"Sino?" Sabat ni Keith. Ito talaga sobrang chismoso rin.

"Blake Charoensuk!" Sabay naming sagot ni Yana. Halata ang pagkalito sa mukha pareho ni Keith at Dean.

"Popular tapos 'di ko kilala?" Sabi ni Dean na halatang nagyayabang at nangiinis. Inirapan ko lang siya. Wala ako sa mood mag-explain, medyo nagugutom na rin ako.

"I-search mo na lang mamaya. Ano? Saan ba kasi kakain? Ang dami-dami niyong sinasabi!" Inis kong tanong. Ang tagal-tagal mag-decide!

"Luh? Kami na nga mag-a-adjust sa'yo, ikaw pa 'tong ma-attitude!" Sagot ni Dean kaya agad ko siyang hinampas.

"Pasmado 'yang bibig mo!"

"'Yung sa'yo ba hindi? Nananakit pa! Sumbong kita sa SWDB, eh!"

"Oo na nga! Saan na nga kasi? Ang tagal-tagal!"

"Sa Rarjap na lang tayo! Sa V.Concepcion lang 'yon nang matapos na 'to!" Sa wakas ay nagdesisyon si Keith. Agad kaming naglakad pababa at lumabas na sa building namin. Ilang lakad lang ay nakalabas na kami sa gate at tatawid na papuntang V.Concepcion.

Napahilamos ako sa mukha nang tumigil pa si Keith at Yana sa tindahan malapit sa Rarjap.

"'Di ba pwedeng magyosi kayo pagkatapos kumain? Nagugutom na 'ko!" Reklamo ko na 'di nila pinansin kaya wala rin akong choice kung hindi hintayin silang matapos.

"Ikaw, Dean?" Aya ni Keith kay Dean na nasa tabi ko ngayon.

"Pass, bro. Nakaisa na 'ko today," pagtanggi ni Dean. Siguro dahil athlete siya kaya very controlled ang bisyo niya.

"Pasalamat ka nga at 'di ko pinakita kay Sir Sam kanina 'yung story mo na nagyoyosi ka. Sabi mo 'Sir, CR lang po.' tapos makikita ko nasa Antonio ka na at nagyoyosi. Ano kaya 'yun?" Pangiinis kong muli sa kaniya. Pamatay oras lang dahil nga naghihintay akong matapos 'tong si Keith at Yana sa bisyo nila.

"Kupal ka 'pag ginawa mo 'yon," walang emosyong sagot ni Dean. Ayos din sagot nito, ah. Wala akong masagot doon, ah.

"Oh, ano? Natameme ka? Wala ka pala, eh. Magyosi ka na lang kasi!" Pangaasar sa'kin ni Yana kaya pinanlisikan ko siya ng mata.

"Wala akong barya," simpleng sagot ko.

"Problema ba 'yon? Spot kita!" Si Keith na agad akong binilhan ng yosi. Bumuntong hininga ako bago kinuha ang inaabot na stick sa'kin ni Keith.

"Pahiram lighter," sabi ko kahit na may lighter naman ako kaso tinatamad akong kunin sa bag ko.

Agad na humugot sa bulsa si Keith at Dean pero naunang maglahad si Dean kaya sa kaniya ako lumapit. Sinilaban niya 'yung lighter niya kaya yumuko na lang ako kaysa kunin 'yon sa kaniya. Pero nang i-la-light ko na yung stick ko ay agad niyang pinatay 'yung apoy ng lighter niya.

"Parang tanga naman talaga! Nakakapikon ka!" Hinampas ko pa siya nang humalakhak siya. Bakit ba trip na trip akong bwisitin ng isang 'to ngayon?

"Eto na, eto na! Masyado kang nagbabaga, kaibigan. Chill ka lang!" Sabi niya nang natatawa-tawa pa bago sinilabang muli ang lighter niya.

Pinanlisikan ko muna siya nang mata bago yumuko para ipakitang pag pinag-trip-an pa niya ako ay maiinis na talaga ako sa kaniya. Mas tumawa lang siya at inilapit pa sa'kin ang lighter niya.





Habang naghihintay kami ng order namin sa Rarjap ay pare-pareho kaming busy sa mga cellphone namin. Nag-notify sa'kin na in-add na ni Yana sa story niya 'yung huli cam ko sa kaniya habang StraMa. Nakita ko ring may minention sa'king story si Yana kaya pinanood ko. Kanina lang 'yon nung binibwisit ako ni Dean habang ni-la-light niya 'yung yosi ko. Naka-mention din kay Dean 'yung story.

Medyo nakatalikod ako sa video kaya hindi masyadong halata kung anong pinag-aawayan namin ni Dean. Basta kitang-kita kung gaano ako naging bayolente at pikon dahil sa hampas ko sa kaniya at kung gaano siya katuwang-tuwa na napikon niya ako.

Agad kong in-add 'yon sa stories ko at nag-caption. "Ikaw lang nakakapikon sa'kin ng ganiyan. Sarap mong bigwasan!"

Nang dumating ang mga order namin ay kumain kaming agad.

"Galit galit, ah? Walang nagsasalita? Gutom na gutom?" Si Keith nang mapansing ang tagal na naming tahimik at nagsisikain lang. Natawa kaming lahat, minura pa ni Dean si Keith. Magkatabi sila ngayon at nasa harap namin sila ni Yana nagaasaran.

Pi-picture-an ko sana sila, naka-ready ang phone ko at nakatapat sa kanila nang may mag-popup na notification galing instagram.

"Putangina, Yana! Putangina talaga!" Inalog-alog ko pa si Yana na nasa tabi ko kaya naman nahulog 'yung dapat na isusubo na niyang karaage.

"Ikaw ang putangina! Pwede namang tawagin ako nang maayos, nangaalog pa!"

"Baliw tignan mo kasi! Nag-react si Blake dun sa story mo na in-add ko sa'kin! Ayan, oh! Nag-send nung haha na emoji! Shet, sis! Nag-pe-pay off na pag-fa-fangirl ko sa kaniya, ha! May pa-react na nga sa story ko!" Tuluy-tuloy kong lintanya habang kinikilig.

"Sino ba kasi 'yang Blake na 'yan? Kilig na kilig ka na naman! Gwapo ba 'yan?" Ani Dean na jina-judge na naman ako gamit 'yung ekspresyon sa mukha niya.

"Pinakagwapo sa lahat, 'wag kang umepal d'yan," I said nonchalantly. Masyado akong kinikilig sa emoji ni Blake para mas bigyang pansin ang sinabi ni Dean. "Pero thank you na rin sa'yo. Dahil sa pambibwisit mo mukhang napasaya ko 'tong si Blake."

"Ewan ko sa'yo. Weirdo ka!"

You & HimWhere stories live. Discover now