Chapter 6 - Pangarap

17.2K 80 10
                                    

LIRA

Alas nueve na pero hindi pa din ako makatulog. Naaalala ko si sir Mike na nasa kabilang kwarto lang. Gusto ko siyang itext kaso nahihiya ako.

Baka sabihin sabik ako.

Buo ang loob ko na ibigay ang pagkababae ko sa kanya, alam kong sya lang ang makakatulong sa akin upang makaahon.

Si Sir Mike ay isang Head Engineer sa pinagtatrabahuan ni Kuya Jason. At dahil malapit lang ang project nila dito sa bahay ay inalok ni Kuya Si Sir Mike na mag stay sa bahay kaysa umuwi pa sa Makati kung saan and bahay nito at dahil sa nahihiya naman ito ay magrent nalang daw sya para may kita naman si Tiya Corazon.

Married na ito sa isang guro sa pribadong eskwelahan sa Makati at meron silang isang anak na babae na nagkataon na kasing edad ko din. Thirty six na ngayon ang asawa nito at eighteen lamang nang makuha niya ito at maanakan ngunit ayon sa kanya ay mahal na mahal niya.

Gusto ko ding magpa anak sa kanya at hihingi ako ng sustento para sa akin at sa anak namin. Sinabi ko naman sa kanya na pangarap kong makapag tapos ng pag aaral at handa daw niya akong tulungan. Sya daw bahala sa tuition fee ko and all expenses at ako daw bahala sa kanya sa kama. papayag ako na isekreto nalang ang aming relasyon at ibibigay ko sa kanya ang kayang ibigay ng asawa nito pagdating sa kama. Kaya ko naman yun at kakayanin ko yun para sa pangarap.

Nawala sa pagmumunu muni ang isipan ko nang biglang tumunog ang cellphone ko. Excited akong kinuha iyon upang malaman sino ang nagtext - Sana Si Sir Mike.

Laking panghihinayang ko nang isang Leandro lang pala nanggaling ang text na yun.

"Hi Lira pwede bang magusap tayo?" ayan ang text nito. Wala akong balak na kausapin ito o mag textback, he is NOT my type!

Wala akong kinabukasan sa kanya, hindi nga niya kayang itaguyod ang sarili niya at pati ako idadamay niya!

Pareho lang kaming mahirap lang at wala akong kinabukasan sa piling niya.

Don't get me wrong, Si Leandro yata ang pinaka gwapong lalaking nakita ko. Tall, dark and handsome, masipag, madiskarte at matalino.

Pero anong gagawin ko sa lahat ng qualities nya kung magugutom ako? Si Sir Mike nalang. Gwapo din naman ito may edad nga lang kaysa kay Leandro na sa tingin ko ay mga nasa twenty four palang.

"Lira please mag textback ka naman" muling basa ka sa sunod sunod na texts nito.

"Tigilan mo na ako! Di ba sabi ko basted ka na kaya tumigil ka na!" reply ko. nag antay ako ng ilang minuto sa reply nito pero wala na. Baka nasaktan ko kaya ganun. mabuti nga para tumigil na sya.





▪︎▪︎▪︎▪︎▪︎

LEANDRO'S POV

Kuyom ang palad ko mula sa pagkakasilip sa bintana ko, kita ko mula dito ang pinakamamahal kong si Lira.

Pinasadahan ko sya ng tingin, naka mini dress ito na kulay pula na ang laylayan ang hanggang sa gitna ng mapuputing hita nito.

Bumaba sya mula sa kotse ng lalake nito na nagrerenta kay Aling Corazon.

Mas lalo itong gumanda sa suot nito na wari ko ay nanggaling sa lalake nya ang pinambili ng mga gamit nito.

She looks so happy, she's smiling too sweetly to that damn man! Habang ako parang dinudurog ang puso sa nakikita ko.

Ang sakit sa pakiramdam, at ang hirap tanggapin na gugustuhin pa nya yung may edad na yun na halatang may asawa na kaysa sa akin.

Niisang lagukan ko lang ang alak na hawak ko, while painfully looking at them. Ramdam ko ang panlalabo ng aking paningin at sa pagkurap ko'y naglandas ang mapait na luha mula sa naninibugho kong mga mata.

"Damn you Lira!"

"Tara Jell mag shopping tayo sagot ko" yaya ko sa bestfriend ko.

"Aba teka san ka rumampa at may pera ka aber?" ngumiti ako at muling nagsalita "mula sa isang kaibigan natuwa sya sa akin kaya eto binigyan ako ng pang shopping tara!" hinila ko na ang kaibigan ko papasok ng mall.

Wala pa nangyayari sa amin ni Sir Mike kahit isang linggo nang nakakalipas kasi naging busy ito sa trabaho pero kahit ganun lagi kaming nagtetext at nagtatawagan. I want to keep him interested with me and I want him to fall for me even more.

While I'm still young and virgin, kailangan kong gamitin ito para sa pangarap ko.

▪︎▪︎▪︎▪︎▪︎

Thank you.

Please vote and comment.

🖤Vann

Leandro's Obsession | R18Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum