kay Sir Sam. Ini-story ko pa nga nung mahuli kong nakatulog siya at minention siya. Mukhang 'di pa niya nakikita dahil 'di pa niya ako minumura.

"Kunwari ka pa. Kilig ka lang, eh." Kinurot ako ni Yana at agad namang nalukot ang mukha ko sa hapdi ng kurot niya sa tagiliran ko. Inasar lang naman nang konti dahil alam kong crush niya si Keith!

"Aray! Parang tanga naman! Nananakit!" Reklamo ko sa ginawa niya at inambahan siya.

"Ano nga? G ka ba, ha? 'Di na lang kasi sumagot agad imbis na nangaasar ka d'yan!" Sa sobrang bayolente namin, both physically and verbally, nagugulat ako na hindi pa rin kami FO ngayon. Lagi kaming garapal at below the belt sa isa't isa pero best friend pa rin namin ang isa't isa. May saltik talaga kami pareho, eh.

"Saan ba muna kakain? Ayaw ko sa mainit at yamot na yamot ako ngayon," maarte kong sambit habang naglalakad kami palabas ng room. Nasa labas na rin sila Dean at Keith, mukhang hinihintay kami.

"Chezron sana kaso maarte ka kala mo anak mayaman. Ay, anak mayaman ka nga pala talaga." Tignan mo 'tong bitch na 'to! Ang dami na namang sinasabi! Sasagutin lang naman 'yung tanong ko.

"Hoy, Dean, etong kaaway mo maarte ayaw daw sa mainit kaya pass na sa Chezron. Ano, saan tayo nito?"

Tinignan ako nang nakakaloko ni Dean na para bang may gusto na namang sabihin sa'king 'di ko magugustuhan. Since nakaakbay siya kay Keith ngayon, agad kong kinuha ang phone ko at nilagay sa camera at tinapat sa kanilang dalawa.

"Ano ba! 'Yan ka na naman sa kadugyutan mo! Sarap mong baldugan!" Bayolenteng reaksyon ni Dean nang ma-gets ang gusto kong gawin kaya agad na lumayo kay Keith. Si Keith naman ay natawa na lang.

"Bahala ka d'yan! Basta hanggang 'Sarap mo' lang ang narinig ko. True naman. May tama rin palang lumalabas sa bunganga mo, Dean." Namula ang mukha ni Dean sa asar. Sarap talaga pikunin nito kasi namumula 'yung mukha hanggang leeg at tenga! Sobrang puti kasi kaya halatang-halata 'yung pamumula, eh.

"Sige, umebas ka pa, Belle. 'Di kita sasamahan sa dance cover na pinag-usapan natin! Bwisit ka." Tinaasan ko siya ng kilay at inirapan.

Etong si Dean kung makaasta akala mo walang image na kailangang alagaan. Siya kasi ang King Tiger ng buong batch namin ngayon. Star player kasi  ng basketball team ng university namin tapos ang alam ko ay anak mayaman din ang isang 'to kaya 'di ko gets bakit ang galing sa bardagulan.

"Eh 'di 'wag! Ikaw lang ba kilala kong marunong sumayaw? Mag-basketball ka na lang, doon ka lang naman magaling!" Pabalang kong pangaasar sa kaniya na siyang mas ikinapula ng mukha niya. Tignan mo! Ang sarap talaga inisin!

"Bakit? 'Yang mahahanap mo bang bago mas ma-bu-boost 'yung followers mo? Nakakahiya naman sa two million followers ko 'yang ipapalit mo. Eh, alam ko namang kaya ako 'yung kinulit mong samahan ka sa cover mo dahil habol mo 'yung followers ko. Clout chaser!" I made face all through out his dialogue.

"Tama ka naman, Dean, pero 'wag ka. May sikat na nag-follow d'yan kay Belle kanina! 'Di hamak na mas popular sa'yo! Doon pa lang, ma-bu-boost na 'yung followers niya. Finollow pa lang siya noon, ha." Pagdedepensa sa'kin ni Yana kahit na medyo double-edged.

You & HimDove le storie prendono vita. Scoprilo ora