"Ahh oo nga po hindi ko din kasi alam na dito mag stay hindi ako nainform baka umuwi yun"

Biglaan naman kasi ang pagtulog dito hindi din naman sinabi ng mga ito na overnight actually magstay daw ng 1 week dito para makapag pahinga at relax.

"Ayy siya nga pala Tita Regina yung make up artist baka mamayang 9 ang dating para maayusan tayo and para makapag picture din"
Nakangiti pa niyang sabi at mga matang parang may sinesenyas

Parang my something ang mga ito!

"wait antaray mypa pictorial at pa make up pa,bongga ba ang wedding"
Pagsingit ko pa sa kanila

Yung hindi ko nga kilala ang ikakasal pero bongga my pa make up

"Syempre naman heredera ata ang ikakasal at tsaka hindi pumayag ang magulang ng babae na tipidin kaya sobrang bongga ng kasal"
Ani pa ni Mommy

Wow parang kilalang kilala ang ikakasal

"Kilala mo Mommy"

"Oo anak sobrang kilala"

Edi wow sila na mykakilala

Nahiwagaan naman ako sa bride

"Oh siya kumain na kayo at baka dumating na ang make up artist"

Naiwan naman akong mag isa sa kwarto habang inaalagaan ni Yang si Elli

Kailangan daw kasi ako ang pinakamaganda dahil madaming magaganda doon baka daw mahumaling si Eric

Oh diba supportive ang fmily and friends ko.

Kaya ako naman itong paniwala agad ay sinunod sila

Nandito na din naman ang mga make up artist dalawa kasi kinuha nila yung isa sakin at kay Yang then yung iba sa isang make up artist

Pag nakilala ko yung bride talaga ewan ko nalang pero ang swerte niya.




"Mam dito po sa side ang tingin"
Ani pa ng photographer sakin

Yung tipong para ka ng napag titripan

Unang una nagtataka ako bakit mukhang pangkasal ang gown ko tapos sila pare pareho ang kulay tapos iba iba lang ng style

Pangalawa para akong bride na kinukuhanan ng picture para sa video seryoso

Kulang nalang isipin ko na ako ang ikakasal.

"last na po Mam"

"Wait pwede kasama ko yung anak ko"

"Sige po Mam"

Kaagad ko namang kinuha kay Mommy si Elli na bihis din

Naks ang anak ko parang baby boss

Pinag tuxedo din kasi ni Eric para daw pareho sila

"Smile my 4th "

4th kasi siya yung pang apat na lalaking minahal ko,siya yung pang apat na lalaki at lubos na bumihag sa puso ko.

First si God
Second si Daddy
Third si Eric
And my fourth si Elliot Zane

"kami naman"
Matapos kaming kuhanan ng litrato ni Elli

Nagsilapitan naman ang mga babaeng siyang naging sandalan ko sa mga pagsubok na dumating sa buhay ko

Si Mommy na laging nakaalalay sa mga desisyon ko sa buhay at laging nagbibigay ng gabay sa bawat pagsubok na dumadating sakin. Never nanawang mahalin ako at suportahan sa lahat.

PERPETUITY Where stories live. Discover now