Chapter 17: Her Little Secret

554 12 0
                                    

LIRA

Ilang minuto na akong nagaantay sa labas ng subdivision nila Jell ngunit nakakapag taka at wala pa ding taxi na dumadaan.

Napalingon ako nang may bumubusina sa aking likuran.

"Hop in!" Utos ng driver ng itim na BMW XM black sapphire metallic na basta nalang huminto sa harapan ko.

"Wag na maraming taxi dito" pagtanggi ko. Bakit ba sinundan ako nito. Ang alam ko ay mag iinuman pa sila ni Senator Jackos.

"You're in a hurry right?" Muling saad nito, inilibot kong muli ang paligid umaasang may papalapit na taxing masasakyan ngunit wala man lang ni isa sa paligid.

"I bet it's an emergency" i rolled my eyes, hindi na ako muling sasakay dito.

"Hindi ko na muling uulitin ang pagkakamali ko noon Leandro" he sighed.

"Okay, I respect your decision. I'm not gonna leave unless-" hindi na nya natapos ang sasabihin nang mabilis kong hinila ang pintuan at pumasok.

"P-Please ihatid mo ako sa St. Louise Medical Center" nanginginig ang mga kamay na pakiusap ko kay Leandro. Hawak ko nang mahigpit ang cellphone ko, Tiya Corazon called up again to inform me that Gabby needs a blood transfusion.

_____

"Lira! Si Gabby kailangan nyang masalinan ng dugo kaya lang wala kaming makuha sa malalapit" hapong saad ni Tiya Corazon, sinalubong nya kami nang tumawag ako habang ipinaparada lang ni Leandro ang sasakyan.

"Si Gabby Tiya? Asan sya? P-Paanong walang makuha?" Napahawak ako sa ulo ko nang maramdaman kong pumintig ito.

"Yung pinaka malapit dalawang oras pa bago makarating dito, baka ikaw pwede mama ka naman ni Gabby" inosenteng suhestyon ni Tiya at umupo sa konkretong bangko na para bang nauupos na kandila.

"P-Pero hindi a-ako pwede Tiya" mas lalong nilulukob ng takot ang puso ko sa maaaring kahihinatnan ng anak ko.

"Anong gagawin natin, h-hindi ko na alam ang gagawin..Si Gabby Tiya.." unti unting dumausdos sa aking pisngi ang mainit na likido.

"Nasaan ang magulang ng bata?" Isang doktor ang lumapit sa amin.

"Doc, Ka-kamusta po ang anak ko?"

"Your son is in critical condition, he needs blood transfusion as soon as possible"

"I can donate" sabay sabay kaming napatingin sa lalakeng nasa likuran ko. I saw the shock in Tiya Corazon's face as soon as he saw Leandro.

___

"Thank you for saving my son" saad ko nang maramdaman kong umupo sa tabi ko si Leandro. Ilang sigundo ang lumipas ngunit hindi man lang ito kumibo at nanatiling tahimik.

I turned my face on the right side kung saan andun sya. I looked at his face. Ganun pa din sya tulad ng dati pero mas naging gwapo sya ngayon, sa awra nya, sa confident, sa fashion nya. iba rin talaga ang nagagawa ng pera. naka brushed up ang buhok nya, seryoso ito na para bang may sinusubukang i-solve na problema. Sabagay ganun naman talaga mga mayayaman, palaging busy, palaging seryoso.  He fished out his phone and started dialing a number.

"I sent you something" his authoritative voice sent shivers through my veins, hindi naman ako ang kausap nito pero hindi ko maintindihan bakit para bang may kakaiba na nagpakaba sa akin.

"You have a son" biglang tumambol ang puso ko nang biglang lumingon ito sa akin pagkatapos nyang itiklop ang mamahalin nyang cellphone. Hindi ako makatingin, nanatiling nakapako ang aking paningin sa marmol na inaapakan namin.

"Y-Yes" maiksing sagot ko.

"Is he my son?" agad ang pagbalikwas ng aking paningin, i saw his calm facade looking straight at me. he is asking me as if he is accusing me of a sinful act.

"A-Anong sinasabi mo!" Napatayo ako sa kaba.

"Lira, calm down. Nagtatanong lang ako. you look so defensive hm?" ipinulupot nya ang kanyang longsleeve paakyat sa kanyang siko and tiringly looking at me.

"P-pwede ka nang umalis ok-"

"Is that your way of thanking me?" Tumayo na din sya na para bang tinatamad pa. Hindi ako nagsalita at tinitigan lamang sya. Bakit ba parang may kakaiba, parang may mangyayari.

He looked at his phone and read a text on it, kinabahan pa ako nang mas biglang magseryoso ang kanyang mukha "I'll go now" paalam nito at walang lingong umalis na.

___

"Si Leandro yun hindi ba Lira? Yung..yung dating kapitbahay natin?" Hindi pa din mapakaling pagkukumpirmi ni Tiya. Andito na kami sa bahay dahil nakalabas na din si Gabby ng ligtas.

"Opo Tiya" saad ko habang inisa isang inilalabas mula sa bag ang mga gamit na dinala namin sa ospital.

"Sabi na eh, kahawig ni Gabby si Leandro.." biglang nanlamig ang buong katawan ko sa binigkas ni Tiya.

"Siguro pinaglihian mo si Leandro. Di ba Lira, tanda ko pa palagi mo syang sinusungitan noon?" At humagikhik ito. "Akala ko nga crush mo sya noon" pagbibiro nito na para bang nanunukso pa. Hindi ako nagsalita, bagkos tumayo ako para makaiwas sa iba pang sasabihin nito.

Akma na akong lalabas ng bahay nang muling magsalita ito.

"Sino ba talaga ang ama ni Gabby Lira?" Nanatiling tikom ang bibig ko pag dating sa identity ng ama ng anak ko.

"We need to talk, come to my condo asap!"
a text coming from Leandro himself.

"Lira, okay ka lang? kung ayaw mong sagutin naiintindihan ko naman pero sana man lang ipakilala mo sya sa anak mo." tanging tango lang ang sagot ko sa sinabi ni Tiya. Nanginginig na ibinulsa ko ang aking cellphone at muling inasikaso ang anak ko.

___

MERRY CHRISTMAS TO EVERYONE‼🎄


Leandro's Obsession | R18Where stories live. Discover now