AMKP 5#

1.1K 24 0
                                    


AMKP 5#

Faded

************

Sunday ngayon.

Second Sunday na wala si yhuri.

1 week na din siyang walang paramdam.

Kaya pinuntahan ko siya sa bahay nila ngayon.

Yung malapit lang dito sa amin.

Pagdating ko, sakto nasa labas yung kasambahay nila, binati naman ako nito.

At agad niya din binungad sa akin na wala si yhuri.

1 week na din. Sa iba na raw ito umuuwi.

Sa bahay ng Lola niya. Yung malapit sa school.

Kaya nung umagang yun.
Pinuntahan ko siya doon..

Alam ko naman din kung saan yun.
Naka punta na ako dun ilang beses na din.
Na meet ko na din yung Lola niya.

Mga 9am nang pumunta ako dun.
Sakto naman may nakasalubong akong kababata niya.
Sinamahan ako nito.
Siya pa rin mismo yung tumawag kay yhuri.

" O aga mo naman yata pre. 2pm pa yung laro dba?" rinig kong sabi ni yhuri sa kaibigan niya.

" Hindi kasi pre. Anoo?.. " tumingin ang kaibigan  niya sa gawi ko.

Sinundan naman ni yhuri ang tingin nito.
At doon na niya ako nakita.
Halatang nagulat siya nung makita niya ako.

" Ah cge pre, sinamahan ko lang si cza dito. Maiwan ko na kayo a. Cge cza. " sabi nung kaibigan ni yhuri sa amin.

" Wag kang umalis. Dito ka lang. " seryosong tono ng pagkakasabi ni yhuri dun sa kaibigan niya.

Saka lumapit si yhuri sa akin.

" Anong ginagawa mo dito? " tanong niya sa akin.

Hindi ako makapagsalita. Dahil nagulat ako sa tanong niyang yun.

Bakit ganito ang pakitungo niya sa akin?

" May sasabihin ka ba................ kung wala makaka-alis ka na. " tumalikod naman ito sa akin at akmang aalis na.

Kaya nilabas ko na lahat ng lakas ko para masabi ko ang mga dapat kong sabihin.

Hindi pwedeng ganito lang kami ni yhuri.

" Pero...... yhuri. Ano bang nangyayari? Isang linggo kitang hindi nakita. Bakit? May problema ba? May problema ba tayo ha? Kasi kung meron diba dapat pinag uusapan natin hindi yung ganitong umiiwas ka sa akin. " yan ang mga salitang masakit para sa akin na hindi ko mabitawan dahil hindi ko matatanggap kung may problema nga kami ni yhuri.

Wala ako maisip na nagka problema kami.

Umasa ako na may sasabihin siya tungkol sa nangyayari sa kanya pero wala umasa lang ako.

" Mark pakihatid na lang siya. " sabay pasok sa bahay nila.

Dahil Pinagtabuyan niya lang ako.

" Cza. Tara na. Pagpasensyahan mo nalang siya. Hindi ko din alam nangyayari sa kanya. Hindi naman nagkukwento yun. Pero basta ang alam ko, pagpupunta sya dito sa bahay ng Lola nya, eh sigurado may problema yun. "

Ang Martyr kong Puso (completed)Where stories live. Discover now