"Hindi ako sasama sayo bukas, may binabalak ka na naman." At tinalikuran ko siya.

Papunta na ako sa kwarto ko at hahawakan na sana ang door knob ng magsalita ulit siya na mas lalong nagpakaba sakin.

"Sasama ka sakin o ibubulgar ko?" And then she smiled like a fvcking idiot.

Wala na akong ibang choice kundi sasama sa kanya bukas. Baka sabihin niya pang ma----- weyt ba't naman ako sasama sa kanya bukas eh hindi naman totoo na may gusto ako Kay Zach.

Pumunta ako sa balcony ng kwarto ko at agad sumalubong sakin ang banayad na hangin.

The view looks so peaceful. Dad knows me too well kaya niya pinili ang pad na 'to. Makikita mo agad ang mga punong sumasayaw dala ng hangin habang bumababa ang araw. This is my favorite time. Golden hour and then the sunset approach. It feels serenity.

It's been five months since I cut my communication with Zach. Half of me was regretting of what I did but the other half tells that's the best decision that I do.

Ang hirap niyang iwasan lalo na noong may nangyari. Ilang beses niya akong sinubukang kausapin ngunit ako na mismo ang naghahanap ng paraan upang hindi yun mangyari. I sighed. I should forget those scenes. It's been a long time and maybe he had already a girlfriend or he's married? I don't know. Hindi naman siguro mag krus ang landas namin bukas.

"Brin, it's already 8 kain na tayo!" Natauhan ako ng marinig kong sumigaw si Ana at tiyaka lumabas at pumunta sa kusina.

Tulala ako habang kumakain at iniisip kung ano mangyayari bukas.

Hindi ko hahayaang maapektuhan ako sa kung ano man ang mangyari kinabukasan. Pananatilihin kong matatag ang loob ko sa abot ng aking makakaya.

Is that even possible? I laughed on my own thoughts. Mukhang kinain ko ang sinabi ko kanina. Napaka liit lang ng panahon na magkasama kami subalit ganon na kaagad kalalim ang nararamdaman ko sa kanya. This is Fvck!

As the day passed by without him or without hearing his voice is torture. But I'll endure it. I should prepare myself.

Nawala ako sa iniisip ko ng may tumalsik na tubig sa mukha ko na may kasama pang kanin.

What the hell?

Tinignan ko ng napakasama si Ana habang nakangisi lamang siya sakin.

"Kadiri ka Anaaaaa ! Yayks pano kung may bacteria yung saliva mo ha? O kung may sakit ka tapos nahawa ako?" Sinimulan ko ng maghilamos dahil kadiri talaga. Nanlalagkit na yung mukha ko.

"Lalim kasi ng iniisip mo Brin. Wala ka namang isip. Char! Ano ba kasi yang iniisip mo at stressed na stressed ka ha?"

"Nevermind. Don't mind me." at pinagpatuloy ko ang paghilamos sa mukha ko.

Huminga ito ng malalim na animo'y hindi ko siya maloloko. "There's bothering you Brin. C'mon you can tell me."

"Pag ba sinabi ko sayo hindi mo sasabihin sa iba? hindi mo ako kakantiyawan? I doubt. Mukha mo pa, mukha kang siopao na flat."

"Nope. I'm your bestfriend slash kapatid slash buddy and such. Soooo, yeah even though I'm siopao but hey I'm not flat, I have big boobs. Duh inggit ka lang kasi flat ka." At inirapan niya ako.

"Whatever. Back to the topic----" I stopped midway when the door buzz.

Tumingin naman ako kay Ana ng nagtataka.

"Do you have visitors Ana?" I asked.

Nagkibit balikat lang ito at tiyaka tumayo at pumunta sa pintuan. Sumilip naman ako kung sino ang bisita and to my surprised it's the birthday boy. Niligpit ko muna ang pinagkainan namin bago ako sumunod sa labas.

"Oh, I just dropped off here to say something and I want the two of you to be there tomorrow. 7pm."

"Sure, thanks for inviting us Bodhi. Buti gabi ang celebration, may trabaho kasi kami ni Brinley bukas ng ugma hanggang hapon and pwede naman kaming umabsent kinabukasan if we're going to be wasted. Kuya naman na ni Brinley ang nag hahandle ng pinagtrabahuan namin kaya keri lang."

Wow gusto talaga ako netong patayin ni kuya, ano?

He laughed lightly and then looked at me. "I expect you to be there Brin. It's my birthday." At tinignan niya ako ng makahulugan.

"Sure."

Sumaludo naman siya sakin bago siya hinatid ni Ana sa labas. It takes them 10 min before nakabalik si Ana.

"What took you so long?"

"Wala. We just talked something na para lang samin, na bawal sayo." Whut ?

"And why is that? Ano nga pinag usapan niyo?"

"Bukas mo na malalaman Brin. We have something for you." Tumayo ito sa kinauupuan bago niya tinapik ang balikat ko.

"Ano nga ana ? Napaka daya mo naman, sinasabi ko nga ang sa akin tapos pag ikaw bawal? Unfair!"

"Secret ngaaaaa!" And she sticked her tongue out.

I sighed and pressed my eyes tight. This will be bad. I swear. May kutob na 'ko ih!

*****
BORROWED TIME

Borrowed TimeWhere stories live. Discover now