Scenario #7

23 4 0
                                    

"Joy bored na ako, gusto ko ng gumala huhu"

"Hay nako teh manahimik ka jan sa bahay mo kung ayaw mong magquarantine sa kalye."

"Eh kasi naman nalibot ko na ata buong bahay namin pati nga bodega namin nilibot at nalinis ko na."

"Ay teh suggest ko sayo gawin mo yung mga pinagtatag ko sayong games sa ig story at myday."

"Eh nakakatamad naman yun eh."

"Seul di ko na problema kung bored at tamad ka nagsuggest na ako ng gagawin ayaw mo lang."

"Nagawa ko na nga ang lahat."

" Teh kung pwede lang kitang sabunutan ngayon ginawa ko na, gagacca di mo pa naggagawa lahat noh.

Remember yung slambook mo nung highschool, yung pinapasulatan mo sa mga crush mo nung 4th year tayo, try mo kayang pagtripan yung mga yun at ng di ako ang iniistorbo mo dahil may jowa po akong kalandian."

Napairap ako sa sinabi nya,
"O edi ikaw na may jowa so guguluhin ko na lang kayo hahahahaha."

"Potacca gurl ldr na nga kami haharang ka pa, wag ganun, gawin mo na lang yung sinasuggest ko at least alam nating di ka makacatfish jan lalo na't kaklase naman natin yang mga yan dati, malay mo may mahanap ka ng ka-ldr mo hahahaha"

"wow advance ka magisip ha pero paload muna, ayoko lumabas eh, wala na din akong pera sa gcash hahahaha."

"Gurl hahampasin talaga kita sa pasukan makita mo, sige na sige na loloadan na kita, utang to ha, pero libre na pag nagkajowa ka hahahah."

"Ayo.." di ko na natuloy kasi binaba nya na agad ang tawag.

Katamad kasi magtype amp, sana kasi tamaan na ako ng kasipagan jusko magiging kaisa ko na itong kama ko kung di lang ako naliligo at kumakain araw araw eh.
Di naman ako ganito katamad sadyang parang ansarap lang matulog kaso di kaya ng katawan ko ang matulog ng isang buong araw madalas kasi akong gising kaya di sanay ang katawan ko.

Pagkatapos kong maligo pumunta ako sa closet ko para hanapin ang mga luma kong gamit, sa sobrang sentimental ko kumpleto pa lahat ng mga notebook at laruan ko dito. Hinanap ko yung notebook na sinasabi ni Joy buti na lang at iba ang kulay neto at may kaliitan kaya alam ko kung saan makikita agad.
Graduating student ako kaya lalo akong nabored dahil tapos ko na ang ibang gawain sa klase tapos wala pang   online class, at si Joy lang ang kaibigan ko kaya wala akong ibang mapagbuntungan ng boredom ko.

Binuksan at iniscan ko na ang notebook para tingnan kung sino pwedeng biktimahin/ lalandiin  dahil iilan na lang sa kanila ang single at ang iba eh may jowa o kaya may asawa na. Hindi naman talaga puro crush ko ang nandito kase buong klase ang nakapagsulat dito para hindi halata kay crush. Buti na nga lang at uso na nun ang cp di gaya nung elementary ako na telephone number ang nilalagay.

Sinesave ko ang mga number nila sa phone ko habang nagiiscan para madali na lang mangprank andito nga rin lumang number ni Joy, kinabahan pa ako kasi baka may matawagan ako tapos iba na pala ang gumagamit diba.

Una kong prinank yung maingay sa klase namin si Jackson at Yeri, parehas ko silang sinendan ng chain messages.

Si Jackson parang tangang tumawag at dinadasalan ako. Tawa tuloy ako ng tawa kaya napatigil sya sa pagdadasal.

"Taena Jack wala kang kupas, bat mo ba ako dinadasalan, si Seul to issa prank."

"Taena ka rin Seul, isusumbong kita sa jowa ko kita mo." may kasama pang OA na pagngawa nya.

"Sus samahan pa kita eh hahaha nice talking to you Jack, sige na at busy ako, next time wag ka nagpapaniwala sa mga chain message ha." with matching tawa pa yan tapos narinig ko naman siyang pinagmumura lang ako.

Close To MeWhere stories live. Discover now