"I'm fine," I replied.


"You're not fine," kontra niya sa akin bago niya ulit tinawagan ang doktor.


He started talking to the doctor while I am just here, sitting on my bed, watching him losing his mind because I have a fever.


"Thank you, Dr. Rosales," paalam niya sa kaniyang kausap bago muling ibaling ang kaniyang atensyon sa akin.


"Your doctor is on his way now. Nakuha na din niya ang resulta sa mga ginawang test sayo kanina," baling niya sa akin at nakinig lang akong maigi.


"Kaya ikukuha muna kita ng pagkain," biglaan niyang dagdag.


Pagkabalik niya'y kasama niya na si Manang. May dala itong mga basang towel at siya naman ang may dala ng pagkain.


"Here," sambit niya habang nasa tapat ng bibig ko ang kutsara.


Anong plano niya? Susubuan niya ako? Hindi naman ako baldado para hindi magawang kumain mag-isa.


"Kaya ko na," sabi ko at akmang aagawin ko na sa kaniya ang kutsara pero inilayo niya ito sa akin.


He glared at me and I just rolled my eyes at him as my response. Tinulungan ako ni Manang na makasandal sa headboard ng kama at unti-unting pinupunasan ang mukha ko ng tuwalyang binasa ng maligamgam na tubig.


"Manang Dely, ako na," singit ni Atlas.


Binigay naman sa kaniya ni Manang at napangiti ito habang pinapanood si Atlas na marahang hinahaplos ang aking mukha ng basang towel. Ngayon ko lang napagtanto na hindi ko pala alam ang pangalan ni Manang. Kung hindi pa sinasabi ni Atlas ay hindi ko pa malalaman.


Maya-maya'y tumigil siya at kinuha na ni Manang ang mga atuwalyang nagamit na.


"Bababa na muna ako. Mukhang nandiyan na rin si Berto sa klabas," sambit nitoo at tumango lamang si Atlas bilang pagsang-ayon. Buti na lang at alam ko na ngayon ang pangalan nina Manang at Manong.


"Open your mouth, kid," utos naman bigla ni Atlas sa akin.


Napairap na lang akong muli ngunit sinubo ko pa rin naman ang kutsara na may lamang lugaw.


"I am not a kid, Atlas," reklamo ko ngunit tinaasan niya lang ako ng kilay habang patuloy akong pinapakain.


Nakakalahati ko ang lugaw nang dumating si Dr. Rosales na mabilis namang tiningnan ang lagay ko.


"Nabigla ang katawan mo kaya't nilalagnat ka ngayon, Mrs. Del Prado,"


"It's Eris. Call me, Eris," putol ko sa kaniya.


Napatingin naman sa akin ang nurse ngunit nag-iwas lamang siya ng tingin nang makitang nakatingin din ako sa kaniya.

Enduring the Pain (Surigao Series #1)Where stories live. Discover now