"Ang ganda mo Love"
Manghang mangha pa niyang sabi

Parang ewan talaga,natulala sa kagandahan ko

Well ganyan ang alindog ng isang Angelina hindi nawawala at mas bumobongga pag nagkaka anak

"Love ano tulala ka nalang diyan mala late na tayo"
Pag tawag ko pa sa kaniya

Lumapit ako sa kaniya para kunin si baby

"Love wait picture muna tayo"

Agad naman niya kinuha ang cellphone niya at umakbay sa akin habang buhat ko si baby.

If hindi ako nagkakamali ito ang pangalawang picture naming tatlo ang una kasi ay nung nanganak ako

Hindi namin kasabay sila Mommy dahil sila ang punong abala sa reception mamaya syempre naman bongga dahil nag iisang anak namin PA si Elli and we want actually the whole family the best for him because he is our Angel!

Pagkarating namin sa simbahan ay sakto lang din ang dating ng pari nandun na din ang mga ninong at ninang syempre hindi mawawala ang bida bida naming friends,si Aïs and her friend,ang mga biritera naming friends na siyang mga ninang ni Elli and si Nathan na siyang isa sa mga bigating ninong.

Can't help myself when I saw them staring at us while walking infront of them

Parang ikakasal lang kami ni Love na sabay maglalakad sa altar kasama si baby,actually we're planning for our wedding pero hindi pa sa ngayon dahil yun ang desisyon ni Love.

Elliot Zane Santos 💚

After ng binyag ay nagderetso kami sa private resort kung saan gaganapin ang handaan na prinepare nila Mommy nabigla pa ako na grabe pala talaga ang paghahanda nila ni Daddy and Yang as in kumpleto

Cakes,foods,candy buffet,popcorn and cotton candy cart meron ding mga clown

Mabuti pala at sa kanila ko pinaubaya dahil kung ako nag intindi baka kagulo ito haha

"Bal pwede ko bang buhatin si baby"
Ani pa ni Aïs

Syempre naman isa sa pinaka bonggang ninang ito

"Oo naman ikaw pa ba sige lang"
Ani ko at inalalay na buhatin niya si Elli

"Sobrang cute ng baby Z ko,sana magkaroon din si Ninang ng katuad mong angel"
Pakausap pa niya sa anak ko

"Oo naman bal dadating din yung angel mo soon kaso hindi ka magkakaroon ng Angel kung walang jowa kaya mag boyfriend ka muna"
Pandadaot ko pa

"Ehem anong boyfriend aber?Love diba sabi mo bata pa si Aïs kaya wala muna boyfriend"
Nakanguso pang singit ni Eric

Kahit kailan talaga ang isang ito parang kabuti bigla nalang nasulpot

At magaling umalala ha

"Oo nga sabi ko yun noon pero ngayon tingin ko naman pwede na diba bal"

"Oo naman maghahanap na nga ako"
Natatawa pa niyang sabi

"Naku parang wala pang isang taon ng sinabi mo yun Love bilis naman"

"Isa pa Eric ha,pwede na nga gusto daw kasi niya ng Angel like Elli"

"Alam mo Goy magboyfriend kana nga kasi"

"Aba nga mga bida bida with doctora and baby Elli namin bakit kayo nagkakagulo"
Pagsingit naman ng bida bidang si Yang

"Wala naman pinag uusapan ka namin"
Pandadaot pa ni Aïs

Heto na ang kaingayan mag uumpisa na

PERPETUITY Where stories live. Discover now