CHAPTER 6

159 7 0
                                    

Franki's POV

Pagkatapos ko magsalita ay bumalik na ang lahat sa kanya-kanyang gawain. Si Diana naman ay nagsimula narin mag practice habang ako medyo na stock parin kasi nabigla rin ako sa nasabi ko at hanggang ngayon iniisip ko parin kung masama ba ang naging dating nito para sa lahat.

Mga ilang sandali at nag break muna kami, bigla naman akong nilapitan ni Lou "Franki, ayos ka lang ba?" -Pagtatanong nito saakin. Tinignan ko muna ito bago ako sumagot sakanya. "Oo naman! Bakit? Panget ba naging dating ng sinabi ko kanina?" -Pag balik tanong ko naman dito. Bigla naman syang napatawa bago sumagot. "Hindi naman. Pero nakakagulat lang na nagsalita ka ng ganun." -Pag sagot nito habang tumatawa parin. Bigla naman itong napatigil sa pag tawa ng makita nitong seryoso ako habang nakatingin sakanya. Pagkatapos namin magusap ni Lou ay umalis na rin ito sa tabi ko saka bumalik sa iba pa naming mga kasama na nag kkwentuhan ng mga kung ano-anong bagay. Habang nakaupo parin ako ay kinuha ko naman ang aking tubig iinom na Sana ako ng makita ko si Diana na papalapit saakin bumibilis ang tibok ng puso ko pero hindi ko alam kung bakit parang may hinahabol na kung ano. Nagulat na lamang ako ng sobrang lapit na nito saakin. "Dia---"-Pag bigkas ng bibig ko. Pero hindi pa ako natatapos sa pag sasalita at bigla naman akong nagising sa katotohanan. "Franki, Franki? Excuse, kukunin ko lang phone ko." -Pag sasalita nito. Bigla naman ako napatingin sa banda kung saan nya tinuturo yung kamay nya sa likod ko pala andoon yung bag nya. Bigla naman ako napausog at saka nya kinuha ang bag nya. Nakatingin lang ako kay Diana habang kinukuha nito ang phone nya sa bag nya. Binuksan muna nito ang phone bago nya sinara ang bag nya kaya nakita ko na Ang dami nitong notif sa phone nya. Bigla naman ako napatingin sa malayo ng makita ko na patingin na ito saakin. Ng mapansin ko na nakatingin parin ito ay tinignan ko nalang ulit sya na parang walang nangyare. "Pwede? Excuse ulit. Sorry!" -Sabi nito. Bigla naman ako napatango at napausog. Pagkatapos nito ay nag thank you sya sabay alis hindi ko alam kung bakit ako nalulungkot dahil parang hindi nya manlang ako kinakausap kahit na alam nya naman na sya lang yung pinaka malapit saakin dito. Gusto ko sana sya lapitan kaso naisip ko na wag na kasi parang busy naman ito sa cellphone nya.

-----

Pagkatapos ng practice namin ay nagkayayaan naman ang lahat na gumala muna. Isa isang tinanong ni Niko kung sasama ba "Sorry Niks, susunduin ako ni babe." -Pag papaalam ni Lou. Maya-maya pa ay biglang tinanong naman na nito si Diana. "Pass muna ako brother, may kailangan pa ako asikasuhin." -Pag sagot naman nito. Medyo nalungkot naman ako kasi gusto ko sana sumama kung sasama si Diana pero parang nawalan narin ako ng gana. Maya-maya ay may dumaan ng bus at nakita ko na sasakay na di Diana kaya bigla narin ako nagpaalam sa mga ito. "Niko sorry hindi ako makakasama." -Pag papaalam ko rito. Bigla naman ako tumakbo pasunod kay Diana at bigla naman sumigaw si Niko. "Ayos lang! Ingat kayo." -Pag sagot nito galing sa labas. Pag pasok ko naman sa loob ay biglang nakita ng mata ko na nasa bandang likod si Diana at umupo na ito. Nag lakad rin naman ako kung saan ito nakaupo pero nagdadalawang isip ako kung tatabi ba ako sakanya o hindi. Bigla naman huminto ang bus para magsakay ng iba pang pasahero at nung makita ko na marami-rami ito ay umupo na agad ako sa tabi ni Diana. Bigla naman itong napatingin saakin na para bang nagulat. "Oh! Kala ko sumama ka sakanila?" -Pag tatanong pa nito. Bigla naman ako napatango ng hindi sabay napangiti ng kaunti. Habang nasa byahe kami at nababalot ng katahimikan at traffic ay bigla ko nalang itong kinausap. "Dianer, yung kanina pala. Sorry ah!" -Pag hingi ko ng tawad dito. Bigla naman itong tumingin saakin na parang nag tataka kung ano ang sinasabi ko. "Huh? Sorry saan? -Pag tatanong nito. Napakamot naman ako ng ulo bago tuluyang sumagot. "Kanina yung sinabi ko sainyong lahat nung dumating ka." -Pag sagot ko naman dito na medyo nahihiya. Natawa naman ito saakin "HAHA ayos lang yun! Hindi na nga namin naalala yung sinabi mo eh. HAHA!" -Pag sagot naman nito. Mga ilang sandali pa ay traffic parin kaya naisip ko na mag phone nalang muna dahil kailangan ko pa replyan si David.

Habang nag ttype ako dahil kausap ko si David ay bigla naman ako nagulat kay Diana. "Wow ganda ng ngiti ah! Sino ba kausap mo. Bf mo?" -Pag tatanong nito habang nakangiti. Nagulat naman ako sa tanong nito at iniisip ko kung sasabihin ko ba ang totoo o hindi. "Ahhh, Oo. Hehe" -Maikling pag sagot ko naman dito. Nagulat naman ako ng mawala ang ngiti sa mga labi nito. "Nice! Nice..." -Ayon na lamang ang nasagot nya. Pagkatapos nito magsalita ay ibinaling na lamang nito ang tingin nya sa bintana.

Diana's POV

Pagkatapos nga sabihin ni Franki na bf nya ang kausap nya ay wala nalang ako ibang nasabi kundi nice. Bigla ko nalang binaling ang tingin ko sa bintana at tinignan nalang ang daanan. Nasaktan ako dahil kausap nya ang bf nya pero alam ko naman na wala akong karapatan kaya naman mas pinili ko na manahimik nalang at tiisin ang sakit.

Mga ilang minuto ay dumating na ang bus namin sa recto kaya naman napababa na kami ni Franki. "Dito ka rin pala no?" -Pag tanong ni Franki saakin. Napatingin naman ako dito bago tuluyang sumagot. "Ahh, Oo. Pero minsan lang kasi palagi kami sabay ni Kia eh. Pero may daan rin dito pauwi." Napatango-tango naman ito. Habang nag lalakad kami ay bigla nalang ako nagutom kaya naman bigla ko kinausap si Franki. "Tara! Kain tayo!" -Pag-yaya ko rito. Bigla naman itong napatigil "Diba meron ka pang mga gagawin?" -Pag tatanong nito saakin. Oo pero, madali lang naman na yun kaya kaya ko yun kahit abutin pa ako ng madaling araw. Pumayag narin naman ito kaya nagpunta kami sa isang fast-food para kumain. Habang kumakain kami ay marami kaming napag kwentuhan tungkol sa mga buhay buhay namin at nag kwento rin sya sakin about sakanila ng bf nya na si David. Mag tatatlong taon na sila ni David pero LDR sila nito kaya bihira lang sila kung magkasama. Pagkatapos naman naming kumain at mag usap at napag desisyonan na naming umuwi. Inabot na rin kami ng 8pm kakakwentuhan sa sobrang hindi namin namalayan ang oras. Pinauna ko na si Franki sumakay bago ako umuwi. "Bye Dianer! Ingat ka!" -Pag papaalam nito saakin. Nginitian ko lang ito sabay kaway saka narin ako umuwi.


-----------------------------------------------------------

A: Maraming salamat po sa pag babasa at sa mga bumoboto. Just keep reading gays! Love y'all!🤟🏻💜💖

CLOSER U & I (FrankiAna)Where stories live. Discover now