Chapter 24 The Alcoholic

Start from the beginning
                                    

Kailangan pa palang i-date ko siya para lang makaupo ko sa dining table tuwing lunchbreak.

“Beybie, dito ka na lang!” sabi ni Ma’am Engracia.

Ayoko namang tumayo na naman during lunch kaya lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi niya.

“Anong ulam mo beybie?” tanong niya sa akin.

Hindi ako marunong magluto kaya bumibili ako ng ulam sa labas at mina-microwave ko na lang kapag lunch time.

“Pakbet po.”

“Gusto mo nitong ulam ko?”

Inalok niya ako ng menudo niya pero tumanggi ako, ipinilit pa rin niya sa akin at sinubuan pa ako ni Ma’am Engracia. Masarap naman ang menudo kaso di ba meron naman akong sariling kamay para gamiting pansubo.

“Ah, kukuha na lang po ako Ma’am!” sabi ko sa kanya habang pinupunasan ako ng tissue sa bibig. “Ah, Ma’am, yun po bang Ms. Sera ang may ari nitong kompanya?”

“Hindi… siya yung asawa ni Sir Serafin. Eh laging nasa site si Sir kaya siya ang tagapamahala nitong office.”

Isang Linggo siyang absent, tapos papasok for the first time ng lasing!

“Alam mo, pwede kang mag-model! Matangkad ka, maganda katawan mo, saka may itsura ka naman! Yung alaga ko kasi, yung inampon ko, fashion designer siya, baka gusto mong magmodel? May fashion show siya this weekend.”

“Ganun po ba? Ano po bang klaseng damit ang dinedesign niya?”

“Briefs!”

Nasamid ako sa sinabi niya at uminom ng tubig.

“Ah, hindi po kasi ako marunong rumampa! Isa pa, meron po akong tiyan, may bilbil po ako.”

“Patingin nga!” inagat niya bigla ang polo ko para tingnan ang tiyan ko.

Dahil sa mga pangyayari, hindi ko naubos ang pagkain ko at nawalan na rin ako ng gana.

Nang magxerox ako sa copy room, nagkaroon ako ng time to check my phone at may text si Portia, the only thing I need right now.

Have you eaten? I miss you

Simpleng text na nagbigay ngiti sa akin pagkatapos kong mawalan ng gana at manghina sa dami ng pangyayari ngayong araw na toh.

Biglang kumalabog ang pinto at ng humarap ako, si Ma’am Crisostomo ang tao sa copy room.

“Sorry ma’am, chineck ko lang po ang oras sa phone ko.” Sabi ko sa kanya dahil akala ko magagalit siya sa paggamit ko ng phone during office hours.

Subalit hindi iyon ang dahilan ng pagpunta niya sa copy room at dahilan ng pagtingin niya sa akin ng masama. Bagkos, lumapit siya sa akin at sumampay sa aking katawan.

“I really like you Conrad!”

Unti-unti siyang nagpadulas sa katawan ko hanggang kumapit siya sa binti ko habang hindi ko malaman ang gagawin ko, kung sisigaw ba ako ng rape o ‘wag po ma’am!’. Ito na rin ang ginawa sa akin ni Bebang pati na ng tatlo niyang kapatid na bakla. At si Dominic ang nagrescue sa akin. This time, it’s just me sa loob ng copy room.

Inipon ko lahat ng aking lakas para mailakad ko ang sarili kong katawan sa may pintuan nang makaalis ako sa isang kahibangan ng babae iyon!

Shet! KAILANGAN KONG MAABOT ANG PINTO!

 At dahil sa divine intervention, nabuksan ko ang pinto at nakawala sa empyerno at sa isang babaeng muntik na akong mahalay.

Dumeretso ako sa dining area para uminom ng tubig at mapawi ang anxiety ko sa mga kaganapan. Kailangan kong makaalis dito sa weird na opisinang toh! Pero paano ko magagawa yun? Paano ko makakausap ang boss kung laseng at wala siya sa sarili!

Seriously, Ngayon lang ba nakakita ng gwapong lalaki ang mga babae dito?

“Hindi ko na talaga kaya!” sigaw ko kay Portia ng sunduin ko siya sa school. “Ayoko na! Please! Ayoko na talaga! Kung ipagpapatuloy ko pa toh, kailangan ko ng abogado! Hindi ko na kaya Portia! Hindi na talaga!” sabi ko sa kanya habang palakad lakad at hindi malaman ang gaggawin.

“Relax! Conrad! Ano ba kasing nangyari?”

“Look, lagi nilang hinahawakan ang pwet ko, yung isa muntik na akong halayin sa copy room, yung isa hindi ako pinapaupo sa dining table kung hindi kami magdate at alam mo ba ang ginagawa ko 8 hours a day? Nagpupunas ng mesa at  naglilinis ng suka ng boss naming lasenggera. Yun ba ang magiging future ko? Yun ba? Sabihin mo sa akin yun ba?”

Natatawa lang si Portia sa drama kong pang-FAMAS.

“Ang gwapo mo kasi eh!”

“You don’t know what I feel? Akala mo lang madali pero hindi!”

“Kausapin mo yung boss mo.”

“Paano ko makakausap yun? Eh isa pa yung hindi matino. Ano? Ibabagsak ko na lang toh?”

“Pwede ba! Kaya mo yan! Konting panahon na lang! Give those women a chance, parang lola at nanay mo na sila. Kailangan lang nila ng konting init!”

“What?! Gusto mo talagang gawin ko toh? Portia! Hindi ako callboy!”

“I didn’t mean to say na callboy ang magiging drama mo dun! Bakit hindi mo sila kausapin, sabihin mong bawal hawakan ang pwet mo. Bakit hindi mo sabihin yun? Come on, if you quit this, sayang naman ang internship mo! Maybe this is just a test.”

“Test! Gahasain ako? Test?”

“You have a shit day today? Let’s have ice cream!”

“Oh Please! I’m not a kid!”

Pero nauwi din ang lahat sa isang apa ng ice cream, avocado flavor. Masarap din pala ang avocado flavor.

“Eh yung cream brulee? Masarap din ba yun?” tanong ko kay Portia habang kumakain ako ng ice cream.

“Hindi ko alam, hindi naman ako kumakain ng ice cream!”

“Bili mo pa ako nung isa!”

At ice cream lang pala ang sulusyon at syempre ang yakap ni Portia.

How to be your Boyfriend vol. 1&2 (On Hold)Where stories live. Discover now