Ako ay isang manunulat
batid koy kaalaman at kasiyahan
sa inyo aking mga mambabasa'y
sana ang gawa ko'y suportahan.
Paksang lilikumin ko'y
panay tungkol sa karukhaan
nawa'y di ninyo pagsawaan
mga tula kong pinaghirapan.
Pamumuhay, estilo, pakikibaka
sa kahirapan, korapsyon, at sistema
ng gobyerno, pulitiko't mga may kaya
sila'y naaapi't natatapakan na.
Batid ko'y baka nais ninyong itanong
paano ko masusulat ang tula,
na karukhaan ang paksa?
ako'y galing din riyan, mahal kong mambabasa.
Paalala ko lamang
bago ko ito wakasan,
pagnanakaw ay mali
subukan mo lang, sa akin ika'y yari.
PLAGIARISM IS A CRIME
Isinulat ni Mikay, babaeng makaluma na pinanganak sa modernong panahon.
2020
YOU ARE READING
Dukha
PoetryLikom ng mga tula at prosa patungkol sa pamumuhay, karanasan, mga suliranin, at pakikipagbaka ng mga dukha laban sa kahirapan at iba pa. Sabay nating saksihan ang pag-usbong ng modernong literatura na pupukaw sa damdamin ng mga mambabasang kapwa ko...
