Chapter 6: Punishment

Start from the beginning
                                    

"Gwapo ka sana, mayabang ka naman," sambit ko. At tinitigan ko siya ng maigi, hanggang mapunta ang aking mga mata sa kanyang mapupula't maninipis na labi. Ang sarap tuloy niyang halikan—este wala-wala, ano ba 'tong pinag-iisip ko. Erase! Erase! Hindi ko na malayan na matagal ko na palang tinitigan ang kanyang labi. Nanlaki ang mata ko at bigla akong napa-atras ng may sumilay na isang ngisi sa kanyang labi, at minulat ni Zack ang kanyang mga mata.

Nekekeye nemen!

"Baka matunaw ako sa mga titig mo Miss baduy," Gulat akong napatingin kay Zack.

"A-Alam mo? Kanina ka pa ba g-gising?" Nagkanda-utal na sambit ko.

"Yes, actually kanina pa ako gising, babangon na sana ako, pero nakita kong tinitigan mo ang gwapo kong mukha, kaya nagtulog-tulogan muna ako," Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Napa-iwas ako bigla, dahil sa hiya.

"At tsaka kung nagwa-gwapohan ka talaga sa 'kin Miss baduy, pwede mo namang picturan 'tong mukha ko, para mas matagal mong matitigan," Napa-iwas na naman ako, dahil na naman sa sinabi niya. Nakakahiya talaga! Narinig niya pa sinasabi ko. Aishhhh!

"And lastly.... kung gustong mo akong halikan, edi halikan mo ako, I'm more than willing to kiss you back passionately. Well, good night Miss baduy." Nakangising sabi ni Zack, sabay kindat sa 'kin. At lumabas na ng kotse. Namula ako sa sinabi niya at nakatulala saglit.

Hanggang nakarating na kami sa bahay, nakapagligo na, at kumain sa kusina, dahil hindi kami nakakain kanina dahil sa nangyaring away namin ni Zack. Kinabahan ako bigla dahil hindi pa ako pinapansin ni kuya, simula pa lang nangyari ang throwing game kanina. Hindi niya ako inimik. Muk'ang hindi naman siya nagagalit sa 'kin o di kaya hindi niya ako parurusahan, eh nag-enjoy din naman sila ni ate Zyla kanina eh. Tanging mga kubyertos lang ang narinig ko habang kumakain kami ni kuya. Pag ganitong atmosphere, hindi ko mapigilang hindi kabahan, dahil usually pag-ganito si kuya hindi ako pinapansin dahil may kabalustugan akong nagawa dati no'ng hindi pa siya pumunta ng Korea. Pagkatapos ng hindi pag-imik niya sa'kin, parusa ang kasunod.

Bigla akong napapikit no'ng naalala ko, no'ng nakipagsuntukan ako sa mga kaklase kong mga lalake, ay na principal office ako nun, dahil biglang nahimatay ang mga kaklase kong lalake dahil sa suntok ko, at nalaman ni kuya 'yon, siya ang pumunta sa principal office dahil wala sila mama at papa. Hindi niya ako inimik o pinansin, at pagkatapos nun, bigla nalang akong pinarusahan. At ang lupit pa ng parusang ibinigay niya sa 'kin, ikaw ba naman patakbuhin ng 3 kilometers, at ang lawak pa naman ng subdivision namin, at si kuya? Aba! Pamotor-motor lang habang binabantayan ako, at tumatawa pa siya! At dahil doon, muntik na akong di makalakad. Kaya kinabahan ako bigla, kung parurusahan niya ba ako. Ano na kaya this time?

Pagkatapos kumain ni kuya tumayo nadin siya, napatingin ako sa kanya.

"K-kuya, d-diba hindi mo ako parurusahan?" Kinabahang tanong ko. Tumingin si kuya sa 'kin.

"Bukas nalang tayo mag-uusap tungkol diyan," tugon ni kuya habang paalis na.

"Eh, kuya naman eh, edi sinasabi mo din na parurusahan mo ako," nagpapadyak na sabi ko.

"I said, bukas nalang tayo mag-usap tungkol diyan, at pagkatapos mong kumain, matulog kana gabi na," sabi ni kuya at umalis

The Fearless Woman (OnGoing)Where stories live. Discover now