Prologue
Sitting at the corner back of my classroom during our break time, I wore my earphones and pressed the play button of the current BL series I am watching. As I watched, I cannot help but smile and be giddy at the kilig scenes.
"Hoy, babae! Nanonood ka na naman ng espadahan?" 'Di ko namalayan na nasa tabi ko na pala si Yana, best friend ko at isa sa mga kakaunting tanggap ang aking interest.
"Oh, gulat na gulat ka na naman! Sabi ko sa'yo 'wag ka dito sa classroom nanonood ng ganiyan. Nung minsang nahuli ka ng mga lalakeng blockmates natin, halos malukot mukha nila sa judgment sa'yo!" Inirapan ko siya at nagpatuloy sa pinapanood kong BL. Bagong series ito ng favorite ko na Thai BL actor, si Blake.
"Fluff lang naman 'to! 'Wag ka ngang OA," pabalang kong sagot kaya naman hinila niya ang earphones sa tenga ko.
"Fluff? Fluff pinagsasabe mo! Alam ko 'yang series na 'yan, nabasa ko na novel niyan. Fluff sa simula pero pag sila na, ay naku! Schlop schlop everywhere na 'yan!"
I immediately turned to her with a wide, knowing smile.
"Weh?! Seryoso?! Buti naman dahil nakukulangan na rin ako sa aksyon dito, ha! Mga anong episode sa tingin mo magsisimulang maging maaksyon 'to?" Sunud-sunod kong sabi na punung-puno ng excitement.
Fluff is really good, smut is better, but fluff and smut together is the BEST!
"Tignan mo 'to. Kaya ka walang jowa, eh! Puro ka yaoi, puro ka BL. Natatakot sa'yo 'yung mga lalake sa paligid mo. Lagi mo silang shini-ship sa isa't isa!" Inirapan ko ulit siya at sinuot ang earphones ko para ipagpatuloy ang aking panunuod.
"Alam mo, kung magkakaroon lang din ako ng jowa na 'di gusto 'tong hobby ko, 'di na lang ako magjojowa. Nauna kong mahalin 'to kaysa siya. 'Wag siyang epal," iritado kong sambit pero agad ding nangiti dahil sa fluff scene ni Blake at ni Ram, ang kaniyang leading man. Pangalawang series na nila ito bilang bida dahil talaga namang ang lakas ng kanilang chemistry!
"Shet, sobrang power top talaga ni Blake, 'no?" Napatingin ako kay Yana na nakikinuod na pala sa'kin. Akala ko umalis na siya kasi tumahimik siya, 'yun pala ay nakikinuod ang gaga!
"Oh, eh 'di nakinood ka ring gaga ka! Dami-dami mo pang sinabi sa'kin kanina. Pero true, sobrang power top ni Blake. I can't imagine a world na magiging bot siya!" Tumawa ako nang makahulugan kaya naman napatingin sa'kin ang mga blockmate ko na kumakain ng mga binili nilang snacks sa Dapitan.
"Dito ka na naman nanonood ng ganiyan!" Sigaw ni Dean, kaklase kong ubod ng gwapo kaya shini-ship ko sa mga lalakeng nakikita kong kasama niya lalo na roon sa best friend niyang si Keith na napaka-cute!
"Ano bang pake mo? I-drawing ko kayo ni Keith nang naglalampungan, eh!" Sigaw ko sa kaniya na mapangasar. Agad na nalukot ang mukha niya at 'di na lang ako pinansin. Ayan! Manahimik ka kung 'di mo naman ako hahayaang picture-an kayo ni Keith nang medyo... sensual.
I-p-play ko na sana ulit 'yung series nang biglang nag-popup 'yung notification ko galing IG.
@blakecharoensuk started a live video
Agad-agad ko 'yong pinindot.
"Pota, sis! IG live ulit siya! Napapadalas siya, ha! Kahapon nakadalawa siyang live! Well, 'di naman ako nagrereklamo. Sobrang gwapo niya lalo 'pag candid siya!" May pahampas-hampas pa 'ko kay Yana habang hinihintay na mag-load 'yung IG live ni Blake.
"Oo na! Makahampas naman 'to! Naiintindihan mo naman ba siya, ha? Raikantopini lang yata alam mo, eh!" Napahalakhak ako sa sinabi ni Yana.
