Kabanata 14

5.2K 108 10
                                    

Kabanata 14


Lap


I let out a heavy sigh when I decided that I should go back inside. Tanghali na rin at naiinitan na ko dito sa labas. It's been a week since I woke up, but I still don't know my real story.


Binibisita naman ako ng doktor tuwing ikatlong araw para suriin ang kalagayan ko pero iyon at iyon lang din ang sinasabi niya. Maghintay lang daw ako at huwag kong pilitin ang sarili ko na makaalala.


Iritado akong naglakad habang iniisip ko pa din ang sitwasyon ko. Paulit-ulit lang ang mga senaryong nakikita ko sa utak ko, nakakasawa na. Nagtatanong naman ako kay Atlas at sinasagot niya naman ang lahat ng iyon pero bakit pakiramdam ko'y may mali pa rin?


"Eris, saan ka ba nagpunta? Kanina ka pa hinahanap ng Señorito," bungad kaagad ni Manang Dely sa akin pagkaupo ko sa sofa.


"Nagpunta lang po ako saglit sa dalampasigan. May kailangan daw po ba siya sa akin?" magalang ko namang sagot habang pilit kong pinupunasan ang butil ng pawis sa aking noo.


"Ang mga lalaki, hindi napapakali kapag wala sa tabi nila ang mga asawa nila," sagot naman sa akin ni Manang bago iabot ang tissue.


"Saka mukhang ang dami niyang ginagawa kaya bakit hindi mo puntahan sa kwarto niya?" dagdag pa ni Manang.


Noong mga nakaraang araw ay napansin ko nga na parang pagod na pagod ng kaniyang mga mata. Kailangan ko ba siyang puntahan?


"Nagdadalawang-isip ka?" sambit ulit ni Manang kaya't napasinghap ako at tumayo kaagad.


"Hindi po. Iniisip ko lang kung anong pwede kong gawing meryenda niya," ngumiti naman si Manang sa naging sagot ko.


"Kanina ko pa siya dinadalhan doon pero tumatanggi siya. Hindi din siya nag-umagahan dahil wala ka naman dito sa bahay kanina,"


Kumunot naman kaagad ang noo ko. Bakit hindi siya kumain kahit wala ako? Saka nasa labas lang naman ako kaya pwede niya naman akong tawagin.


"Mukhang ikaw lang ang kailangan niya ngayon," nakangiting sabi pa ni Manang sa akin.


"Sige na. Puntahan mo na ang asawa mo," she added.


Wala akong nagawa kundi tumango at dahan dahang umakyat pataas. Ano ba kasi ang ginagawa niya ngayon at pati pagkain ay hindi niya na magawa?


Huminga muna ako ng malalim bago kumatok sa pinto ng kaniyang kwarto. I repeated for a couple of times bago niya ako pagbuksan.


He was so surprised to see me. Natanaw ko ang dami ng papeles sa loob ng kwarto niya kaya't napatingin ako sa kaniyang mga mata.


"Hindi ka kumakain," panimula ko.


Enduring the Pain (Surigao Series #1)Where stories live. Discover now