Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
***
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
BOY
27 years old
Writer/Photographer
Life status: Masaya. Dating masaya.
Happiness? Walang ganon. Sa mundong ito kapag sumaya ka saglit may lungkot na kapalit kaya mahirap sumaya. Mahirap maging totoong maligaya. Kaya katulad ng saya hindi na rin ako naniniwala sa tadhana, yung tipong may dadating na taong akala mo siya na pero darating ang araw na bigla nalang magsasawa at mawawalan ng gana. Parang yung ex ko, lumitaw nalang bigla at naglaho din ng parang bula. Sabi nila walang bayad magmahal at maging maligaya pero bakit ang hirap pala? Kailangan pa bang masaktan para lang sumaya? Kailangan pa bang maging tanga para lang manatili siya? Ang hirap namang mabuhay sa mundong ito. Ang hirap magpanggap na masaya ka kahit na ang totoo ay durog na durog kana. Paano maging masaya kahit saglit? Paano ngumiti ng hindi pilit?
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Girl
25 years old
Nurse
Life status: Masaya. Masaya naman ako. Akala ko masaya pa ko.
Habang nakatitig sa mga alon ng dagat napapaisip nalang ako kung bakit bigla nalang nawala? Sabi ko, okay lang. Masaya. Kaya ko pa. Pero lahat ng iyon akala ko lang pala. Siargao, dito tayo pumunta para malinawan, mapagisa at makatakas sa kalungkutan ng mundo. Ngunit bakit ganon? Bakit sa pagbalik ko dito ng magisa hindi pa rin ako iniwanan ng mga ala-ala nating dalawa? Dito ang lugar kung saan tayo nagiging malaya ngunit sa puntong ito nakakulong ako sa mga tanong na pilit kong binabato sa mga alon na humahalik sa ulap. Mga tanong na tila lumulunod sa akin araw-araw at ang bawat hampas ng alon na ito ay isinisigaw ang pangalan mo. Okay naman ako. Okay naman tayo. Akala ko okay pa tayo. Ang hirap palang maging masaya lalo na kapag ang mundo na mismo ang pumipigil sayo. Kaya sa pagalis ko dito hindi na ako babalik. Ayoko ng makita ang mga alon na nagpapaalala sa akin kung gaano tayo kasaya noon. Ayoko ng makita ang dagat na nagpapakalma sa akin sa mga panahong nilulunod na ako ng mga tanong na hindi ko nasabi sayo noon. Hindi na ako babalik sa Siargao. Ayoko ng magsinungaling sa sarili ko. Masaya ko. Sana sumaya na ulit ako.
Sabi nila ang buhay ng tao ay parang isang malaking dagat na dapat marunong kang lumangoy sa alon ng panahon. Ngunit paano nalang kung ang bawat alon nito ay patuloy kang tinatangay patungo sa ala-ala ng kahapon at unti-unting nilulunod sa mga pangakong binitawan niya noon?
***
Hi friends! Thank you for giving my story some of your spare time. Yes, ito ang first wattpad story ko so please support haha. And yes, sa beach po ang settng ng istoryang ito. This is a eight-chapter short story. Di ko pa tapos isulat but I will upload one chapter every week ( or maybe 2-3 chapters if sinipag ang author niyo hahah) so watch out for that. This short story also includes some poems made by yours truly.
I hope you enjoy reading the intro part. Please leave a comment or tweet me. Love lots!