Scenario #1

99 5 1
                                    

"Engineering tinetake ko bakit ako gagawa ng tula tapos english pa" reklamo nya habang naghahanap sa library nang pwedeng gawing inspirasyon sa gagawin nyang tula sa isang subject.

Magaling sya sa math kaso pag usapang literature and arts parang natutuyo ang utak nya, di sya makapagproduce ng creative juices.

Habang naghahanap ng librong pwede nyang pagkunan ng inspirasyon, nararamdaman nyang kanina pa may matang nakamasid sa kanya.

Mukha man syang tatanga-tanga mabilis naman syang makaramdam sa paligid nya in short malakas ang tiwala nya sa gut feelings nya slash feelingera sya .

Nang kukunin nya na ang librong naisipan nyang gawing inspirasyon ay may nauna nang humawak rito.

Napaangat sya ng tingin at napaatras nang mapagtantong ito ang lalaking kanina nya pa napapansing nakatingin sa kanya.

"IKAW!!!" malakas na bulalas nya na dahilan upang takpan ng lalaki ang bibig nya.

" Ang ingay mo, wala pa naman akong ginagawa." bulong ng lalaki

"Ano !!" inis na bulong ng dalaga at nagmamadaling umalis sa harap ng lalaki.

'Bahala na, gagawa na lang ako ng tula sa kung gaano ko kaayaw sa mga lalake' sa isip isip nya tutal nadagdagan na naman ang dahilan ng pagkainis nya sa mga lahi ni adan.

Sa lalim ng iniisip nya muntik na syang masagasaan buti na lang at nahatak sya ng taong dahilan ng inis nya.

"Seulgi alam ko ang creepy ko kanina para mainis ka, pero wag mo naman isakripisyo buhay mo, ako ang natatakot para sayo, di pa nga ako nagtatapat sayo tapos mawawala ka na agad. Di naman tayo nasa loob ng isang Kdrama para may mamatay na isa sa atin..... blah blah blah" anang ng lalaking dahilan ng pagkainis nya.

Sa dami ng sinasabi ng lalaki ang tumatak lamang sa isip nya ay ang pasimpleng pagtatapat ng damdamin nito para sa kanya. Unti-unting sumilay ang ngiti sa labi ng babae na dahilan ng paghinto ng lalaki sa pagsasalita.

Lumakas ang kabog ng dibdib ng lalaki ng makitang inabot ng babae ang kamay upang pormal na magpakilala at magpasalamat.

"Hi, I'm Seulgi Kang, Engineering student, nice to meet you and thank you na rin pala"

"Ah eh Hi Seulgi, I'm Jinyoung Park ng College of Fine Arts, ang matagal mo ng secret admirer/stalker char hahaha baka matakot ka sakin soldier na lang pala para cool pakinggan."

Close To MeOnde histórias criam vida. Descubra agora