CHAPTER 3: Atrocious or Righteous?

Start from the beginning
                                    

"H-ha? B-baka nagkakamali ka l-lang? Baka sister lang niya 'yun." Sabi naman niya at tila pinapakalma ang kanyang sarili.

"He kissed her, Natalia. What made me shocked pa dahil tinignan niya ako after niyang halikan yung babae, at yung babae naman tinignan din ako. Ngayon mo sabihin sa akin na sister lang niya iyon. That's incest then." Sabi ko naman sa kanya at nakikita kong nanginginig yung tuhod niya, tumulo ang luha niya.

"I can't. Ha? Alam kung kakain sila sa labas, ang sabi pa niyay family ang kasama niya?" Sabi niya at yinakap niya ako habang humahagulhol. I can't see her face while crying. Maiiyak din ako. But I remained calm and comforted her

"Talk to her Natalia, hindi dapat pinapa-iyak ang mga babaeng tulad mo. You were being pure with him, pero siya naman, nang gagago? Talk to him ha? ASAP, I will stand for you, ako yung mag dedepensa sa iyo, kung gusto mo pa'y kunin 'yung footage ng cctv ng buffet house, sasamahan kita." Sabi ko sa kanya, I have given her empathy, dahil ang sakit tignan na umiiyak siya over an asshole. He doesnt deserve any drop of tear from this beautiful soul infront of me.

"Thank you for telling me, I believe you, matagal na din akong nakakahalata sa pinagkikilos niya these days. I just love how pure you are, kahit alam ko naman na may pagtingin ka sa kanya pero tinulungan mo pa din ako." Sabi niya at namula ako doon dahil sa kahihiyan.

"Hoy! Andiyan ka lang pala, kanina pa kita hinahanap" sabi naman ni mama, andami niya nang nakuha na school supplies.

"Iha? Bakit ka umiyak? Inaway ka ba ng anak ko?" Nagaalala namang tanong ni mama at nilapitan niya si Natalia.

"Ay hindi po, may napag-usapan lang kami ni Veronica tita, hehe" sabi naman ni Natalia, si mama naman ay nakahinga ng maluwag.

"Kumain kana ba? Sumabay ka nalang sa amin, baka pwede kita ma bigyan ng advice? Alam mo ba noong high school pa ako, naging sikat ako dahil sa pagbibigay ng advice sa mga ka school mate ko noon" heto na naman si mama. Hays, ang daldal talaga.

"Will it be okay po ba?" Takang tanong naman ni Natalia and she took a glance at me. Tumango ako at nginitian silang dalawa.

Binayaran na namin ang aming pinamili at si mama ay kwento pa din ng kwento sa kung anong naganap noong panahong high school student pa siya.

"Oh, tara na? Saan niyo ba gustong kumain?" Sabi naman ni mama

"Kahit saan nalang po." Nahihiyang tungo naman ni Natalia.

Kumain kami sa isang Thai Restaurant at nag order na din si mama. Nag simula na kaming kumain at ayun nga. Naikwento ni Natalia ang kawalang hiyang ginawa ni Francis sa kanya, habang ako, dinidepnsa ko naman si Natalia at tila'y tango lang ako ng tango sa mga rants ni Natalia.

Si mama naman, galit ito at nang gigil na ito dahil lantang lanta na ang gulay sa kanyang plato.

"The audacity! Sa ganda mong iyan, linoko ka pa? You know what? Advice ko lang? Tell him, confront him, make things clear with him, look deeper to his eyes. Find any emotion you can describe. I feel so sorry for you iha, basta wag mo lang talaga patagalin, kasi bibigat lalo ang nararamdaman mo, kaya't mas mabuti nang maaga para ma release mo ka agad yung mga hinanakit mo." Sabi naman ni mama sa kanya, tumango lang ng tumango si Natalia.

Nakuha ng aming atensyon ang dalawang tao na tila'y parang mga linta sa kakadikit. Ang nakapagpasakit lalo ng puso ni Natalia. Si Francis at ang babaeng White Lady. We named her that, kasi ang puti niya naman din, hindi na din insulto.

"Ok ka lang? Kung hindi mo pa kaya pwede sa ibang panahon nalang." Sabi ko sa kanya at malapit ma bulwak ni mama ang kanyang kinakain ng narinig niya ako.

"P*ta?! Yan ba sila?!" Galit na turan ni mama, at tumango lang si Natalia. Pero ang nakakagaan ng loob ay hindi na namin nakita si Natalia na umiyak.

"Gusto mo putulan natin ng ari?!" Sabi naman ni mama. Tumawa kami pareho.

"Hindi napo tita, ako na ang bahala." Ngumiti siya sa amin at kinuha niya ang plato at kutsara niya.

Lumakad si Natalia papunta sa lamesa ng dalawa at hinulog ang kutsara sa gilid ng lamesa, nakakuha ito ng atensyon sa dalawang taong naglalampungan. Nagulat naman si Francis at tumayo ito sa gulat.

"Sorry for the interruption." Sabi niya at binigyan niya ang dalawa ng matamis na ngiti.

'That's it girl! Laban lang! That's how you finish a realationSHIT' turan ko sa aking sarili habang proud na proud akong nakatingin kay Natalia at nakangiti itong bumalik sa lamesa namin.

"Let's go napo, nakakasuka ang pagkain dito, PURYA GABA" sabi naman ni Natalia at umalis kami doon, pero laking gulat namin na may humawak sa braso ni Natalia, at sino pa ba iyon, kundi ang gago.

"Wait, Natalia, let me explain, w-wala lang ito" sabi naman ni Francis at halatang halata ang mga pawis na dumadaloy sa kanyang noo.

'That's right, dapat kilabutan ka sa panggagago mo' sabi ko naman sa aking sarili.

"Ha? Sino po sila?" Sarkastiko namang turan ni Natalia kay Francis. Gusto ko sanang tumawa ng malakas but I just don't want to end the momentum that Natalia's making. You go girl!

"Oh come on, Natalia, wala lang ito" sabi naman niya at nagulat kami ng nag salita ang babae sa likod ni Francis

"Babe? Sino siya?" Sabi naman ng babae, napakainosente nito, wala itong ka-alam alam sa pinag gagawa ng mokong na ito.

"Ha? Really? The guts! francis! Naka loko ka na naman? TALAGANG HINDI MO SINABI SA KANYA NA MAY GIRLFRIEND KA? I CAN'T BELIEVE YOU. GUYS LIKE YOU SHOULDN'T BE HERE, SA IMPYERNO KA BAGAY!!!!" sigaw naman na turan ni Natalia

"Im sorry." Sabi naman ni Francis at hindi pa din humihinto ang pawis niya sa mukha.

"M-may girlfriend ka pala?" Sabi naman ng babae at umalis habang umiiyak, pero hindi na sinundan ni Francis ang babae. Nakatingin pa din si Francis kay Natalia

"We are over. And you!" Sabi naman ni Natalia sabay turo niya sa mga taong nagkukuha ng video.

"Post it to whatever social media you all have, he should be learning his lesson through this, I can't stand seeing women be chained with your nasty self. Nakakadiri ka!" Sabi niya at umalis na kami ng tuluyan.

"That was cruel, but, it was the right thing to do " sabi ko naman kay Natalia, nagpasalamat na si Natalia kay mama at yinakap ko siya before we parted our different ways.

I went home at hinalungkat ko ka agad ang mga nabili namin ni mama. Hindi pa din ako nakapaniwala sa kadramahan na nangyari ngayong araw. It was too much to comprehend and grasp. Never have I thought that me and Natalia would be close all of a sudden.

I did my night routine and somehow ready naman din ako these coming days. I hope nothing bad will be happening.

"Never tolerate infidelity."
- Natalia Gomez
-----------------------------------------------------------

Votes?
Comments?

His Obsessive tactics: Not Anymore (COMPLETED✓)Where stories live. Discover now