Interview with Ms. Neto

Start from the beginning
                                        

Sa mga sinabi ni Miss Neto wala parin talaga akong naintindihan. Hindi ko mafigure out kung anong connection ng mga pinagsasabi niya. Kung sino ang tinutukoy niya kung bakit sinasabi niyang marahas ang lipunan at selfish.

"Si Renato, yung nasa picture, siya yung tinutukoy ko." Enlighten me please Miss Neto paliwanag mo lahat.
"Biktima siya ng malupit na lipunan, tinanggalan siya ng kalayaan. Hindi nila pinaranas ang matagal na gusto niya. Maging ang pamilya niya hindi nila ibinigay ang kalayaan na gusto niya.

"Ano ba ang gusto niya?" Napatigil siya dahil sa tanong na inihain ko.

"Simple lang naman ang gusto niya, ang maging masaya" ang maging masaya...umalingaw ngaw ang mga salitang yun sa isip ko.Ngayon unti-unti na akong naliliwanagan at nagtagpi tagpi na ang mga sinasabi niya pero malabo parin. Malabo pa rin eh. Siya yung nandito ngayon pero bakit si Renato Dela Cruz ang sentro ng kanyang kwento.

"Masaya na ba siya ngayon Miss?"

"Oo, masaya na siya, tanggap na siya ng pamilya niya at ng lipunan"

"Where is he now Miss?"

"Ha, Who?" May dementia o kaya alzheimers ba to kasasabi lang eh. Parang naguguluhan siya eh.

"Si Renato Dela Cruz" sabi ko sabay crossed arms. Hindi pa siya makakasagot nang may pumasok na babae. Si Tina.

"May I remind you Lisa, your article for tomorrow dapat na mapublish bukas or else mapapagalitan na naman tayo kay boss, Thank you and sorry if I interfere you with Miss..."

"Neto" sabat ni Miss at tuluyan nang umalis si Tina sa harapan namin at tuloy ang usapan.

"So where is Renato Dela Cruz" curios kong tanong sa kanya sa pagaakalang maliliwanagan na ako ng husto.

"WALA NA SIYA...."nagulat ako pero di pa siya tapos magsalita

"She is here with you" natakot at nagulat ako na baka nasa likuran ko o kaya sa tabi ko ha. Patay na si Renato na ikwinekwento niya at bakit She ang sinabi niya sa kaniya.

"Wala na si Renato Dela Cruz. Si Renè Dela Cruz na siya. At kaharap mo siya ngayon.
Ako to ang dating Renato Dela Cruz na hindi tanggap ng pamilya dahil iba ang aking kasarian. Hindi tanggap ng lipunan dahil wala raw akong maiaambag kundi ang pag memake up, pagdedesign,pagtuturo ng mga sayaw at pagrampa rampa lang daw. Ako to ang dating nabubully ng mga tao. Binubogbog dahil ayaw nila sa akin. Pinagchichismisan ng mga tao dahil nga ganito ako." Nagbabadya na naman ang luha ni Miss na nahahawa na naman ako. Hindi ako makapaniwalang siya yunh kwinekwento niya kanina. Paanong..

"Lumaban siya kaya nakalaya ako, naging matapang siya kaya nakalaya ako sa anino at sa maskara na pilit akong linalamon. Inisip niya ang kasiyahan niya at hinarap ang takot niya sa kabila ng sasabihin ng tao. Nakalaya ang isang personang nais makawala sa tanikala tulad ng isang malayang ibon na naipagaspas ang pakpak palabas sa kanyang hawla. Lumaban si Renato Dela Cruz at nabuhay si Renè Dela Cruz. At isa na akong ganap na transgender" I was shocked with her spoken words magkahalong lungkot at saya ang nakita ko kay Miss Net..ay hindi si Renè pala. Napahanga niya ako sa ipinakita niyang tapang sa kabila ng mga pinagdaanan niya. I can feel that she is really free now at masaya na siya.

Do what makes you happy and be brave to face the unknown

Bigla kong naalala ang motto ni Miss Neto ay hindi si Renè pala. Ngayon napagtagpi tagpi ko na ang mga kwento niya. Napahanga niya talaga ako ng sobra. Nakakainspire at nakakalakas ng loob at first time palang akong nakarining ng ganitong kwento. Swak na swak ito sa article na gagawin ko at maipapublish bukas.

"Thank you Miss Rene, such an inspiring story, tama nga si boss it is something worth sharing" akmang papalabas na siya nang may biglang nagpop up sa mind ko na tanong.

"Before you go, Why do you call yourself Miss Neto whereinfact Renato este Renè ang pangalan mo" Akala mo makakatakas ka talaga sa akin huh. Kanina ko pa gustong tanungin yan pero ngayon lang natyempo at muntik muntikan pang makalimutan.

"Remember I am now Renè today. Nene na ako ngayon. In the past I am Renato. Toto ako noon. Nene at Toto. Inshort NeTo" she gave me grin and suddenly pull the doorknob and go as if nothing happened and I was left astounded and flabbergasted with the story she left.

"Good job Lisa, you made it" Sir Sebastian said.

"Thank You Sir" I replied

Banawag Magazine
Feature page
March 28,2020

Nang si Nene ay nabuhay dahil si Toto ay lumaban
ni: Lisa Hernandez

*THE END*

Please follow me guys for more one shot stories
Vote or comment
If gusto niyo siyang i-critic. I accept constructive criticism but not hate.

@lonerknight

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 12, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Interview with Ms.Neto(One Shot)Where stories live. Discover now